Nikki’s P.O.V
A week has passed after the moments we had in the hospital. It’s a brand new day but this time it’s more special...
Today is saturday. Kakagising ko lang pero nakangiti na agad ako, sa kisame. Ewan ko, feeling ko kasi ang saya saya ng araw na to. Kanina pa ko gising, at hindi ko na din alam kung ilang oras na kong nakikipagtitigan sa kisame ng kwartong to.
Buong araw kahapon hindi nagparamdam si Evo sakin pati nung nakaraan, ewan ko pero hindi sya masyado nagpaparamdam nitong nakaraan, di ako sure kung bakit pero okay lang. Malay mo bumawi ngayon di ba?
My morning is totally good not until the moment auntie shouted at me, “NIKKIIIIIII!!! Hoy Nikki! Bangon, bangon! Tulungan mo ko sa baba, ayusin mo yung mga groceries na pinamili ko. Tapos magwalis ka! Maglalaba lang ako.”
“Auntie naman inaantok pa ko..” i tried to act as if i’m still sleepy..
“Ah sige, teka nga nasan na nga ba yung pitsel ng tubig--”
“Eto na auntie bababa na!” bwisit tong matandang to kainis! Eh ano pa nga ba? Do i really have a choice? Meron, ang sumunod sakanya o maligo ng malamig na tubig sa kama? Syempre dun na ko sa first choice, duh!
---
Hay. Nakakapagod, si auntie naman kasi, ang inutos sakin mag-ayos lang ng groceries at saka magwalis. Pero sa dami ng dinagdag na inutos sakin dinaig ko pa ang maid. Grabe talaga tong isang to, tapos sya ayun kasama na naman ang mga amiga nya, as usual sugal na naman.
Pero ang lagi nyang sinasabi, naglilibang lang daw sya. Libang ba yung halos dun na sya tumira sa kapitbahay? Kaloka to si auntie, siguro kung di lang regular ang sustento samin ni mama, malamang naghirap na kami.
Dahil sa nakakapagod talaga ang feeling, naupo muna ko sa sala, kasabay nang pagtingin ko sa orasan na nakasabit sa pader.
O_O
And what? Mag-a-ala una na? Ganon ako katagal nagpakachimay?
Dali dali akong umakyat sa taas para icheck ang phone ko, pero ang saklap naman, bakit wala man lang texts kahit missed calls.
BINABASA MO ANG
BBI (with the Gangster)-[EDITING]
Teen FictionTHE WHO??? Sinetch itey na babaitang gandang ganda sa sarili. Self proclaimed na maganda. Pero malas naman sa buhay pag-ibig. Dahil lahat nalang ng magugustuhan nya ay ayaw sakanya. Pero totoo nga kaya ang lumang kasabihan na "The more you hate, the...