Nikki’s P.O.V
KRINGGGGGGGGGGG!!!~
Yes! Uwian na!
Teka oo nga pala. Sasama ba ko kay Xander o ano? Feeling ko kasi magkakasala lang ako kay Evo. Eh ano ba yan, wala naman kaming gagawing masama e. Bahala na nga. Ngayon lang naman e.
“Hey Nikki Louise, psh i said i got to go. Go home safely, kay? Text me when you’re there.” eh? Bakit parang kinikilig ako? Ah, siguro dahil excited ako kay Xander.
“Opo. Sige na bye!”
Wala na si Xander dito sa loob. Huh? Asan kaya yun? San ko naman kaya sya hihintayin.
Sakto namang nagvibrate yung phone ko. At sakto si Xander ang nagtext
From: Xander
Oy babs. Dito sa gate sa likod. Dito kita hihintayin. Bilisan mo ang lamok dito.
-end-
Aba? Demanding to? Teka “Babs”? Nakakamiss din yung pang-aasar nya sakin nung mga panahong magbestfriend kami..
Pagdating ko sa likod ng school, kung san nandun ang isa pang gate ay agad akong nagpalinga linga para hanapin kung nasan na si Xander.
Medyo tahimik dito sa likod, wala kasing nadaan dito masyado. Medyo padilim na din.
Asan na kaya yung abnormal na tipaklong na yon?
Naglakad na ko palabas ng may biglang nagtakip sa bibig ko mula sa likod.
Oh my ghad! Kidnapping ba ito? Shocks! Di naman ako richkid noh! Teka bat parang di naman ako nahimatay? Di ba dapat hihimatayin ako? Kasi nga kinidnap ako?
BINABASA MO ANG
BBI (with the Gangster)-[EDITING]
Fiksi RemajaTHE WHO??? Sinetch itey na babaitang gandang ganda sa sarili. Self proclaimed na maganda. Pero malas naman sa buhay pag-ibig. Dahil lahat nalang ng magugustuhan nya ay ayaw sakanya. Pero totoo nga kaya ang lumang kasabihan na "The more you hate, the...