Nikkiʼs P.O.V
Pataas na kami ng hagdan ng bigla kaming may makabunggo ni Eric, pero literally ako lang talaga yung nabunggo nya. Unfortunately medyo na-out of balance ako at napaupo sa sahig. Swerte unang hakbang palang ako..
“Hala. Miss? S-sorry-- Nikki?” gulat na tanong nung lalaking nakabunggo sakin. Napakunot naman ang noo ko, para kasing nakita ko na sya eh.
“Ha? Magkakilala ba tayo? Pasensya na, pero sino ka ba?” pagbabalik tanong ko din sa lalaking kaharap ko.
“Iʼm Robin.” then he smiled at me.
Robin? San ko nga ba narinig yon. He looks familiar, and his name-
“Iʼm Bienʼs friend. Remember? I mean, Evoʼs friend. You know, sa beach, sa Batangas, the happy first month--”
“Ay oo. Gets ko na! Ikaw yung kidnapper!”
“Cool. Yun talaga ang tandaan mo sakin, anyway iʼm sorry about that. It was just a part of our plans. And sorry again for this, are you okay? Did i hurt you?” he asked worriedly.
I shook my head vigorously. “No, iʼm okay. Sige, we need to go. Nice meeting you, Robin.”
Paalis na kami ng biglang magsalita si Eric, in a malanding, mapang-akit way. “Hi Robin, by the way iʼm Eric. Eric in the morning. Erica in the evening!”
I heard Robin laughed at Eric then flashed a smile and waved to us before turning his back to go.
“Ay tinatawanan lang ako girl? Echusera sya, kaloka! Pero infairness kay kuya ah, may pagkayummylicious din. Sige saʼyo na si Evo talaga, akin nalang si Fafa Robin.”
“Ewan ko saʼyo Eric, napakalandi mo na naman. Tara na sa room.” but i stopped when i realize that he wasnʼt following me. “Oy ano? Mamaya ka nalang lumandi may klase pa.”
“Wait, may naalala lang ako. Kung kaibigan sya ni Evo. Malamang...” hindi ko na pinatapos si Eric sa naiisip nya kasi feeling ko parehas naman kami ng naiisip. So bago nya pa masabi nakatakbo na ko.
Takbo para mahabol si Robinhood!
“Wait Robinhood! Oy!” i shouted out loud, and thatʼs the reason why everybody stopped to stare at me. Lucky me, one of those staring people is Mr. Robinhood! Yay! Heʼs throwing confuse looks on me while iʼm walking towards him. “Ahm. Hi...”
“Whatʼs up? Correction, itʼs Robin. Robin without the ʻhoodʼ” he laughed.
“Okay. Edi Robin. Ah ano kasi, pede mo ba kong turuan pano magpunta kila Evo?”
------
“Mr. Almendral arrived in the country since last last day. Tingin ko yun ang dahilan kaya hindi nakakapasok ngayon si Bien.” And thatʼs when i realized something on my mind. Yun siguro yung araw na nagpunta ko sa bahay nila. Yun siguro yung dahilan kung bakit tumawag sakanya yung Dad nya nung time na yon.
“Okay, so yeah. Weʼre here. Just donʼt tell him na ako ang naghatid saʼyo dito. Baka gulpihin ako ni Boss.”
“Sige. Thank you, Robin.” pagtapos non ay agad na din nya akong iniwan sa tapat ng bahay nila. Hinatid ko nalang ng tingin ang sasakyan nyang unti unting nawawala sa paningin ko.
“Hi, ah-eh.. andyan po ba si Evo?” tanong ko sa guard na nasa gate ng bahay nila.
“Sino po sila Maʼam?”
“Nikki po, girlfriend nya po ko.” i introduced.
“Ay kayo po pala. Gusto nyo pong pumasok? Kaso wala po sya dito, kasama nya po ang Daddy nya.”
BINABASA MO ANG
BBI (with the Gangster)-[EDITING]
Ficção AdolescenteTHE WHO??? Sinetch itey na babaitang gandang ganda sa sarili. Self proclaimed na maganda. Pero malas naman sa buhay pag-ibig. Dahil lahat nalang ng magugustuhan nya ay ayaw sakanya. Pero totoo nga kaya ang lumang kasabihan na "The more you hate, the...