Chapter 37

405 9 3
                                    

Nikkiʼs P.O.V

“Aray! Grabe ka na talaga sakin, Baby ah? Kiss kita diyan eh.” he pouted after i  pinched and twisted his ears.

“Ay arte naman neto, hindi naman malakas pagkaka-pingot ko saʼyo eh! Oy Evo wag kang maginarte dyan ah? Usapan yun eh madaya ka, mali kaya sagot mo sa activity #09. Oh game activity #10 na, sagutan mo na yan  bilis.”

Andito kami ngayon sa sala ng bahay nila Evo, sabay kaming gumagawa ng assignments na binigay samin kanina sa school. Nakakainis, kailangan pa kasi ng ganitong kaartehan para lang mapilit syang gumawa. Napakatamad naman kasi. Isang pingot sa bawat mali, thatʼs my demand. Kaso epal talaga to, kasi kiss ʻdawʼ ang kapalit sa bawat tama nya. Sa kasamaang palad, hindi pa sya natama. Namumula na din ang tenga nya sa kakapingot ko. Aww, naawa naman ako.

“Ano ba yan, ang hirap naman kasi neto eh.. Baby, turuan mo ko.” reklamo nya habang  pasimpleng niyayakap ako.

“Wag mo kong lokohin Evo, alam kong katamaran lang yan.” totoo naman kasi, hindi naman kasi siya bobo. Ang problema lang talaga eh, yung sobrang katamaran nya sa pag-aaral.

“Seryoso na kasi Evo naman eh, sagutan mo na yung natitirang activities. Mamaya nalang natin i-compute kung ilang pingot utang mo sakin. Tatapusin ko lang tong report ko.”

“Alright. Iʼll do this! Hah! Wag kang kampante Nikki, baka ako ang maningil ng utang mamaya.” mayabang nyang sagot habang nakangisi sakin, bago nagfocus sa pagsasagot.

Napailing na lang ako, habang napapangiti.

---

“YES!!!” Evo beamed, as if he just won in a big competition. “Oha. I told you, Baby. Now itʼs payback time.” He grinned.

“Wait lang! Nandaya ka ata eh! Pano mo nasagutan lahat ng tama hanggang activity #20?!” i protested.

Grabe naman kasi kung mula activity #10 hanggang #20 nasagutan nya ng tama, ibigsabihin. . . SHT. Hindi ko alam kung kikiligin ba ko o-

“Namumula ka, Baby. May sakit ka ba?”

“H-hindi no! P-parang ang init lang bigla dito sa inyo, namatay ba yung aircon?” palusot ko, pero ang bobo ko kasi...

“18 degree celcius temperature dito sa loob, naiinitan ka? Asan ang pawis mo? Hindi ko makita, Nikki.” pang-aasar nya sakin.

“A-ah wait lang kuha mo kong tubig. Nauhaw ako bigla.” i heard him tsked.

“Dami namang segway. Pa-kiss muna isa para sampu nalang mamaya.” and again, i saw for the nth time his famous grin.

“Evo ah, ang manyak mo na. Sisipain na kita.” saway ko sakanya. Grabe yung puso ko po, hindi ko alam kung nalaglag na ba o nandito pa sa loob ng katawan ko. Sht naman kasi to si Evo eh, wagas! Kung sa iba butterflies in their stomach, sakin feeling ko dragon na eh. Kasi naman eh. Ang OA ko na sa kilig ah, Nikki kalma okay?

“Isa lang, Baby tas ikukuha na kita ng tubig. Grabe ka, manyak agad kiss lang naman? Normal naman yun ah. At saka napagod talaga ang utak ko kakasagot ng mga yan, kaya sige na please?” he pleaded like a five-year-old child. Gosh, bat ang cute nya.

I canʼt help but closed my eyes as he started to lean closer and closer to me... At juskopo, ang puso ko lalabas na ata sa dibdib ko, ano ba naman to, mamatay na ata ako. . . sa kilig at kalandian. Syet, yung hotness of his lips, matitikman ko na naman, gosh tala-

“P*ta. Aral o lande? Sana dun nalang kayo sa kwarto.” agad naman akong napamulat ng marinig ko ang isang malamig na boses. Ganon din si Evo na biglang napatayo sa gulat.

BBI (with the Gangster)-[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon