Chapter 20

685 14 9
                                    

“Here, this will perfectly look awesome to you lovely. Idagdag mo na yan.” he said then give me a sincere smile.

“Andami naman Evo! Masusukat ko ba tong lahat? Isa lang naman okay na e.” reklamo ko kay Evo. Pano ba naman pagkatapos ng landian moments namin kanina dun sa fountain niyaya nya muna akong pumunta dito sa mall sa loob lang din ng amusement park na to.

Dahil nga basa kami, kailangan muna naming maghanap ng damit pamalit. Tapos na syang mamili ng kanya, at nandito kami sa isang kilalang boutique para sa mga damit pambabae.

“Just try them all. Go shuuu, i’ll judge you after every single dress you fit. C’mon baby.” pamimilit nya sakin habang mahinang tinutulak ako papasok ng fitting room.

“Tss..” napaka talaga ng lalaking yon kainis. Like a boss makakilos. At ano daw? “Shuu”? Ano ko aso? Langya ang ganda ko para magmukang aso!

Inuna kong isukat tong isang black dress na one inch above the knee ang haba, medyo slim ang style.

Pakshet! Ang sikip nangaasar ata to si Evo e, pang sexy to e! Jusko lord ang curvacious ng body ko, pumuputok!

Pagbukas ko palang ng pinto, agad nahuli ng mata ko ang pagpipigil ng tawa ni Evo.

“Pfffft!” tapos binalingan yung isang sales lady. “Miss larger than this? Meron ba kayo?”

Agad namang lumapit yung isang sales lady na parang kinikilig pwet pa! “Sorry sir, free size po ang isang to e.”

Tinanguan naman ako ni Evo, na parang sinasabi nya na yung iba na lang.

Pumasok na ko sa loob. Sunod ko namang isinukat ang maroon na dress, magkasing haba lang din nung una.

Paglabas ko, agad nagiwas ng tingin si Evo at parang namula pa sya..

“Too daring, ayoko nito di bagay.” Pipili pili ka ng ganito tapos nagiinarte ka ng ganyan, medyo plunging kasi ang neckline neto.

Next: Blue dress.. Lagpas hanggang tuhod noong isuot ko. Medyo malaki sakin.

“Don’t like that. Muka kang manang..”

BBI (with the Gangster)-[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon