bakit ganito? Di ba dapat masaya ko kasi successful ang plano ko. Pero bakit nahihirapan ako. Bago matapos ang kanta ay hinagisan pang muli kami ni Evo ng isang matalim na sulyap.
Nangangamoy away mamaya. Naguguluhan ako.
Ano ba tong nararamaman ko.
"Nikki can we--"
"Shut up Xander.." putol ko sa sasabihin dapat ni Xander.
Kung may kailangan akong makausap ngayon si Evo yun at hindi ang lalaking katabi ko ngayon...
Tapos ng magperform si Evo. Pumunta ko sa backstage, at nakita ko sya dun nakaupo sa isang sofa habang hawak hawak yung gitarang ginamit nya kanina.
Kinakabahan ako, sobrang seryoso kasi ng mukha nya. Pero di ako mapalagay, pakiramdam ko may mali akong nagawa sakanya e. Pakiramdam ko ayokong magalit sya sakin. Parang theres a part of me na gustong magexplain na "walang lang yon".
Bigla naman syang ngumiti ng may lumapit sakanyang isang babae, ah si Laarnie yun class president ng kabilang section. So naglalandian na pala sila nyan? May pahampas hampas pang nalalaman tong babae na to kay Evo. Sabay tatawa ng napakaarte. Hashtag medyo maharot ang babaeng to ah. Napataas ang kilay ko sa senaryong nakikita ko.
I took a deep breath before calling his attention, "Ehem.. Ahm.. ah hi!" pilit kong pinasigla ang pag-hi sakanya. He was shocked, di ata sya aware sa presence ko sa sobrang landian moments nya with that girl.
Mabilis din syang nagbawi ng tingin at tumayo, "Ah Evo gusto ko lang--"
"Mamaya nalang. Busy pa ko." And with that, tinalikuran na nya ko. Sabay silang naglakad papunta sa loob ni Laarnie, na tinaasan pa ko ng kilay bago tumalikod din. Hmm i smell something btchy, nagstart ata ang name sa 'L'?
Bagsak balikat akong naglakad palabas sa backstage, ayoko na ding manood nawala na ko sa mood..
Kakalakad ko napadpad ako sa tapat ng building ng room namin kung saan may maliit na ground na may swing sa gitna.
Wala sa sariling umupo ako dun..
Nagswing swing muna ko, palakas ng palakas tapos bigla kong isasad sad yung paa ko para huminto, tapos papaandarin ko na naman. Wala lang trip ko lang. Mga 30 minutes ko ding napagtripan yung swing.
Maya maya pa huminto na din ako at naupo nalang sa swing, "Kakausapin ko lang naman sya! Bat ayaw nyang makipagusap!? Mas inuna nya pa yung Laarnie na yun porket ba mas payat yon? Hmp! Argh! Kainis!" para akong tanga na nakikipagusap sa hangin. Habang panay ang tadyak sa buhanginan. Puro lupa lupa na nga ang sapatos ko e.
Pero wala akong paki, basta naiinis ako! "Alam ko naman na galit sya or nainis, bakit kasalanan ko bang niyakap ako ni Xander! Nagulat din naman ako ah! Di ko naman sinasadya ah, saka bulag ba sya si Xander lang yung nakayakap hindi ako! Leche sya. Stupid bird! Ibon! Di man lang ako pinagexplain, iiwasan ako agad anong klase yon!? Hmp!"
Sisipain ko sana yung batong nasa paanan ko nang bigla ako may nakitang isang makinang na bagay, wow ang ganda, hugis star! Star na may mga batong makikinang sa loob! Mukang mamahalin ah infairness..
Isang kwintas ang nakalawit ngayon sa harap ko. At sa sobrang pagkaakit ko sa kwintas di ko napansin ang kamay na pinagsasabitan ng kwintas..
"E-evo? A-anong ginagawa mo dito?" mautal utal kong sabi sa pagkagulat.
"Sa sobrang lakas ng boses mo, halos magkaron na ng cracks ang pader nitong building sa tapat. At sobrang lakas ng sipa mo dyan sa lupa muntikan ng magkaron ng manhole at tignan mo nga yang binti at sapatos mo, badjao ka ba?" mayabang nyang asar sakin. So hindi na ba sya galit? Pero teka ano daw? Ako Badjao? Aba loko to ah!

BINABASA MO ANG
BBI (with the Gangster)-[EDITING]
Novela JuvenilTHE WHO??? Sinetch itey na babaitang gandang ganda sa sarili. Self proclaimed na maganda. Pero malas naman sa buhay pag-ibig. Dahil lahat nalang ng magugustuhan nya ay ayaw sakanya. Pero totoo nga kaya ang lumang kasabihan na "The more you hate, the...