Dren's POV
( takang taka naman si Dren kung bakit ito ang regalo ni Daniel, Purple na dress, heels at accesories.
tapos na ang debut niya para sa mga ganitong bagay.
May malaking tuldok ngayon sa mukha niya kung bakit ganito ang regalo ni Daniel. Pero hindi pa rin naman niya maitatago ang sayang nararamdaman dahil una sa lahat alam niyang mahal na mahal pa rin siya ni Daniel.
Ngayong araw dapat magkalinawan na ang mga puso't isipan nila.
--
Daniel: oh bakit parang gulat na gulat ka ata sa regalo ko?
Dren: ah Daniel, bakit ito ang regalo mo, atsaka mukhang medyo natagalan na ata ang mga to dito sa kahon na ito.
Daniel: just listen to me Dren carefully! ( umupo na si Daniel sa harapan ko at hinawakan niya ang dalawa kong kamay. He started to tell me everything.
*FLASHBACK*
Daniel: nakauwi na po ba si Dren?
guard: ah oo, hinahanap nga niya yung mga BFF niya yung Sally at Louise ba yun? pero sabi ko nakauwi na eh.
Daniel: ah ganun po ba? ( WAHAHAHA, tagumpay ako. Hindi nakasabay si Dren sa mga BFF niya ngayon masosolo ko na siya. Tinalikuran ko na ang guard pero may pahabol pa siya sakin. )
Guard: umuwi siya mag-isa at mag-iingat kayo dahil maraming tambay diyan sa labas.
( syempre ako naman kinabahan, hindi ko man lang naisip na oo nga pala at gabi na, tapos madilim pa sa labas. Kaya agad ko naman siyang tinext pero walang sagot.
tumawag din ako sakanila kung nakauwi na ba siya dahil sabi ko sakanya itext niya ako kung nakauwi na siya pero hindi pa rin siya nun nagtetext or tumatawag. Kaya sobrang nag-alala na ako.
hinanap namin nun si Dren kung saan na ba siya napunta at nalaman ko nalang na may dumukot pala sakanya. Nag sacrifice ako. OO ginawa kong ipagpalit ang relasyon namin ni Dren para sakanya dahil alam kong kasalanan ko yun.
Mag dedate sana kami ni Dren at ang balak ko sanang sosopresahin siya pero mali ang akala ko. Ako ang nasopresa sa nangyari. Balak ko sanang mag date kami dito sa rest house ko dahil magandang spot to para saming dalawa. Pero lahat ng yun hindi natuloy dahil sa palpak kong plano kaya pilit kong sinisisi ang sarili ko na ako ang may kasalanan at wala ng iba.
kaya naman kahit masakit ginawa ko yung gustong mangyari ni Sophia kahit alam kong masakit, alam ko rin na masasaktan si Dren pero sasaktan naman siya ni Sophia pag hindi ako gumawa ng solusyon.
hanggang sa tumagal eh naiinis lang ako sa pinapakitang ugali sakin ni Sophia. Hindi ko na rin matiis na nakikitang kasama ni Dren si Marc, nasasaktan kasi ako. Pero naisip ko naman na kung makikipag hiwalay ako pano si Dren ayoko siyang mawala ulit sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/1423085-288-k256631.jpg)
BINABASA MO ANG
"Secretly In-love" ( COMPLETED )
Teen FictionThis Story is about a nerdy girl who secretly fell in-love with her new Classmate Daniel. He is the most handsome and nicest guy in there Academy.Dren the nerdy girl keeps her secret within her best friends, She didn't noticed that one of his best f...