Chapter 72: Agreement!

2.4K 25 2
                                    

Daniel's POV

( anak ng tinapa! Hang over ba to? pero hindi naman ako uminom kagabi ah pero bakit ganito pakiramdam ko? nagising nalang ako sa condo ni Sophia, hindi ko man lang namalayan na nakatulog ako sakanila ganun lang yun? sh*t..

buti nalang talaga hindi alam ni Dren kung hindi magagalit sakin yun, nagising ako ng ganito pa rin wala naman nabawas na damit sakin wala naman siguro nangyari kagabi. Wala kasi talaga akong maalala.

kain lang ako ng kain kagabi ng cake atsaka, atsaka yung pinainom sakin ni Sophia lasang tea hindi naman siguro ako nalasing ng dahil dun dahil hindi naman siya lasang alak. Nadala ata ako sa kwento niya kagabi, ang drama ba naman. Siguro nga nagbabago na ang babaeng yun kaya ganun. Tapos, tapos nun hindi ko na alam ang nangyari.

Nakita ko na lang na may note sa side table.

note: Daniel thank you for understanding. Nauna na pala akong pumasok. See yah :)) I'll talk to Dren.

tsss.. Note note pang nalalaman, at talagang makikipag-usap siya kay Dren ah. Speaking of Mahal ko, nagkausap na kaya sila ni Sophia? tsk.. ano ba to?

--

Dren's POV

( natapos na ang klase namin at bukas practice namin ng Ball, dahil two weeks nalang at Seniors' Ball na namin. Weee I'm so excited.

balak ko sanag puntahan si Daniel sa may pool dahil alam kong dun lang yun pupunta kapag tapos na ang klase. Habang naglalakad ako papuntang pool lahat ng madaan ko napapatingin saki. May dumi ba ako sa mukha sa isip isip ko.

"Girl, yan yung girlfriend nung Daniel di ba?"

"Oo siya nga yun, tsk. Grabe naman"

"once na makita niya yun, nako"

Ano bang pinaguusapan ng mga babaeng to? hapon na hapon puro chismis ah. Pero hindi ko nalang sila pinansin inggit lang sila dahil may Daniel ako, pero syempre joke lang yun. HAHAHA.

nang madaan ko ang AVR namin, may nakita akong studyante. Photography siguro ang course nito dahil may nakasabit na SLR sa leeg niya. Nakita ko rin sa projector niya ang ilan sa mga shots niya. Ang gaganda, ang galing din niya mag edit kaya naman hanga na ako sakanya kaya kahit di ko siya kilala eh pumasok talaga ako sa AVR dahil photography din kasi ang balak kong kuhanin sa college.

Dren: ang ganda naman ng mga shots mo, ang galing mo!

"ako nga pala si Dren and you?"

"Carter"

Dren: Photography ba ang course mo?

Carter: ah- eh- ! o-oo b-akit?

Dren: Eh may SLR ka kasi eh.

( kanina ko pa napapansin hindi siya lumilingon sakin, hindi ko rin naman makita ang mukha niya masiado dahil naka bonnet siya tapos ang haba din ng bangs niya. )

Carter: s-sige alis na a-ako ah.

Dren: uy t-teka yun a-ano nalaglag!

( parang natatae naman yun, nagmamadali kasi eh kaya ayan nalaglag niya yung envelop niya. Ang weird lang talaga ng mga tao ngayon.

Pumunta ako sa pool pero wala dun si Daniel kaya tinignan ko nalang sa gym baka sakali, pero wala pa rin siya dun. Nang bigla naman nag vibrate yung phone ko. )

From: baby <3

Baby, nauna na pala ako umuwi. Sorry ah hindi na ako nakapagpaalam at hindi na kita nahatid dahil sobrang sama talaga ng pakiramdam ko. I love you BABY ko:*

&quot;Secretly In-love&quot; ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon