NEWBIE
FEW WEEKS passed simula ng mag-simula ang panibagong taon ng pasukan dito sa Aster High.
Kung saan, lahat ay kasing katumbas ng isang eroplano.
Lahat halos ng bagay ay mahal!
Sobrang mahal super!Hindi naman mayaman ang pamilya ko. Talino ko naman ang nagong daan upang makapasok ako ‘rito.
"The Month of August is coming nearer which means, Aster High’s Foundation Month is around the corner." n
Napatingin ako kay Teacher Anne ng bangitin niya ang nalalapit na program.Napabuntonghininga nalamang ako dahil, Ahnahder gastoes nanaman!
Halos wala na na nga akong nabibili para sa sarili ko! Pero oks lang naman.Kung hindi lang sayang ang opportunity na mag-aral sa ganitong mamahaling eskwelahan, Hindi talaga ako mag-aaral dito. Fact.
"Tomorrow we will be having quiz about the topic we've discussed today-" Sakto namang tumunog ang bell at inantay ko ang huli pang mga sasabihin ng guro.Ngunit heto sila. Nagsipag-tayuan na sa mga upuan at naglabasan na ng silid kahit pa hindi pa tapos si Teacher Anne sa sinasabi nito. Hays.. mga patay gutom!
"By the way.. medyo matagal panaman ang foundation day kaya—akin lamang sinasabi dahil baka may mga plano na kayo at i-dediscuss naman iyon sa katapusan ng buwan kaya, Everyone is allowed to share their thoughts.." Kinuha ni Teacher ang mga libro niya bago tuluyang nag-paalam para umalis na ng classroom.Ako naman napatingin ako sa paligid at nakitang wala nanamang tao na sa classroom at ako nalamang ang natitira. Grabe.
Hindi na ako nagsayang pa ng oras, agad akong tumayo at naglakad papuntang Cafeteria para kumain.
Bilang isang scholar for the straight 16 years, walang ‘ni isa ang gustong kumaibigan sa akin. Hindi ko alam kung sadyang ako ba ang demonyo ‘o sila.
Nakayuko akong nag-lalakad ng hallway medyo mabagal akong mag-lakad dahil nakakatamad lakarin ang daan papa-Cafeteria. Sobrang layo! Kainis!
Gusto niyo pa bang malaman kung ano ano ang perks ng pag-aaral sa isang mamahaling eskwelahan? Maliban sa mahal ang lahat, nagkalat pa ang mga maaarte at mga demonyong mga estudyante.
I get it. Mayaman sila at magaganda’t gwapo pero kung ganon lang din naman ang attitude nila, well thank you next na lang.
Napatingin ako sa kaliwa't kanan ko ng maramdaman na halos lahat ng students ay nag-tatakbuhan.
Anong meron?
Nabaling ang atensyon ko sa harapan.
Ang daming nag-kukumpulang estudyante sa may hagdan kung saan ang madalas kong dinadaanan papunta ng Cafeteria.
Napakunot ang noo ko dahil nag-kakagulo sila't nag-titilian at sigawan. Nakikita ng mga mata ko ay karamihang mga babae ang naroroon.
Ano ba kasing meron?! May away na naman ba?!"Uy, Cass. I heard there's a new student from Class 10 and i heard he's hot! Let's go!”
Huminga nalang ako ng malalim at nag-patuloy lang sapag lalakad. Akala ko naman kung ano na. Jusko lalaki lang palang bago. Tsk.
BINABASA MO ANG
Admiring Him
Romance[COMPLETED] "Please.. Stay, Penelope." STARTED : DEC 30, 2018 ENDED : MAY 23, 2019 EDITING : ON GOING #21 in #lovestories #Wattys2019