SIXTEEN

43 3 0
                                    

DEAL FOR REAL

"Mag-tiwala ka lang.. may gagawa ng paraan.."

"Mag-tiwala ka lang.. may gagawa ng paraan.."

"Mag-tiwala ka lang.. may gagawa ng paraan.."

Paulit ulit iyan sa isipan ko simula ng sabihin 'yan ni Parker.
"Huwag 'kang mag-alala panalo tayo."    Sabi ni Parker.  
Kanina niya pa ako kino-comfort.
Kasalukuyan 'nang tinatawang ang mga leader na nananalo mula sa grade 7 pataas.

Iginala ko ang paningin ko sa paligid baka sakaling makita ko si Rex pero wala talaga siya simula pa kanina.
Hindi kaya nagalit 'yon?
I shook my head.   Hindi ganon si Rex.
"Can you stop it?"    Napatingin ako sa katabi ko.    "Stop what?"   Ano ba kasi ang sinasabi nitong si Parker.   Naaaning na 'ata.
"Stop looking for him.   He's not around."    Malamig niyang sabi.
Gusto ko pa sanang mag-tanong kung paano niya nalaman na wala dito sa school si Rex pero,  nanahimik nalang ako.
"And now.. for it's time for grade 9—"   
Huminga nalang ako ng malalim. 
"We lose."    Nakayuko 'kong sabi.
"No. We didn't."    Ewan ko ba dito kay Parker.  Magulo.
"Mag-tiwala ka lang."    hinawakan niya ang kamay ko sabay ngiti ng matamis. 

Nag-palakpakan ang mga tao ng marinig ang nanalo.  At the same time,  nakita ko ang isang leader ng grade 9 ay umiiyak.   Bakit kaya?  
Ay! Oo nga pala.   Natalo sila,  but that's okay.    
"And now.. for grade 10—"    Tumingin sa'kin si Principal. 
"Congratulations.   Sweet-Treats Group!  Mr. Ramirez's Group."    Nag-palakpakan ang mga tao. 
Napatingin ako kay Parker ng nagawa niya 'pang pumalakpak ng malakas at nakangisi pa ito.  
"Oh–Mr. Ramirez is not around—"    Sabi ni Principal.
"Let me handle the award for Mr. Ramirez—"    Pasikat ni Paris. 
Umakyat siya ng stage ng dala dala ang malaking garapon na punong puno ng stubs.    Sana nga hindi sila nang-daya.
Inilapag niya iyon sa lamesa saka tinangap ang award na trophy.   
"Please have your short speech."
Confident na kinuha ni Paris ang mic kay Principal saka nag-salita.
"First of all.  I would like to thank my grade 9 friends who helped my group to achieve this,  akala ko matatalo kami pero here we are—nakuha namin ang trop—"
"Teacher Marie! Watch out!"    Nabungo ni Teacher Marie ang jar at nabasag ang garapon. 
Nagkalat ang mga stubs sa simento. 
Pati ang mga nasa harapan ay aakalain 'mong confetti ang makukulay napapel dahil sa pagka-saboy saboy nito.

Narinig 'kong tumawa si Parker.
May nakakatawa ba 'don?
Napatingin ako sakanya saka napailing iling naman siya.
"I'm sorry."    Apologize ni Teacher Marie.   Sabay tumulong sapag-pulot ng mga stubs.  
"Uhh—l-let me do t-this!"    Natatarantang sabi ni Paris.
"Teka.   Grade 9 stub ito ahh—"    Rinig 'kong sabi ng nasa harapan namin.
"Oo nga.  Pati ito ohh—ang daming grade 9 stubs."   Sabay pakita ng madaming papel.  
"So.  Totoo nga'ng nang-daya sila?"    Tanong naman ng isa.

Ibinalik ko ang tingin ko sa stage at halatang naguguluhan na'din si Principal at Teacher Marie.    Anong nangyayari?   Ang gulo ata?
Nag-bulungan sila saglit saka napag-desisyunang tumayo.  

Huminga ng malalim si Principal at mukang disappointed. 
"A—nong nangyayari?"    Tanong ko kay Parker.    Pero ngisi lang ang isinagot niya.    Edi nye!

Biglang tumayo ang isang babae mula sa grade 9.    "Principal.   I have something to tell you."    Nanilinsik naman ang mga mata ni Paris.    Mukang tama nga ang hinala ko ahh.  
"Those voting stubs are from our group.   It was stolen by the group of Mr. Ramirez—"   Matapang na sabi ng babae.
"What?!"    Pag-kukunyari ni Paris. Nag-bulong bulungan naman ang mga tao.    "Everyone whose included in this trick please... in my office. Now!"    Galit na galit si Principal.
"What?! But we already won!"   Banat ni Paris.
"No you didn't.   Ms. Blanco's Group is the winner—stop making some alibis,  Ms. Bui—"
Bago pa 'man mawala sa paningin ko si Paris ay sinira niya muna ang trophy sa pamamagitan ng pag-hagis at pag-sipa at saka umirap sa'kin.  
"See?  Panalo tayo—"    Nag-hiyawan naman ang mga kagrupo ko.
"Sabi ko na nga ba.   May pinlano sila eh!"    Dinig 'kong sabi ni Rachel.
"Paano—paano mo nalaman na mananalo tayo?"    Tanong ko kay Parker.   
Ngumiti siya saka hinawi ang buhok ko.  
Huminga siya ng malalim bago nag-salita.     "I know Paris well—"
"Paris will do everything just to get what she wants—just like what happened,  di'ba? Pinag-muka niya lang tanga ang sarili niya."    How could he say those words to his own girlfriend?   Is he for real?

Ilang sandali ang nakalipas at nagpatuloy nalang ang program with sports.    Which is,  hindi ko alam ang tungkol dito.   Mukang biglaan ata?

Ako na'may naka-upo nalang sa isang gilid habang nanonood ng volleyball. 
Katabi ko naman si Parker na pinapansin ko naman pero nilalayuan ko pa'din siya.    
"Hangang kelan mo ba ako iiwasan?   Hindi ganito ang dating Penelope—hindi ikaw si PB."    May paganon?   Edi nye!
"Drama mo,"    Tanging sabi ko nakatuon pa'rin sa laban ang atensyon ko.  
Narinig ko naman na tumawa siya.
"Bakit ba kasi iniiwasan mo ako—"
"Ayoko ng gulo.   Parker,"    Tanging sabi ko.   Hindi pa'din siya hinaharap.  
"But I don't have  a girlfriend."    Hinarap ko siya.    Paano niya nagagawa 'yon?   Ikinakahiya niya ba si Paris?     Is he for real?
"Tigilan mo ako—"   Mataray ko na sabi pero tinawanan niya lang ako. 

Extended ang program hangang matapos ang last game.   Ang basketball.    
Medyo madilim na 'nung natapos ang volleyball at hindi ko alam kung sinong kakausapin ko hangang matapos ang program wala pa'din si Rex hangang ngayon.    Nasan na ba 'yon?

Wala na'din si Parker sa tabi ko.    Nag-paalam pa ang mokong na aalis siya saglit at babalik 'din daw kaagad. 
At si Paris naman at ang mga kasabwat sa pagnanakaw ng stubs ay suspended for 1 day.   Hindi sila pwedeng manood ng Aster Night ngayon.
"Good evening.  Everyone—"    Napatingin ako sa stage at mukang kakanta nanaman ang CoolFive ngayon
"This song is dedicated for someone by PW,
Sana ay magustuhan mo daw ang kanta na ito."    Nag-simula nanamang tumugtog ang banda nila Cybrux ang vocalist ng CoolFive.  

Kinanta nila ang All I Ever Need
Isa sa mga magagandang kantang napakingan ko.  
"If you need me anytime,  you know I'm always right by your side—"    Hindi ko alam ang gagawin ko.    Si Parker lang ang nasa isip ko.
Ganito na ba ang epekto sa'kin ni Parker?   Ang pagka-admire ko sakanya?   

Pero bakit parang ang sakit?

Ang sakit na malaman na simple, mahirap, scholar at talino lang ang meron ako.    Hindi talaga iyon ang punto ko,  

Iyun ang mga katangian na hindi gusto ni Parker.     Alam ko naman na mali ang nararamdaman ko,   Pero sakanya ako masaya.   

Gusto ko lang maranasan na kahit isang beses lang,   Maranasan kong hindi basag ang puso ko.    Pwede ba 'yon? 

Alam kong mali,   Pero kelan ba naging mali ang pag-ibig?   

"When it comes to you baby I'm addicted,   You're like a drug—"

Walang wala ako kay Paris.   Si Paris ay payat,  maganda,  maputi,  makinis,  at mayaman.   Talagang walang wala ako kaya hindi na ako nag-tataka kung bakit siya mahal na mahal ni Parker kahit na niloloko lang siya ni Paris.    

Sana magising si Parker isang araw at malaman niya kung bakit siya nag-papaloko kay Paris,  pero hindi eh. 
I have no power para sabihin 'yon at wala akong karapatan sa relasyon nila.    

Wala lang naman ako para kay Parker eh.   Para lang akong isang pahina sa libro..   pagtapos na lilipat sa iba..  at kung kelangan ay babalikan nalang..    masakit. 

"You're all i ever need,  baby you're amazing.   You're my angel come and save me—"   

Siguro nga.. hangang 'admire' nalang ang pwede kong gawin.. ang pwedeng gawin ng aking damdamin..
masakit 'man pero kelangan tangapin..

***

Team PB kayo o Team Co?  

Kinakabahan talaga si Ateng Cloak Lover!  :/

***

Admiring Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon