THAT FRIDAY NIGHT
"SALAMAT sapag-hatid Parker—"
Napatingin kaming dalawa sa kalangitan ng kumulog ng malakas.
"Ahh.. w-wala 'yon." Kunot noo pa'rin siya't nakayuko pa ito.
Ilang saglit kami natahimik at hindi ko na alam ang gagawin ko kaya,
"Parker. Mauna na ako—" Tumingin siya sa'kin mukang may gustong sabihin pero hindi na niya nasabi dahil ni-lock ko na ang gate.Ilang saglit pa hindi pa ako nakakalayo ay muli akong umatras papabalik kay Parker pero pag-bukas ko ng gate laking gulat ko ng naka-hilatay na siya sa daan. And that moment. Hindi ko na naiwasang mag-alala para sakanya. "Parker? Parker!"
"Parker wake up please! Mama! Papa!" Hindi ko alam ang gagawin ko. I'm really worried for him.
"Anong nangyari?!"
"Ma, Pa. please, tulungan n'yo po si Parker madala sa ospital!"
Nag-aalangan pa si Papa pero wala narin siyang nagawa.Binuhat nila Kuya't Papa si Parker at isinakay sa Taxi. Sumama si Papa sa'kin papuntang pinaka-malapit na ospital, Habang si kuya naman ay nag-paiwan para samahan si Mama.
Kabadong-kabado ako't hindi alam ang gagawin. Tinawagan ko na si Tita Cristela gamit telepono ni Parker.
At asahan daw na pupunta agad sila sa ospital.Tinitigan ako si Parker sa mga sandaling iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko sakanya at 'mas lalong hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala siya. Hindi ko na napigilan ang luha ko sa sobrang pag-aalala. All i taught, He's mad kaya naka-kunot ang noo niya pero 'yon pala ay masama na ang pakiramdam niya.
Hinimas himas ko ang buhok ni Parker habang ang isa ko namang kamay ay naka-hawak sa isa niyang kamay.
Parker please.. stay, Hindi ko alam kung anong nararamdam mo pero ayokong mawala ka. Hindi pa ako handa. So please.. stay.Pinunasan ko ang luha ko't napatingin ako sa kamay naming magka-hawak ng maramdaman na piniga iyon ni Parker ng mahina. What's happening?
"P-Parker hold on." Hinalikan ko ang kamay niya.Agad na isinugod sa emergency room si Parker pagka-dating namin sa ospital.
Kalahating oras na kami nag-antay ni Papa sa labas ng emergency room at umaasa na maayos na sana si Parker.
Hindi ko alam kung anong kalagayan ni Parker. It might be malala o hindi,
I'm still worried.Ilang sandali pa ay lumabas na ang doctor. "Doc ano na po ang nangyari kay Parker?" Agad kong tanong. "Kayo po ba ang girlfriend ni Mr. White?" Napatingin naman ako kay Papa at nang-hingi ng tulong. Bakit tinanong pa ba 'yon? Sa harap pa mismo ni Papa. Panigurado patay ako nito.
"Opo doc. Kasintahan po ng anak ko ang pasyente." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Papa. Ano daw?!
Binigyan naman ako ni Papa ng Sakyan-mo-nalang-look kaya wala na akong nagawa. Nakuha ko 'din ang punto ni Papa.
"Wala naman 'pong nangyaring masama sa pasyente—" Napahinga ako ng malalim.
Thank God.
"Mayroon lamang 'pong mataas na lagnat ang pasyente. At he's lack of sleep—" Si Parker? Luck of sleep?
"I advise na. Let Mr. White to have a rest first, And when he wakes up pupwede n'yo na po siya iuwi. Excuse me."
Papasok na sana kami ni Papa pero ako nalang ang pinapasok ni Papa dahil aantayin nalang daw niya sila Tito.Umupo ako sa tabi ni Parker at hinawakan ang kamay niya.
"Mabuti nalang at lagnat lang ang sakit mo." Tinignan ko ang mga kamay namin.
"Sabi ng doctor. Kulang ka daw sa tulog kung kaya't hinimatay ka." Hinipo ko ang leeg niya't naramdaman ang init ng balat niya.
May lagnat talaga siya.
"Parker. Hindi ko alam kung tama ba ang nararamdaman ko para sayo—" I can do this.
"Sasabihin ko na sayo 'to kahit natutulog ka para at least. Mabawasan ang mabigat na nararamdaman ko—" Pumikit ako't huminga ng malalim.
"Parker.. i like you." Yumuko ako.
Naramdaman ko na gumaan ang pakiramdam ko sa ginawa ko.
"Hindi ko alam kung kelan nag-simula pero nalaman ko nalang nung nasa mall tayo," Ayoko nang balikan 'yon basta nasa mall kami.
"Pero huwag kang mag-alala. Hayaan mo muna akong i-keep ang feelings ko para sayo—"
Tumingin ako kay Parker ng diretsa. Sana'y gising ka't naririnig mo ako..
"Give me few days. Hayaan mo, itong kamay na'tin na magka-hawak? Ngayon ko lang ginawa 'to in my whole life. Never pa akong nag-admire ng tao in my whole life, So it means. You're the first one." Muli akong yumuko.
I wish, you hear all of this.
"Ikaw ang first ko. Ang first holding-hands, Ang first admire, Ang first hug, Ang first person na nag-basag ng puso ko, ikaw ang lahat ng first ko." Ngumiti ako ng mapait at pinipigilan ang mga luha ko.
"Pero ayos lang. masaya ako kung saan ka masaya, masaya ako na masaya ka sakanya. masaya akong makitang nakangiti tuwing siya ang kasama—" Hindi ko na napigilan ang luha ko. "Naiyak nanaman tuloy ako. Tignan mo, Ikaw yung first person na nagpa-iyak sa'kin dahil lang sa love." Kung gising lang siguro si Parker iisipin niya na nababaliw na ako dahil nagawa ko pang tumawa kahit umiiyak na ako.
"Kung gising kalang siguro.. hindi ko magagawang mag-confess sayo ng nararamdaman ko kasi napaka-hina kong tao. Mabuti nalang tulog ka, napagaan mo ang pakiramdam ko. Nagawa ko na kasing mag-tapat sayo ng nararamdaman ko kahit tulog ka." Pinunasan ko ang mga luha ko.
Sobrang sakit.
"Parker. Kakapit pa'rin ako hangat kaya ko pa, Sana nalang ay maging masaya ka sakanya. Makita ko lang na masaya ka kay Paris, Masaya na'rin ako—" Hinimas himas ko ang kamay niya.
"Parker.. hindi ko pa kayang sabihin 'yon. Pero ito nalang muna ang sasabihin ko,"
Tinitigan ko siya ng diretso. Ang pogi niya.
"I like you." Ilang sandali pa'y
Dumating nasila Tito't Tita at halatang nag-aalala sila.Kinalaunan ay nag-paalam na kami ni Papa na uuwi na. Pinigilan pa ako ni Tito dahil para daw makita ako ni Parker pagka-mulat niya pero sinabi ko na huwag na dahil masama 'rin ang pakiramdam ko bilang palusot lamang.
Pero ang totoo'y masakit ang puso ko.Balisa ang itsura ko pagka-uwi.
Tahimik at walang imik ako hangang sa makatulog ako. Sana ayos kana Parker. Kahit na gusto ko na ako ang una mong makita pagka-mulat ng mga mata mo pero mabuti nang iwasan kita sa abot ng aking makakaya.Hindi ko maipapangako na iyon ang huli nating pag-kikita dahil ako ang pag-asa ng mga magulang mo daan sa tunay na ikaw.
Sana'y maging maayos kana't mawala na ang lagnat mo.. Parker.
Kinabukasan naman ay maaga akong nagising pero hindi ako tumayo para mag-hilamos, para mag-sipilyo.
Minabuti ko na hindi na talaga bumangon para hindi nila malaman na gising na ako't pilitin na kumain.Iniisip ko kasi si Parker kung kamusta na kaya siya. Till now nag-aalala pa'rin ako sakanya, Sana magaling na ang lagnat mo. Sana ayos kalang. Sana nakakatulog kana ng normal.
Narinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko kaya muli akong pumikit at nag-tulog tulugan.
Ilang sandali pa'y bumukas na ito't narinig ko ang yabag ng mga paa papalapit sa kama ko.
"Tulog pa ata ma—"
"Oo. Mamaya nalang, hayaan namuna nating mag-pahinga si bunso, Malamang ay napuyat 'yan sa kakaalala kay—" Hindi 'man natapos ni Mama ang sasabihin niya ay sumara na ang pintuan ng kwarto.Naalala ko nanaman muli si Parker.
Bigla akong tumayo't dumiretso sa banyo upang maligo't mag-ayos papunta sa bahay nila Parker.
***
PLEASE VOTE :))
BINABASA MO ANG
Admiring Him
Romance[COMPLETED] "Please.. Stay, Penelope." STARTED : DEC 30, 2018 ENDED : MAY 23, 2019 EDITING : ON GOING #21 in #lovestories #Wattys2019