THREE DAYS
KINABUKASAN naman ay wala ng masyadong ginagawa sa school.
Practice day nalang kami dahil sa 14 na ang prom. "Aren't you hungry, darling?" Basag ni Parker sa katahimikan simula pa kanina. Tumingin ako sakanya. "Hindi naman." Mahinhin kong sagot. Itinigil niya ang pag-lalaro ng bottled water saka tinitigan ako ng ilang sandali kaya naman napakunot ako ng noo. "B-bakit? May problema ba?" Aking pupunasan sana ng towel ang muka ko ng hawiin ni Parker yon at, "Ang ganda mo." Mahahalata mong galing sa puso. Is he for real? Medyo namula ako kaya umiwas ako ng tingin sakanya. "Alam mo.. sa totoo lang—maniwal ka 'man o hindi. But this is the truth," Napatingin ako sakanya. "You're beautiful." Pag-uulit niya. Napangiti naman ako ng makitang medyo kinikilig siya. "Alam ko."
"Alam mo darling? You're different. Iba ka sa mga babae'ng yan." Sabay nguso niya sa mga kanina 'pang nag-papa'cute sakanya.
"You're simple but, you're beautiful.." kasi nga simplest are the prettiest. "Alam mo.. kahit na gaano pa kaganda ang mga babaeng umaaligid sa'kin, ikaw lang yung babaeng hinayaan kong yakapin, halikan, hawakan ang aking kamay at sabihan na mahal na mahal ako." Is he for real?
"Yan? Yang mga babae na 'yan? Wala sa'kin yan. Ano naman kung mapula ang labi nila't maputla ang sayo? Ano naman kung sila naka-maikling skirt at ikaw ay naka-jeans? Darling, kung titignan lang na'tin ang lamang—mas hamak na lamang ka sakanila.. sa'kin pa lang panalo kana oh." Hinawakan niya ang kamay ko. "Kaya tandaan mo. In my eyes, you're the most beautiful girl i've ever met. Not Paris, not them." Itinaas niya ang kamay namin na magka-hawak saka niya hinalikan. "I love you." Ngumiti ako't, "I love you too."
"Promise me, hindi mo ko iiwan." Promise? Eh pano kung hindi ko matupad yung promise? Mag-sasalita pa sana ako tungkol sa promise pero, "Promise na, para hindi kana makawala pa sa'kin." Natawa naman ako. "Osige. I—"
"Practice na daw." Sita ni Rex.
Hindi na ako nakapag promise kay Parker dahil wala nang time. Hangang sa nag-simula na ang practice at si Parker naman ay nag-paalam na aalis muna dahil may kelangan siyang asikasuhin kung kaya't wala ito sa practice. Wala din naman ang ka-partner niya, si Paris. Nag-tataka din ako dahil, ilang araw nang wala si Paris. At ang huli kong kita sakanya ay sa mall noong mag-shopping kami nila Tita Cristela at Parker. "Deep thoughts?" Tanong ni Rex habang sumasayaw. Tinignan ko siya ng ilang sandali saka tuluyang sumagot. "H-huh?" Pag-kukunwari ko. "Alam mo Co, kilala kita. We've been classmates for couple of years in this school." Aniya. Pero kelangan ko bang sabihin kay Rex lahat ng mga 'to? Tungkol kasi sa'min 'to ni Parker. Ano nalang mararamdaman niya?
Pinilit ko na ngumiti saka sumagot ng kalmado. "W-wala 'yon." Aking sabi saka umikot at sinalo ako ni Rex.
"Basta kapag may problema ka.
Nandito lang ako, Co." kanyang sabi saka inalalayan akong tumayo at lumuhod siya saka hinalikan ang aking kamay bilang pag-tatapos ng sayaw.
Pinili ko na sumama nalang kay Rex hangang wala pa si Parker, para naman hindi ako mag-isa. "Anomg gusto mo? Ferrero sweet slice, oreo slice cake o.. blueberry cheesecake?" Tanong ni Rex. Blueberry cheesecake. Blueberry cheesecake, Blueberry cheesecake.
"Blueber—Oreo slice cake nalang," Aking sabi ng may ngiti sa labi. Parker Miss na kita.
Nung paupo naman kami ni Rex sa isang bakanteng pwesto ay may isang grupo ng mga babae ang nag-kukumpulan dahil sa may pinapanood ata sa cellphone nung isa. Kung ano ano pa ang mga pinag-bubulungan nila at nung tatabi kami sa pwesto nila ay para silang nagulat at narinig ko 'pang umubo ang isa. "Penelope, right?" Tanong ng isang babae na may hawak ng phone. Tumango tango naman ako, "Oo."
"Nakita mo ba 'to?" Napatingin muna ako kay Rex na tinignan din ako. Parehas kaming walang alam. Ipinakita ng babae ang cellphone at nakita ko ang litrato nila Parker at ni Paris na nasa isang restaurant. Ilang minuto lang nung i-nupload ang litrato at kung ano ang suot ni Parker kanina ay ganon pa'rin ang suot niya sa picture. Ngumiti ako ng mapait sakanila. "Baka niloloko ka lang ni Parker." Sabi nung isang babae.
"Baka ginamit ka lang niya para mapabalik si Paris dahil may pinag-awayan sila noon dahil kay Jason Tomlinson—" Humarang si Rex. "Tama na tama na."
"Hindi ata tamang manira ng relasyon—" Hindi ko na naintindihan ang mga pings-sasabi pa ng mga babae at ni Rex dahil naisip ko bigla si Parker.
Totoo kaya ang sinasabi nila?
"Tandaan mo. Kahit na anong mangyari, ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko. Kahit na gaano pa kalaki ang problemang dumating sa'tin, hindi kita iiwan Penelope."
"Hindi importante kung hindi ka maniniwala. Hindi pa ba sapat lahat ng mga ginagawa ko para sayo para maniwala ka?"
"Please. Don't ever leave me again, Penelope Blanco."
Paano kung ginamit nga lang ako ni Parker?
Sa huli ay kumain pa'rin ako ng normal at nakakausap ni Rex. Para hindi niya mahalatang sobra na akong nasasaktan.
Nung hapon nama'y nag-tago nalang ako kung saan kami madalas na tumatambay ni Parker kapag gusto naming ma-solo ang isa't isa. Hindi ko na napigilan na ma-luha ng makita ko ang mga alalaala namin ni Parker sa bawat lugar. Nahihirapan akong huminga, sumisikip ang dibdib ko.
Napaupo ako sa ugat ng puno. Mukang nang-yari na ang kinakatakutan ko.. sobrang sakit.
Bakit kelangan 'pang patagalin ni Parker? Ilang buwan kaming nag-sama wala 'pang taon pero sobrang sakit..
Mag-hapon lang akong nagtago at hindi na umattend ng practice para sa prom. Alam kong hinahanap ako ni Rex pero, ayokong makita niyang iniiyakan ko si Parker. Baka magka-gulo pa't lalong lumala ang sitwasyon.
Sobrang sabog ng itsura ko nung umuwi ako, mabuti nalang at hindi napansin ni Kuya at wala din sila Mama't Papa.
"I love you, PB.""Baka niloloko ka lang ni Parker."
"Shhh. Don't be afraid. I'm here, hindi kita iiwan—"
"Baka ginamit ka lang niya para mapabalik si Paris dahil may pinag-awayan sila noon dahil kay Jason Tomlinson—"
"Alam mo.. kahit na gaano pa kaganda ang mga babaeng umaaligid sa'kin, ikaw lang yung babaeng hinayaan kong yakapin, halikan, hawakan ang aking kamay at sabihan na mahal na mahal ako."
"Baka niloloko ka lang ni Parker."
"Mahal na mahal 'din kita."
"Tandaan mo. 'Yan ang mapapala ng mga taong mang-aagaw at nanlalandi ng boyfriend!"
"Naaalala mo pa ba yung kinanta ko yung Girls Like You? That's definitely for you."
"Good to hear. Dahil ilalagay mo lang sa piligro ang buhay mo kapag nakipag-relasyon ka kay Park—"
"Parker will always do everything just for a girl."
Sana Parker totoo lahat ng sinabi mo.
kahit na ang sitwasyon ko ngayon ay 50/50
Fifty na gusto kong maniwala sa mga sinasabi nila.
Fifty na gusto kong ipaglaban ang pag-mamahalan na'tin/ko sayo.
Niyakap ko ang sarili ko at kahit bumubuhos ang malakas na ulan at malalakas na kulog sa kalagitnaan ng ika-alas'dose ng umaga ay patuloy pa'rin ang pag-iyak ko at pilit na tinatangap ang katotohanan na wala talaga akong prinsipe na kaya akong ipaglaban, alagaan, pasayahin at higit sa lahat ay kaya akong mahalin ng buong puso, na walang kahati at walang halong pang-loloko.
Sana'y sapag-gising ko'y mawala na ang lahat ng ito..Kung sana'y tunay lang akong isang Prinsesa sa buhay ni Parker..
***
DON'T FORGET TO VOTE!---
Hello Nizzles!So may nag-message sa'kin na nagugustuhan daw niya ang story ko ang waiting for an update!
Sobrang thankyou sainyo kasi, buong akala ko wala talagang may gusto ng pag-ikot ng story na'to pero ipinag-papatuloy ko lang.
Maraming maraming salamat <3
Na-aappreciate ko sobra kaya ngayon ipag-papatuloy ko na ang pag-gawa ng stories dito sa wattpad!
Love ko kayo and sana magustuhan n'yo pa lalo 'to~
@yourmidnightdoll ❣️
Gusto kitang replyan but ayaw ni watty :( pero thankyou! Ito napo ang update!xoxo, Bernizzleee <3
BINABASA MO ANG
Admiring Him
Romance[COMPLETED] "Please.. Stay, Penelope." STARTED : DEC 30, 2018 ENDED : MAY 23, 2019 EDITING : ON GOING #21 in #lovestories #Wattys2019