TWENTY SEVEN

25 2 0
                                    

APOLOGIES

"HELLO MA?"    Bungad ko ng sagutin na ni Mama ang aking tawag.
"Oh,    Kamusta kanaba anak?   Na'san ka na ba't gusto na naming makita ang medal mo!"     Napangiti naman ako.   Si Mama talaga.    "Ma? Baka late po akong maka-uwi dahil may pupuntahan papo ako eh."    Aking paalam.
"Hay nako bata ka.   Kung hindi ka lang namin mapipigilan ng Papa mo na mag-boyfriend nako. Siguraduhin mong magiging ligtas ka pag-uwi mo dito Penelope ahh! Humanda ka sa'kin!"    Natawa naman ako.
"Opo.  Opo, Mama.   Salamat po sa lahat Ma! Mahal ko po kayo!"
"Osige! Nako! Mag-ingat ka't mahal ka din namin ng Papa't Kuya mo!"    Natawa nalang ako saka ibinaba na ni Mama ang tawag.
Napahinga ako ng malalim at sumilip sa bintana ng taxi.    At dahil gabi na,    kita ang mga ilaw ng mga gusali sa baba.    Tunay nga'ng maganda ang lugar na ito.   

Nang makarating na sa bahay nila Parker ay agad akong nag-lakad papasok ng bahay ng mga White.
Sa'tingin ko naman allowed akong pumasok nalang dito?
Walang nag-bukas ng pintuan at ako na ang nag-kusa.    Tahimik lang ang bahay at may mga katulong ay busy sapag-hahanda ng hapunan.    Hindi ko makita si Kuya Guard so sa mga katulong nalang ako nag-tanong kung na'san si Parker.    Hindi ko alam kung bakit parang nung sinabi nilang nasa pool area si Parker ay parang nag-aalanganin pa sila?   Pinipigilan pa nila akong pumunta sa pool area pero wala na silang magagawa.   Excited na akong makita si Parker at magka-ayos kami.
"Huwag po Ma'am Penelope!"   
"Manang bakit ba parang ayaw niyong makita ko si Parker—"    Natigil ako ng pagka-bukas ko ng pintuan ay hindi ako makapaniwala sa aking nakita.
Iginala ko ang paningin ko sa buong paligid at hinanap si Parker.    "Oh gosh!   Penelope is here!"    Napatingin ako sa pinag-mulan non.
Kumunot naman ang noo ko dahil bakit ganon nalang ang reaksyon nila ng makita ko sila?     "PB?"    Tawag ni Parker saka lumapit sa'kin.    Nanatili namang naka-kunot ang noo ko.
"Anong ginagawa mo dito?    And bakit—Na'san si Manong at bakit ka hinayaang makapasok dito?!"
Napatingin si Parker sa likuran ko.
"At kayo! Bakit n'yo sinabi sakanya kung na'san ako?! Ugh!" Inis na tumalikod si Parker saka ilang sandali pa'y bumalik din ito kaagad.
"PB."    Tawag niya.    Hindi pa ako nakakasagot ay agad niyang inilabas mula sakanyang likuran ang isang bouquet ng mga rosas at iniabot iyon sa'kin.    Mukang mamahalin.
"PB. I'm sorry."    Napangiti ako ng matamis saka tinangap ang bouquet.
"No.   I'm sorry.   Ako ang may pagkaka-mali dito.    Ako ang dapat na nag-sasabi n'yan sayo,"    Niyakap ko siya't,    "Parker, I'm sorry.    I'm sorry kasi,   Nawawalan na ako ng time sayo.  I'm sorry Parker."    Aking sabi saka umiyak na sakanya.    Niyakap nya din ako't naramdaman kong hinalikan niya ako sa ulo.    "Wala yon.   Forget it.    Huwag kang umiyak PB,   It's my mistake.   I'm sorry,  ako ang dapat na tunay na mag-sorry sayo dahil, hindi kita inintindi.  Nagpa-dala ako sa hinala ko't pagiging seloso.   PB, I'm sorry."    Kanyang sabi saka muli akong hinalikan at pinunasan ang aking mga luha.   Alam kong nahihiya ako dahil nasaksihan ni Tito't Tita ang ka-kornihan naming dalawa. Nginitian ko nalang sila saka iginala ang paningin ko sa buong paligid. Mukang talagang pinag-handaan ni Parker 'tong gabing 'to para maayos na ang lahat sa'min, And kahit na medyo pumalpak ang oplan-patawaran ay ayos lang—ang mahalaga'y maaayos na kami ni Parker.
"Magaling!" Napakalas ako kay Parker dahil sa gulat ng biglaang pag-bukas ng pintuan at biglang lumitaw dito si Paris na pumapalakpak pa.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Parker na yakap pa'rin ako ssa bewang. "Parker—Babe," Napabitaw sapagka-yakap si Parker sa'kin ng bigla akong itinulak ni Paris papalayo't niyakap si Parker sa harapan ko. "Parker, Babe. I'm sorry I'm late." Aniya. "What the hell are you doing in my house?!" Bakas ang galit sa boses ni Tita.    "Oww.  Nandito lang naman ako para puntahan si Parker dahil,  i heard.   Parker has a surprise for me."    Aniya.
"Paris,  Umalis kana."
"Well,  that surprise is not for you.  Paris,   Its for Penelope."
Sabi ni Tito Edward saka naman natawa si Paris.    "Ohh really?  Pero hindi pa kami nag-bebreak ni Parker.  Hindi ka ba nainform,  Penelope?"    Sabay tingin sa'kin ni Paris.   "Paris,  umalis kana."    Nag-pipigil na sabi ni Parker. 
"Why should i be the to leave?   Bakit hindi itong babae mo—"
"I said, leave now Paris!" Ilang sandaling natahimik ang buong paligid saka ngumiti ng mapait si Paris.
"We're not yet done, Penelope."
Sabay talikod niya para umalis.
Pero bago pa siya pumasok sa pintuan ay may huli siyang sinabi na ikinakaba ko.  "You'll regret this,  Penelope."
Saka dumampi ang hangin mula sa pintuan dahil sa lakas ng pagka-sara ni Paris.

That night.  Naging maayos naman ang lahat at mabuti'y hindi na nang-gulo pa si Paris sa'min.    Sana nga hindi na.
Pero hindi pa'rin maalis sa isipan ko ang mga maaring mangyari pa sa sinabi ni Paris kanina sa'kin.
Kumain kami ni Parker sa pool area at saka nag-usap usap at syempre sumayaw kami at bago pa matapos ang lahat ay dumampi ang mga labi ni Parker sa'king Noo,  Pisngi't labi.
I love you,  Parker.
Kinabukasan nama'y naging normal na ang lahat,  hindi na ako kumakain ng umagahan sa bahay at mas pinili ko na sa school nalang mag-umagahan para sabay na kami ni Parker.
Pero hindi ko pa'rin maiwasang malungkot kahit na nandito na ulit si Parker at maayos na ang lahat sa'min.
Habang nag-kaklase nama'y hindi mawala sa isipan ko si Rex kung nasan naba siya.   Medyo nag-aalala ako na nalulungkot para sakanya,  pero kahit na ganoon ay hindi ko pa'rin maiwasang mag-alala para sakanya—dahil sa lahat ng ginawa niya para sa'kin—sa'min ni Parker.   Kahit na nasasaktan ko na siya,  hindi pa'rin siya gumanti o nagalit kay Parker at sa'akin.
Tinignan ko ang upuan ni Rex at nalulungkot talaga ako dahil bakante ito't walang katabi si Mika.    "Hey." Napatingin ako kay Parker ng tawagin niya ako.   "B-bakit?"  
"Saan ka naka-tingin?"   Kunot noong tanong nito.  Muli akong tumingin sa likuran ni Parker at muling tinignan ang upuan ni Rex.  Umiling iling ako't sumagot.   "Wala." 
"Are you sure?  Walang ka bang sakit?"   Sabay hipo niya sa ulo't leeg ko.  "Wala. wala din akong sakit."
Aking sabi saka umayos ng upo't nag-sagot nalang ng seatwork.

Nung uwian nama'y sabay kaming nag-lalakad ni Parker at sabi niya'y ihahatid niya nalang ako pauwi. Dala ni Parker ang bag ko't tahimik lang kaming nag-lalakad. "So.. aattend ka ng Prom?"    Basag ni Parker sa katahimikan.   Aattend nga ba ako?
"Hindi ko pa alam.   Hindi naman ako sumasali sa ganyan,"    Sabi ko.
Napag-usapan kasi namin kanina nina Teacher Marie ang tungkol sa up-coming prom na gaganapin sa five-star hotel dito sa bansa.   "At isa pa,  gastos lang yon.  Saka.. hindi ko naman pinangarap na makapunta sa mga ganyan,  mga prom prom na 'yan."    Natawa naman si Parker.
May nakaka-tawa ba sa sinabi ko?
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Aking tanong. Patuloy lang ang pag-tawa niya. "Wala. Napaka-bitter mo naman kasi," Sabay tawa niya uli.
"Bitter? Bakit bitter?"
"Eh kasi. Ikaw lang ang babaeng nakilala ko na ayaw sa prom, you know. Prom? Every girls dream?" Aniya. Oo nga. Pero wala eh, abnormal ata ako? Eh nako basta. Hindi ko pinangarap na makapunta ng prom.
Nahinto kami sapag-lalakad ng nasa kotse na kami ni Parker. At humarap sa'kin si Parker. "Hindi mo kelangang magpaka-bitter. Now that you have me." Lumapit sa'kin si Parker.
"Now that you're dating Mr. White."

***
DON'T FORGET TO VOTE!

Admiring Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon