THIRTY

27 1 0
                                    

LAST FOUR DAYS

APAT NA ARAW nalang at malalaman na ang resulta.   Nasa bahay lang ako't sobrang miss ko na si Parker nandito kami ngayon ni Kuya sa sala—nag-lalaro ng chess.   Nakakainis lang kahit kelan hindi ko pa'rin natatalo si kuya sa chess!   Itinumba ni kuya ang Queen ko saka tumayo para inisin ako.   "Kunting practice pa, Baby Girl."  Sabay gulo niya sa buhok ko.  Tignan mo nang-iinis pa!   Tsk!  "Marunong naman ako ahh!"   Inis na hiyaw ko saka niyakap ang mga binti kong naka-taas.   "Sabi nga nila.  I've done my best—but my best is not okay."   Natawa naman ako.  "Enough yon,  kuya."   Pag-tatama ko.  "Oo na alam ko, sinadya ko lang yon."   Pag-dedepensa niya sa sarili.  Natawa uli ako.   "Nako nga kuya.  Aminin mo na kase."  
"Ang alin?  Na-gwapo ako?"
Inilihpit ko na ang chess.  "Tss.  Bahala ka nga,  pag-bibigyan na kita."   Aking sabi.  Sakto naman na tumunog ang cellphone ko. 

<3
is calling..

Slide to answer

Hindi na ako nag-dalawang isip pa na sagutin ang tawag ni Parker.  Dugdugdugdugdugdugdugdug.
"Hello,  Parker?"    Halatang masaya ang boses ko dahil isang linggo ko halos inantay ang tawag niya.
"Hello?   PB?"
"Parker?  Kamusta kana? Na-miss kita!"   Napatingin ako kay Kuya na naka-kunot ang noo,  umakyat ako sa kwarto para hindi madinig ni kuya ang usapan namin.  "Yeah.  I missed you too,  I-I'm outside."   Nagulat ako sa sinabi niya kaya agad akong sumilip sa bintana ko.   Halos maiyak ako sa sobrang tuwa ng makita ang lalaking mahal ko ay nassa baba at kausap na ako ngayon sa telepono.
Ngumiti siya ng matamis sa'kin,   "J-just wait down there!  Bababa din ako saglit!  I love you!"   Sabay kiss ko sa phone ko.   "Aww,  i love you—"   Hindi ko na siya napatapos pa't ibinaba ko na ang call.   Alam ko naman eh.   Agad agad akong nag-suklay ng buhok at napatingin sa muka ko.  "Parang may kulang?"   Napatingin ako sa lamesa ko't nakita ang mga ibiigay ni Tita Cristela na mga makeup.  Pumili ako ng medyo mapula at nag-lagay ng kaunti sa labi ko saka nag-mamadaling bumaba.   Muntik pa akong matalisod sa hagdan kamamadali.   "Oh,  dahan dahan naman.  Lalaki lang yan!"   Sabi ni kuya   Na hindi ko naman pinansin dahil sa sobrang excited ko.   "Parker!"   Pinag-buksan ko siya ng gate saka niyakap ng mahigpit.   "Na-miss kita!"   Aking sabi saka pinigilan na lumuha.   "Na-misss din kita,  PB."   Ilang saglit kaming nanatiling magka-yakap saka ako ang naunang kumalas.   "Kamusta kana?  Saka,  anong mga nangyari sayo nitong mga nakaraan?"   Napansin ko naman na medyo nalungkot ang mga mata niya pero still,  naka-ngiti siya.
"M-may problema ba?"   Umiling iling siya't muling nag-salita,  "W-wala yon.  Nagka-problema lang sa kumpanya kaya ganon,  tara let's date?"   Anyaya niya.  Napangiti naman ako't,  "Tumatangap ka ba ng No?"   Natatawa kong tanong. 
"Hindi.  Yes lang,"  sabay tawa niya saka ako hinatak.   "Pero wait!"
"Nakapang-bahay lang ako ohh—"
Aatras na sana ako para mag-palit,  "Nah.  Tara i-uuwi kita, marami kang damit doon sa bahay."   Kamyang sabi saka ako hinatak papaalis ng bahay.   Sa kamamadali,  hindi na ako nakapag-paalam kay kuya.
Sigurado naman akong magagalit yon sa'kin mamaya. 
"Penelope!  Oh my gosh!  Hija! I missed you!"    Sabay yakap sa'kin ni Tita Cristela.   Habang si Tito Edward nama'y mukang seryoso.   "Parker—"
"I know,  i know Dad."   Ano daw?
"Tara.  Let's just eat,  nag-handa ako ng tanghalian!"   Hinatak ako ni Tita Cristela papuntang dinning. 
Napatingin ako kila Parker at Tito Edward pero umakyat sila sa itaas at mukang may pag-uusapan.
"So.. kamusta ka naman, hija?"   Tita Cristela asked.   "Ayos lang naman po ako."   Aking sabi.
"Good to hear.  Sige,  kumain ka ng kumain at isasama kita sapag-shoshopping!"   Tumango nalang ako't ngumiti.  Ilang sandali pa'y bumaba na'din sila Parker at Tito Edward.   "Hi. Darling,"   Umakbay sa'kin si Parker.   "May pinag-usapan lang kami ni Dad tungkol sa business."   Aniya. 
Saka kumain na silang mag-ama.  Nag-usap usap kami ng tungkol sa ano anong bagay at nang matapos ang lahat ay pinag-bihis ako ni Parker at pina-ayusan sa mga makeup artists ni Tita Cristela saka kami umalis.    "Pupunta lang ako sa kaibigan ko saglit.  Parker,  ikaw na munang bahala kay Penelope."   Tumango tango naman si Parker bilang sagot na naiintindihan niya ang Ina.  Umalis na si Tita Cristela siguro'y pupuntahan niya si Vakla.  "Where do you want to go,  Darling?"   Asked Parker.
Saan nga ba?   "Mag-ikot ikot nalang tayo."   Aking sabi.
"Are you sure?  Wala kang gustong bilhin?"    Paniniguro niya.
"Oo. Tara?"   Inakbayan ako ni Parker saka kami nag-lakad lakad sa loob ng mall.   Maraming tao ang nakakakilala sa'min pero sana'y hindi kami pagka-guluhan kagaya last time.
Sa pagod namin kalalakad napag-desisyunan namin na mag-pahinga nalang muna sa isang coffee restaurant na mamahalin ang mga sineserve.
Umorder ako ng isang Frappe at ganon din si Parker.  Yun nga lang 'mas gusto ko yung Green Tea flavor kesa sa Chocolate.  Nag-kwentuhan kami ni Parker ng mga ilang ilang bagay at tinanong ko kung siya ba ang nag-bigay ng gown at sabi niya siya nga.  Ipinatahi pa daw niya iyon sa designer ni Tita Cristela.  Laking gulat ko ng mapag-usapan ang Kurte ng flower na'may malalaking diamonds para mabuo ang bulaklak.  "So.. totoo nga?!"   Humigop si Parker sakanyang Frappe saka sumagot,   "Believe me or not.  Totoo yon."  
"Eh magkano yung halaga nung gown na'yon?"   Aking tanong.
"More than,  eight million,"   Nasamid naman ako.  Is he for real?!
"Ang mahal naman 'non tapos isang beses lang susuotin?"  
"Baka nakakalimutan mo.. you're dating the son of Edward White or should i say.. anak ng bilyonaryo,"    Yabang talaga!  Tss.
"Oo na,  oo na!"  
"Let's go,  tapos na daw si Mom."
Tumayo na ako't sumunod ako sakanya papalabas ng kapihan.   Magka-hawak kamay kaming nag-lakad ni Parker.
Patuloy pa'rin ang pag-uusap namin kahit nag-lalakad.    Nag-gala gala ako ng tingin sa mall at hindi ko alam kung si Paris ba ang nakita ko sa isang restaurant na kain ng kain at muka na siyang tumataba.    "Darling?  Ayos ka lang?"   Tanong ni Parker.  "Ahh.. O-oo,"   Lumingon uli ako sa lugar kung saan ko nakita si Paris pero masyado nang naharangan ng mga tao.
"Let's go,  nasa parking lot na si Mom."   Hinatak na ako ni Parker papalabas ng Mall.
Nang makauwi ay nag-stay muna ako kila Parker hangang sa mag-gabi na't oras na para umuwi.   "I love you."   Sabi ni Parker.  "I love you too."  Sagot ko saka tinangal ang seatbelt ko.  "Wait."  Hinawakan ako ni Parker sa pulso.   "Tandaan mo.  Kahit na anong mangyari,  ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko.  Kahit na gaano pa kalaki ang problemang dumating sa'tin,  hindi kita iiwan Penelope."   Sabay lapit niya para halikan ako sa noo.  "Ako din, Parker.  pangako,"   Lumabas na ako ng kotse saka inantay na makaalis siya bago ako pumasok ng bahay.
I love you,  Parker.

***
DON'T FORGET TO VOTE!

Admiring Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon