Chapter 6: Close Friend?✅

5.3K 102 8
                                    

Chapter 6: Close friend??

Axiese POV:

"What the fuck!! Anong ginagawa niyo rito? At anong nginingiti niyo diyan huh!?"  Gulat kong tanong

"Ahm kasi Axx, dito muna kami maga-aral pansamantala." Sagot ni Jhyice

"Paano kayo nauna sakin? Ang natatandaan ko, ako ang  unang umalis sa bahay." Naguguluhan kong tanong sa kanila

"Ahh, ehhh mabilis kasing magpatakbo ng kotse si Zae kaya naunahan ka namin ."Pa utal-utal na sagot ni Ellixandra

"Ahh ganun ba, sige uupo na ako magpakilala na kayo sa kanila."sabi ko

"Okay bunso." Sabi nilang lahat

"Bunso?"

"Oo kasi kaming lahat 18 na except Errielle." sabi ni Marx 

"Okay mga kuya at ate." childish kong sabi

Pumunta na ako sa desk ko at sabay kuha ng headphone at isinaksak sa tenga ko kasi naman ang ingay ng mga tao dito kala mo ngayon lang nakakita ng bagong transferee.

"Sabagay magaganda at gwapo sila hehe, tigilan mo nga yan Axx wag kang baliw." sabi ko sa sarili ko

Natapos na silang magpakilala at pumunta na sa kaniya kaniya nilang upuan at sabay kumuha ng headphone at isinaksak sa kanilang mga tenga, pero naramdaman kong may umupo sa upuan ko at ng tumingin ako si kuya Zae pala.. 

"Ohh kuya Zae bakit ka po dito umupo?" Takang tanong ko sa kanya

"Wala lang bunso trip ko lang. Ayaw mo ba akong makatabi?" Tanong nya sakin na may ibig sabihin

"Ah ehh gusto naman pero sabi kasi nila na wag daw kitang kausapin, unless kung ikaw ang makipag-usap sakin." sagot ko

"Bakit daw?"Curious nyang tanong

"Kasi cold ka daw po at masungit." Sagot ko

"Oo tama sila pero sayo hindi ako ganon." Sabi nya na may halong ngiti sa mga labi

"Bakit po?" Tanong ko sa kanya na may pagtataka hindi ko alam kung bakit

"Kasi hindi ko alam, Noong una kasi kitang makita parang connected na tayong dalawa." Sabi nito

"Kuya same po pala tayo yun din po ang naramdaman ko nung una ko po kayong nakita." sagot ko naman

"Talaga?"

"Opo, Pero hindi ko rin po alam ang dahilan."

"Wag mo nang isipin yun, Basta magiging close tayo hanggat nandito pa kami." Wika nito

"Ayaw ko po kuya, baka masanay akong ikaw ang kasama ko at baka pigilan ko kayong umalis." Malungkot kong sabi

"Hehe ganun ba?. Basta close na tayo at friends na tayo understand?" Mautoridad nitong sabi

"Opo!!"  Sagot ko sa kanya

Nang natapos na kaming mag-usap biglang tumunog yung bell na simbolo na, recess time na kaya niyaya ko na silang pumunta sa cafeteria kasi alam kung gutom na sila, kung tinatanong niyo kung may pumasok na teacher.

Merong pumasok but hindi na lang namin pinansin ni kuya Zae kasi napasarap kami sa pag uusap, tiyaka alam ko naman yung topic ehh kaya walang problema.. Ako kaya ang may ari ng school.
Nakarating na kami sa cafeteria at pupunta na sana ako sa counter kaso bigla akong pinigilan ni Zae kasi siya na daw ang mag oorder sakin kaya pumayag na lang ako kaya umupo na lang kaming mga girls yung mga lalaki na lang daw ang bahala..

Royal Academy Book 1: The Long Lost Legendary Royal Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon