Chapter 38: She's GoneMarx POV
"Hi guys namiss niyo ba ako?. Nag-uusap ang mga royalties kasama ang mga user's na nahanap na namin. Habang ako naman nandito sa labas ng mansyon nagmumuni-muni. Kamusta kaya si Zae dun sa Academy? Bakit siya nagpacontrol sa babaeng yun. Ahhhhh nakakainis!!!!!!"
"Prince Clyde!!" Tawag ng isang boses sa pangalan ko
"S-sino ka?" Tanong ko
"Hindi mo kailangang malaman kung sino ako, Basta ibabalita ko lang sayo na wala na si Princess Axiese. Patay na siya." Wika nito na ikinatulala ko. S-sino Axx wala na! Hindi yan totoo!!
"H-hindi yan totoo!! Hindi siya mamatay ng basta-basta!" Sigaw ko dito
"Pa-umanhin ngunit yan ang totoo. Kung maaari bumalik na kayo ngayon sa Academy, sabihan mo na lang ang iba." Wika nito
"H-hindi yun totoo, Hindi siya patay. Nararamdaman ko pa nga ang inerhiya niya.. Sandali! Bakit ganun hindi ko na maramdaman ang inerhiya ni Axx. Ibig sabihin totoo ang sinabi ng boses na yun.."
-----------------------------
Xylia POV
"Naramdaman kong umiiyak si Yurika, bakit kaya?"
"Lia! Bakit? May problema ka ba?" Tanong ni Blythe
"Ahh kasi, si Yurika sa tingin ko umiiyak siya ehh" sagot ko
"Huhh? Umiiyak? Bakit naman?" Takang tanong nito
"Hindi ko rin alam ehh, parang may nalaman siyang hindi niya nagustuhan, Kinakabahan ako Blythe." Wika ko rito
"Wag mo ngang isipin yan, baka naman umiiyak siya dahil sa sugat niya sa tiyan." Wika nito para pakalmahin ako
"Sana nga..."
------------------------------
Yurika POV
"H-hindi p-wede, Hindi siya pweding mamatay hindi!!!!!" Sigaw ko sa aking isip, baka kasi malaman nila, Hindi muna nila pwedeng malaman.
"Yuri! May problema ba? Bakit ka umiiyak?" Alalang tanong ni Ellexandra
"Ahh oo, okay lang ako. Sadyang masakit lang ang sugat ko." Pagsinungaling ko sa kaniya
"Ahh ganun ba? Hayaan mo pagbalik natin sa Academy mamaya magaling na yan." Wika nito
"Oo nga nohh" sagot ko, Kung alam niyo lang ang nangyari sa Academy, baka ikinagalit niyo pa ( gusto ko sanang sabihin Subalit sa isip ko lang muna) ayokong habang pabalik tayo sa Academy may galit kayong nararamdaman. Baka dun maramdaman tayo ng mga kalaban
" Yuri!! Kailangan na nating bumalik sa Academy, may labanan na nangyayari." Sigaw ni Ace habang tumatakbo papunta saming lahat
"Ano!!Labanan?? Sino ang mga lumusob?" Alalang tanong ni Drake
"Diko rin alam tol, Kaya dapat bumalik na tayo ngayon, kailangan tayo dun." Sunod sunod nitong sabi
"Sige,. Bumalik na tayo." Sambit ni Yurika ( in cold voice)
"S-sige." Utal naming sagot. Gumawa na si Rose at Kail ng Portal pabalik ng Academy para daw mabilis, Kaya pumayag na kami..
After 2 munites, natapos rin sila sa pagawa ng portal kaya pumasok na kaming lahat.. At sa aming pagbalik taka at galit ang makikita niyo sa aming mukha. Maraming Royalian ang namatay. Sino ang gumawa nito!!!
BINABASA MO ANG
Royal Academy Book 1: The Long Lost Legendary Royal Princess (Completed)
FantasyIsang araw nagising akong umiiyak na hindi ko naman alam ang dahilan pero nakakapagtaka kasi pagkagising ko nagiiba ang kulay ng aking mga mata at hindi lang yun pati buhok ko nagiiba iba ang kulay parang rainbow pero hinayaan ko na lng kasi alam ko...