"Royal Academy Book 1: The Long Lost Legendary Royal Princess"
Written by: @LadyTormentChapter 23: Prank
[Jhyice POV]
"AXX?!!" yun ang aming nasabi ng makilala namin ang taong nagsalita, pero imposibleng nandito siya sa mortal world. Hindi siya pinayagan ni Hm na pumunta dito unless nagmakaawa siya. Pero sa tingin ko may mali, alam niya kaya ang nangyari sa Mom at sa Dad niya? Patay kami kung alam niya na.
"Oh parang nagulat ata kayo??" Tanong nito na may pagka cold na salita tulad ni kuya Zae, at bakit naman siya magiging cold? Eh masaya pa nga siya na kasama namin siya sa academy.
"Axx bakit ka nandito??" Tanong naming lahat
"Kasi dito ako nakatira, bakit may iba pa akong bahay??"Sagot nito na may halong seryoso.
"Kasi kasama ka pa namin sa academy. "sagot ni Clyde
"Kasama?? Wala akong natatandaan na kasama ko kayo sa academy, actually kakauwi ko lang kagabi galing America." Sagot nito na ikinagulat namin
"Wait america? Pero sa pagkaka-alam ko kasama ka namin, nagbibiro ka ba Axx??" Tanong ko sa kaniya
"Yes America, kayo kasama ko? No way hindi ko na nga kayo hinatid ng uuwi na kayo sainyo ng pumunta kayo dito diba??" Sabi nito samin na parang may mali.
Kung hindi namin siya kasama sa academy sino yung Axx na kasama namin?? OMG di kaya si Kate? Hindi ito pwede kung si Kate yun nanganganib ang Academy! Panu na'to hindi kami pwedeng umuwi hangga't hindi namin kasama ang Anika na yun, hayyyy nakakinis naman.
"Kung hindi mo nga kami kasama sa academy nasan ka nung oras na may nangyari sayo at sa parents mo??" Tanong ni Zae na may halong cold nagsisimula na naman siya, alam kong naguguluhan siya, lalo na may nangyari na sa kanilang dalawa ni Axx, Problema nga talaga yun.
"Wait isipin ko, nung time na yun galing ako sa school na pinasukan niyo dati, natatandaan niyo ba??" Tanong Nito
"Oo natatandaan namin." Sagot nila
"Nang pauwi na ako may nakita akong babae na naka itim na suot parang mga witch kung titingnan, ang pinagtataka ko papunta sila sa mansion namin kaya binilisan ko ang pagdrive para tingnan ko kung anong gaawin niya at sino siya" paliwanag nito
"Tapos anong nangyari??" Tanong ni Zae
"Yun nga nakita ko yung babae na may kasamang ibang tao na, na kaitim din tulad niya, bumaba ako sa aking kotse para magtago sa garden ng mansion, pero ang ikinagulat ko may tao pala sa likuran ko kaya hindi ako makagalaw ng oras na yun tinakpan niya ang aking bibig para hindi ako sumigaw. May sinabi sakin ang taong yun." Paliwanag nito
"Ano naman yung sinabi niya??" Tanong ulit ni Zae
"Huwag daw akong lalabas sa garden habang hindi pa sila umaalis dahil ako daw ang hinahanap nila, nagtaka ako dun kasi bakit naman ako ang target nila eh wala naman akong ginagawang masama except na lang sa gangster world." Wika nito
"Kung ganon nasa panganib ka??" Sabi ni Zae
"Parang ganon na nga, pero ang pinagtataka ko ang huli niyang sinabi." Sabi nito
"Ano ang huli niyang sinabi??" Tanong naming lahat
"Mag-iingat ka palagi lalo na hindi mo pa nailalabas ang tunay mong kapangyarihan." Wika nito
Tunay na kapangyarihan? Kung ganon isa siyang user, pero bakit kinakabahan ako??
________________
BINABASA MO ANG
Royal Academy Book 1: The Long Lost Legendary Royal Princess (Completed)
FantasyIsang araw nagising akong umiiyak na hindi ko naman alam ang dahilan pero nakakapagtaka kasi pagkagising ko nagiiba ang kulay ng aking mga mata at hindi lang yun pati buhok ko nagiiba iba ang kulay parang rainbow pero hinayaan ko na lng kasi alam ko...