Chapter 13: Unexpected

3.6K 67 0
                                    

Chapter 13:  Unexpected

[Axiese POV]

"Ganito po yun Mom, Dad, ate, kuya.."

"Magpapanggap akong Axx na kilala nila na ako naman talaga, ang alam kasi nila ginawa nating experiment ang Axx na kaibigan nila"

"So, ang ibig mong sabihin magpapakilala ka sa kanila bilang Axx?" tanong ni kuya Lawrence

"Opo kuya pero sa mabait na paraan ang ugali ni Axx ay kasing bait ng makahiya, Magpapakilala ako sa kanila na maraming pasa sa buong katawan at saksak" dugtong kong sabi

"Ano?? Baliw ka ba sis!!" Wika ni ate Autumn

"Hindi ako baliw ate yun lang ang paraan para makapasok sa academy... Pero wag kayong mag alala gagamitin ko naman ang kapangyarihan ko para hindi ako masaktan sa mga pasa na nasa katawan ko." Paliwanag ko sa kaniya

"Pero sis delikado ang gagawin mo pano kung malaman nila na nag mamanman ka lang sa kanila para malaman ang kanilang mga plano??" Tanong uli ni ate Autumn

"Yun lang ang paraan kaya wag na kayong tumutol." wika ko

"Tama ang kapatid ninyo sya lang ang may kakayahan na makapasok sa academy at madali niyang makukuha ang loob ng royalties." Sangayon naman ni  Mommy

"Pero Mommy, mapanganib ang plano niya" Wika naman ni kuya Lawrence, nagtataka siguro kayo kung bakit sila ate Autumn at kuya Lawrence ang nandito, yung tatlo kasi nasa mission sila kaya kami lang ang nandito

"Wag na kayong tumutol, Yun lang ang paraan naiintindihan ninyo!" pasigaw na sabi ni Mommy sa dalawa

"Salamat po Mom sa tiwala, wag po kayong mag alala gagawin ko ang lahat para matalo sila."

"Salamat anak, May tiwala naman ako sayo" Wika ni Mommy




------------------

Zae POV

Ilang araw na ang nakalipas ng lumusob ang mga kalaban hindi ko parin maisip kung totoo talaga ang sinabi ng Kate na yun na patay na si Axx ,, ang Axx na nakilala ko at ang minahal ko*cries* bakit?? Ano ba ang kasalanan nya para mawala sya ng maaga??? Pinapangako ko bunso ipaghihiganti kita papatayin ko ang pumatay sayo!!!




-------------

Marx POV

Hay ilang araw na ang nakalipas ng umataki sila sa academya pero hindi ko parin maisip na si Axx patay na?? Hindi ako naniniwala alam kong buhay pa sya...

"Marx??" tawag saakin ni Ellixandra

"Ohh bakit?"

"Ahh kasi parang may iniisip ka jan." wika nito 

"Ahh yun ba?? Iniisip ko kasi kung totoo yung sinabi ng kate na yun!!" sagot ko

"Oo nga ehh hindi ko alam kung totoo talaga yun kasi feeling ko nagsisinungaling sya." wika niya ulit

"Ako rin ehh basta hahanapin natin si Axx kung buhay pa talaga sya!" sagot ko sa kaniya

"Oo tama ka hahanapin natin sya."


---------------

Axiese POV

"Ahhhhhhhhhhhhnn ang sakittttttt." pasigaw ko

"Sorry sis hindi namin sinasadya" Wika ni ate Autumn

"O-okay lang po ate kailangan to sa plano para maniwala sila"  utal-utal kong sagot

Royal Academy Book 1: The Long Lost Legendary Royal Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon