Chapter 12: Axiese Kate Carter
[Kate POV]
"Anong problema? Bakit natulala ka jan?? Tanong ko sa kaniya
"Axx ikaw ba yan?" Tanong saakin ni Zae, Oo si Zae ang kalaban ko ngayon
"Axx??Sinong Axx ang tinutukoy mo???"Tanong ko
"Ang kaibigan namin," Sagot nito
"Ahh yung Axiese ba na nakilala nyo sa mortal world?"
"Oo bakit??"
"Wala na siya matagal na syang patay."
"Wag ka ngang sinungaling!!!!!! Ikaw yan Axx!! Ikaw yan!!!" Sigaw nito saakin
"Hahahaah nagpapatawa ka ba??? Kung ako nga yung taong yun anong patunay mo??"
"Kamukha mo siya at pareho kayong mga mata." Wika nito
"Hahahah yan lang ba??"
"Zae wag kang maniwala sa kanya hindi yan si Axx, kamukha lang sya nito" Sigaw ni Marx kay Zae
"Wow napakatalino naman ng mga kaibigan mo, Tama hindi ako ang Axx na tinutukoy mo o ninyo ako lang naman pala si Axiese Kate Carter ang bunsong anak ni Queen Selina at oo Axiese din ang pangalan ko pero hindi ako yung tinutukoy niyo." Pagpapakilala ko sa kanila
"Pero impossible ikaw ang bunso namin, Bunso makinig ka sa akin" wika nito
"A-anong tumigil ka!!!! Hindi ako ang bunso mo!!!!"Sigaw ko
"Oo kamukha ko sya dahil ginaya ko ang pagkatao nya pero hindi ko ginaya ang mga magagandang alaala nya sa katunayan may isang nagaya ko ang salitang bunso kaya tumahimik ka na." Pasigaw kong sabi sa kaniya
"Sis ano nang gagawin natin." Tanong saakin ni Ate Autumn
"Tapusin niyo na sila." utos ko sa kanila
"Masusunod"
"Anong ginawa nyo kay Axx?" Tanong ulit ni Zae
"Ginawa lang naman namin syang experiment para magaya ko sya sa totoo nga nagpapasalamat ako sa kanya ehhh lumakas ako lalo sa taglay nyang kapangyarihan" Sagot ko sa kaniya
"Hayop ka! Sabihin mo nasan sya??" Sigaw nito, galit na talaga siya
"Gusto mong malaman? Pwes talunin mo ko!!!"
"Osige.."
"Zae hindi mo siya kaya napakalakas ng kapangyarihan nya ." Sigaw naman ni Errielle
"Anong ibig mong sabihin??" Takang tanong ni Zae
"Kakaiba ang kanyang taglay na kapangyarihan ibang iba sa lahat kaya wag mo na syang kalabanin" paliwanang sa kaniya ni Errielle
"Hahahahah takot pala kayo ehhh.." tawa kong sabi
"Sabihin mo nasan sya??" Galit na tanong
"Sasabihin ko na nga andon sa lugar kung san maraming masasamang halimaw na nakatira." Sagot ko sa kaniya na ikinagalit niya lalo
"T*ngina!! Buhay pa ba sya??" Tanong niya ulit
"Hindi ko alam bakit ako ang tinatanong mo??"
"Syempre ikaw ang tatanungin ko dahil ikaw ang may alam."
"Pwes hindi ko alam."
"Sis halika na alis na tayo" Tawag saakin ni Kuya Lawrence
"Okay sandali lang iiwanan ko muna sila ng malaking problema,, BOOM
yan maganda try niyong ayusin nandyan naman ang royal princess niyo kaya niya nayan." Wika ko sa kanila"Shit." wika ni Zae
---------------
Headmaster POV
Napakalakas nya, ibang iba sa ordinaryong sub user hindi kaya sya talaga ang prinsesa hindi si Ashley, Nagawa nya pang pasabugin ang kalahati ng academya..
"HM." Tawag saakin ni Marx
"Bakit marx??"
"Panu nya nagawa yun?" tanong nito
"Hindi ko rin alam Marx"
"Hay nakakainis bakit kamukha pa ng kate na yun si Axx" Pasigaw na sabi ni Blythe
"Sinong axx??" takang tanong ko
"Yun pong nakilala namin sa mortal world na nagpatuloy sa amin pansamantala sa mansyon." paliwanag saakin ni Blythe
"Kung ganun isa lang ang naiisip ko ginawang experimento ang kaibigan nyo at iginaya sa bunsong anak nila para lalong lumakas ito."
"Pero wala naman pong kapangyarihan si Axx kaya imposebleng maging makapangyarihan sya." sagot naman ni Marx
"Yung mukha ni kate katulad ng mukha ni Queen Elizabeth ng dalaga sya." Wika ko"Ano pong ibig nyong sabihin HM?" tanong naman ni Kevin
"Na isa syang prinsesa hindi nya lang alam." sagot ko
"Kung ganon pano yan malakas na si Kate dahil nakuha nya na ang lahat kay Axx." Wika naman ni Jhyice
"Kaya kailangan syang patayin." wika ko ulit
Sa kabilang dako naman tayo:
------------
Someone POV
Sige mag away-away kayo hanggat gumagawa pa ako ng aking plano mag away lang kayo kahit mag patayan na kayo.. Hahaaha pagbabayarin ko kayo sa pagpatay nyo sa anak ko!!!!
------------
Kate POV
Nakauwi na kami sa kaharian, kaya nagpahinga na kami nasaktan ako sa mga panloloko nila sakin hindi man lang nila sinabi na isa silang royalties.. habang umiiyak ako bigla kong narinig ang paguusap nila ama at ina kasama sina ate at kuya.
"Ano na ang susunod nating plano?" tanong ni Ina
"Kailangan may makapasok sa akademya na yun!!" wika naman ni Ama
"Pero pano po?" tanong naman ni ate Autumn
"Ako na ang gagawa." mungkahi ko sa kanila
"Anong ibig mong sabihin anak??" Nagtatakang taning ni Mommy
"Ako na lang po papasok sa academya may plano na po ako at madali lang po ang aking plano." sagot ko sa kaniya
"Paano anak." tutol ni Dad
"Wala na tayong magagawa ito na lang ang huling plano na maari nating gawin" wika ko sa kanila
"Osige payag na kami subalit anong plano ba ang naisip mo?" tanong saakin ni Ina
"Ganito po yun.."
💕💕END OF CHAPTER 12💕💕
Sorry for typographical and grammatical errors.
BINABASA MO ANG
Royal Academy Book 1: The Long Lost Legendary Royal Princess (Completed)
FantasyIsang araw nagising akong umiiyak na hindi ko naman alam ang dahilan pero nakakapagtaka kasi pagkagising ko nagiiba ang kulay ng aking mga mata at hindi lang yun pati buhok ko nagiiba iba ang kulay parang rainbow pero hinayaan ko na lng kasi alam ko...