Chapter 18: Ashley's Plan
Queen Aquise Yanser Standford POV ( Axiese real Mother)
Ilang taon narin ang nakalipas ng mawala ang aming anak na si Axiese, nagbigay ito ng labis na kalungkutan sa buong kaharian dahil ang nag iisang pagasa ng aming kaharian ay nawala agad, subalit hindi kami sumuko sa aming paghahanap dahil alam kong buhay pa siya kaya isang araw may nagpamalita na nahanap na daw ang aking anak kaya agad naming kinausap ang taong yun sa hindi ko inaasahan mali ang impormasiyon na ipinabalita kaya nawalan kami ng pagasa na mahanap siya kaya kaysa tanggapin namin na buhay siya tinanggap na lang namin na patay na siya.
Labis akong nalungkot ngunit makalipas ang ilang buwan ipinatawag kami ng Headmaster ng academya dahil may sasabihin siyang importante na dapat daw kami muna ang maka-alam, kaya agad kaming pumunta ng hari sa academya ng nakarating kami bigla akong umiyak sa kaniyang sinabi..
"Kamahalan!! Buhay po ang inyong anak." bungad na sabi ni HM
"T-too ba ang sinasabi mo Alfonso?? Baka maling balita na naman yan para paasahin kami" Tanong ng aking asawa
"Kamahalan hindi po ako nagsisinungaling sa katunayan po pinapahanap ko na siya sa mortal world dahil andun siya sabi ng isang goddess sa akin." wika nito ulit na nagpasaya saamin
"T-talaga bang to-too yan Alfonso??" Utal kong sabi
"Opo mahal na Reyna, totoo po ang sinasabi ko." wika nito ulit
"Kung gayon pwede bang bilisan niyo ang paghahanap baka matuntun siya ni Selina" Sabi ko
"Opo mahal na Reyna masusunod, wag po kayong mag-alala" HM
"Salamat Alfonso, mapagkakatiwalaan talaga kita." sabi ko
"Para po sainyo kamahalan gagawin ko po dahil bunso kitang kapatid." HM
"Salamat kuya" pagpapasalamat ko sa kaniya
"Walang anuman." ngiti nitong sabi
Nang nalaman ko ang totoo na buhay pa ang aking anak labis ang aking kasayahan, matagal ko na siyang gustong mahagkan,Dahil sa nangyaring labanan labing pitong taon na ang nakaraan. Iniwan ko siya sa silid aklatan para matulungan ko ang aking asawa sa pakikipaglaban subalit ng ako'y bumalik wala na siya kaya labis akong nagalit sa aking sarili, bakit ko ba siya iniwan?? Dapat binantayan ko na lang siya.. Dahil dun sobra ang aking galit kay Selina siya ang dahilan kung bakit nawala ang aking anak..
____________________
Kate POV
Nagising akong masakit ang aking ulo hindi ko alam kung bakit. Basta ang alam ko lang may narinig akong boses ng isang babae na umiiyak dahil sa labis na pagkamiss sa kaniyang anak.. Ayy basta yun ang natatandaan ko. Mabuti pang kalimutan ko na lang yun panaginip lang yun hindi naman yun totoo.. Ngayon pala ang una kong araw sa skwelahan, parang kinakabahan ako ahh bakit naman ako kakabahan isa akong demonyo kaya dapat sila ang kabahan, ayy kainis naman mabuti pang maligo.
Sige maya na lang maliligo muna ako...__________________
Ashley POV
Hi ulit sainyo, ngayong araw daw papasok sa klase si Axiese maganda yun dahil ngayong araw ko gagawin ang aking plano, plano na alam kong ika-gagalit niya, hahahahan, ipapakita ko lang naman kung sino ang babae na bagay kay Prince Zae nakakainis siya. Palagi na lang siyang nakadikit kay Zae ayaw ko pa naman sa lahat ang may humahawak sa taong gusto ko.
Kaya humanda ka Axiese makikilala mo ang Reyna sa Academya na ito. HAHAHAHAHAHAH (evil laugh) sige na mamaya na lang gagawin ko pa ang plano kay Axiese..
__________________
Errielle POV
Hi good morning!😁 namiss niyo po ba ako?? Hehehe sorry kung ngayon lang ako makikipagusap sa inyo kasi naman si author..
(Author: kasi ano ako??)
Ahh wala naman author.. hehehe
(Author: akala kong ano nanaman)
Pagpasensyahan niyo na kami ni Author, ganyan talaga kami sobrang close.. hehehe by the way dun na tayo sa dapat kong sabihin, nakaramdam akong hindi maganda ngayon para bang may mangyayaring hindi maganda ngayong araw. Kaya naghahanda ako ngayon kasi alam ko nasa tabi-tabi lang yun, kagabi nga rin may naramdaman akong ibang inerhiya kaya alam kong may masamang mangyayari.
Lumabas na ako kasi male-late na ako sa klase, pagkababa ko nakita ko na sila at tinawag na nila ako..
"Errielle ano ba? Bumaba kana jan kakain pa tayo" tawag sakin ni ate Xylia
"Opo ate bababa na" sagot ko
Nang nakababa na ako narinig ko sila na naguusap kaya tinanong ko sila kung ano ang pinag-uusapan nila ang kaso ang sagot nila wala naman daw. Parang may tinatago sakin ang mga ate at kuya ko ahh. Kung ganon kailangan kong mag investigate mag-isa, hay siguradong mapapagod na naman ako nito.
F
A
S
T
F
O
R
W
A
R
DNatapos na kaming kumain kaya lumabas na kami para pumunta na sa klase ng tumatakbo ako napatingin ako kay ate Axx parang may mali sa kaniya ngayon bakit kulay asul ang buhok niya? Ehh kulay puti ang kulay ng buhok niya ahh at tyaka ang mata niya bakit kulay asul din, may hindi ba siya sinasabi samin?? Wag ko nga muna isipin yun mabuti pa bilisan ko na ang pagtakbo dahil male-late na kami.. after 438566886680 years nakarating din kami at salamat hindi pa kami late kung na late kami lagot kami kay HM Rhea.
Sino si HM Rhea? Siya ang isa sa mga Headmaster dito sa academy, mayroong sampung Headmaster sa academy pero ang iba sa kanila hindi pa nagpapakita kaya ang mayroon na alam ko na nakita na namin ay Dalawa pa lang ito ay sina HM Alfonso at HM Rhea .ohh alam niyo na?? Pumasok na kami sa room ang pinagtataka ko malayo ang inupuan ni Ate Axx bakit kaya??
-----------------
Kate POV
Alam ko na may alam kana Errielle pero bakit? Bakit hindi mo pa sinasabi sa kanila??
Author:
Hi po nagustuhan niyo po ba?? Kung oo just comment na lang po...
Sorry for typographical and grammatical errors.
BINABASA MO ANG
Royal Academy Book 1: The Long Lost Legendary Royal Princess (Completed)
FantasyIsang araw nagising akong umiiyak na hindi ko naman alam ang dahilan pero nakakapagtaka kasi pagkagising ko nagiiba ang kulay ng aking mga mata at hindi lang yun pati buhok ko nagiiba iba ang kulay parang rainbow pero hinayaan ko na lng kasi alam ko...