Chapter 15: Suspicious
[Zae POV]
Buwisit naman ohh bakit ang daming pinadala ng Queen na yun parang war na ang kinalabasan ahh, Lusob lang ako ng lusob pero hindi parin nauubos ang mga kalaban lalo pang dumadami ito, Sana walang nakalusot na Knightian sa amin kung meron nasa panganib si Axx, Habang ako naman abala sa pakikipag laban biglang may dumating na nakakairitang babae alam niyo na kung sino. Edi si Kate ang manggagaya, Ito na ang araw para patayin siya.. Lulusob na sana ako ng biglang nawala ng parang bula ang mga kalaban, nakakapagtaka naman.. Bakit bigla na lamang silang nawala. I'm sure, may mali. Sa pagkakaalam ko, hindi sila bigla umuurong sa isang laban lalo na kung pagpatay sa aminh lahat. Pero bakit bigla na lamang silang nawala. May masama akong pakiramdam.
-------------
[Axiese POV]
"Salamat po mom sa pagsunod sa akin. Tatawagan ko na lang po kayo kung kailan kayo ulit lulusob." Sabi ko sa kaniya sa telepathy
"Sige anak, Mag-ingat ka jan, Wag kang magpapadala sa nararamdaman mo. Nandiyan ka para sa mission ,wala ng iba. Naiintindihan mo??" Pa-alala nito sa akin
"Opo mom, hindi ko po makakalimutan." Sagot ko naman
"Sige na anak baka makaramdam ang mga royalties. Mas lalong masisira ang ating mga plano. Kapag nalaman nila ang totoo." Sabi nito na may halong pagalala
"Okay po mom, I love you po"
"Okay same."
Natapos na ang pag-uusap namin at saktong pumasok ang mga royalties...
"Axx!!!" Sigaw ni Ate Jhyice
"Ate!!" Sigaw ko rin
"Kamusta ka na?? May masakit pa ba sayo?? Sinong gumawa niyan sayo?" Sunod sunod niyang tanong
"Ah ehh ate pwede po isa-isa lang mahina po ang kalaban" Sabi ko
"Pasensya na bunso"
"Okay lang sa katunayan maayos na po ang aking pakiramdam pero kumikirot pa rin po ng konti ang aking mga sugat at sabi ni kuya Zae ang mga Knightian daw po ang gumawa nito sakin" sabi ko
"Ah ganun ba? Mabuti naman"
"Ahm Ate kuya ano pong nangyari kanina sa labas bakit ma-ingay?" Curious kong tanong syempre para hindi makahalata
"Ah wala yun bunso, may nag-away lang na mga studyante kaya maingay." kinakabahan nitong sabi
"Ah ganun po ba?? Kamusta na po pala kayo??"
"Okay lang kami bunso" Sagot nilang lahat
"May kasalanan po kayo sakin!!" Sabi ko sa kanila na ikinalito nila
"Ano naman ang kasalanan namin sayo bunso?"Tanong ni Blythe
"Hindi niyo man lang sinabi na isa pala kayong prinsesa at prinsipe."
"Ahh kasi bunso hindi namin pwedeng sabihin sayo ng araw na yun." wika nito
"Dahil isa akong tao at kayo hindi normal na tao?"
"Hindi naman sa ganun yun!" Sabi ni Xylia
"Edi ano?"
"Para makaiwas sa gulo at hindi ka mapahamak." Sabi ni Ellixandra
"Ganun ba talaga o wala lang kayong tiwala sakin!" Malungkot kong sabi
"Hindi sa hindi ka namin pinagkakatiwalaan Axx gusto lang kasi namin mapanatili kang ligtas" Si Xylia na ang sumagot
"Ah okay, gusto ko nang magpahinga at gusto ko nang umuwi samin, ayoko na dito.." Sabi ko sa kanila
"Okay bunso, pero hindi ka namin papayagang umuwi hangga't gusto ka pang kunin ng mga kalaban." Malungkot na sabi ni Jhyice
Hindi na lang ako sumagot at nagpaggap na matutulog na. Bakit ganun parang nasasaktan ako kapag nakikita ko silang malungkot. Ahhhhhh tumigil ka Kate hindi ka pwedeng magpadala sa nararamdaman mo.
"Nandito ka para ipaghiganti mo ang kuya mo na pinatay nila." Sabi ko sa aking sarili
---------------------
[Errielle POV]
Hi po na miss niyo po ba ako? Hayst sa tingin ko galit si ate Axx samin dahil nagsinungaling kami sa kaniya. Pero parang may mali sa kanya hindi ko maintindihan, parang bang hindi siya ang dating Axx na nakilala namin, Parang siya Si Kate na anak ni Queen Selina! Pero hindi yun pwede kung sya talaga si Kate hindi siya makakapasok dito dahil may harang na kami sa kaniya, Baka nagbago na talaga si ate Axx. Sana nagbago lang.
Bakit kasi siya nagbago?. Dahil ba sa iniwan namin siya at nahsinungaling kami sa kanya. Kung kaya't ganoon na lamang ang pakikitungo niya sa aming lahat. Aaminin ko, mas gusto ko pang maging kapatid si ate Axx, kesa sa tunay kong kapatid. Ewan ko nga ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Ang palaging sinasabi sakin ng puso't isip ko. Si Axx ang mahalin ko at pagtuunan ng pansin. Pero hindi naman siya ang kapatid kong nawawala. Besides, kasama na namin ang tunay kong kapatid.
Kung pwede lang ihiling sa makapangyarihang diwata na si Axx na lamang ang aking kapatid gagawin ko yun. Subalit alam kong hindi maaari sapagkat iyon ang totoo. Hindi siya ang ate ko..
-------------------
Someone POV
Sayang tama na sana ang hinala mo kaya lang pabago bago ang isip mo, Humanda na kayo mga Royalian babalik na kami at sa aming pagbabalik sisiguraduhin namin na papatayin namin kayo.. HAHAHAHAHAHAHAH. Kung alam niyo lang sana ang buong katotohanan. Hahaha, kaya lang hindi pa ito ang tamang oras para malaman ninyo kung sino ba talaga si Axiese sa buhay ninyong lahat.
💕💕END OF CHAPTER 15💕💕
Sorry for typographical and grammatical errors.
BINABASA MO ANG
Royal Academy Book 1: The Long Lost Legendary Royal Princess (Completed)
FantasyIsang araw nagising akong umiiyak na hindi ko naman alam ang dahilan pero nakakapagtaka kasi pagkagising ko nagiiba ang kulay ng aking mga mata at hindi lang yun pati buhok ko nagiiba iba ang kulay parang rainbow pero hinayaan ko na lng kasi alam ko...