Chapter 43: Zyrill Mae Twin sisterAriela POV
"Saan kaya pumunta yung batang iyon? Iniwan pa naman saakin ang anak niya. Nag-a-alala na ako, Kasi ilang araw na rin ang nakaraan ng umalis siya dito sa bahay para puntahan ang kaniyang mga kaibigan. Subalit hindi parin siya bumabalik. Sana makita ko ang ama ng batang ito para ibigay sa kaniya."
"Ariela!!, Ariela!!" Sigaw ng isang babae sa labas ng gate
"Ohh bakit?" Sigaw ko sa kaniya ng dumungaw ako sa bintana
"Ehh may sanggol dito gate!!" Sagot nito saakin ng pasigaw na aking ikinagulat. Sanggol? Paanong nagkaroon ng sanggol sa gate??
"Ano? Sanggol? Sigurado ka ba jan?" Seryosong tanong ko sa kaniya
"Oo Ariela!! Halika't lumabas upang iyong makita." Wika nito saakin
"Sandali lang!!" Wika ko sa kaniya. Bumaba ako ng hagdanan upang tingnan ang sinabing sanggol ni Maria. Iniwan ko muna si Zyrill Mae sa taas, tulog naman kaya hindi yun iiyak. Nang nakalabas na ako sa bahay deritso kong binuksan ang gate at may sanggol nga!! Kanino kaya itong anak??
"Oh Ariela! Naniwala kana? Sabi ko na sayo." Wika nito
"Kanino kayang anak ito? Bakit iniwan niya sa tapat ng mansyon ko?" Tanong ko kay Maria
"Aba Malay ko jan! Siguro walang pera ang ina ng sanggol na yan kaya iniwan niya dito sa gate niyo Kasi alam niya na may kakayahan kang buhayin ang anak niya." Sambito nito saakin. Pero parang magkahawig ang mukha nila ni Zyrill Mae , pati mata pareho silang kulay. Hindi kaya magkakambal ang dalawang sanggol??
"Ohh ano Ariela!? Kukupkupin mo ba ang sanggol na yan o dadalhin natin sa bahay ampunan para doon ipaalaga." Suggest nitong sabi.
"Wag na Maria ako na ang magaalaga sa sanggol na ito. Para naman may kalaro ang alaga ko." Wika ko sa kaniya
"O siya bahala ka, alis na ako may pupuntahan pa kasi ako ehh." Paalam niya saakin
"Osige"
"Pumasok na ako loob upang puntahan si Zyrill, umakyat na ako sa hagdanan at deritso kong pinuntahan ang kwarto kung nasan si Zyrill. Nang nakapasok na ako sa kwarto, laking gulat ko na umilaw ang balat ng dalawang sanggol ibig sabihin nito magkapatid nga sila. Pero sabi saakin ni Axx isa lang ang anak niya pero bakit naging dalawa?? Hindi kaya?? Maaring mangyari ito , Ang isang sanggol pwedeng maging dalawa dahil sa tulong ng kanilang kapangyarihan. Ano kaya ang ipapangalan ko sa sanggol na ito? Hmf, Kung ang isa ay Zyrill Mae pano kaya kung Zyra Shin ang ipangalan ko para magkatunog. Zyra Shin alam mo magkamukha kayo ng ate Zyrill mo."
--------------------------------------
Zae POV
"Nang nalaman ko na buhay pa si Axx parang lumukso ang dugo ko sa saya, Subalit ng sinabi nila na ang Red Queen at si Axx ay iisa biglang nawala ang saya na dumadaloy sa aking buong katawan. Ang pinakamamahal ko ay isa na naming kalaban. Hindi ko matanggap ang nangyayari.
Gusto ko sabihin nila na Mali ang mga sinabi nila ngunit hindi nila yun sinabi. Axx sana may paraan pa para bumalik ka sa tunay mong pagkatao. Gusto ko ikaw ang maging Reyna ko sa kaharian at maging ina ng mga anak ko. Pero sa tingin ko hindi na mangyayari iyon. Isa ka ng Red Queen at ang nais namin ay pabagsakin ang mga user's na kumakalaban sa buong kaharian, Isa ka na ngayon sa mga user's na iyon."
"Z-zae!!" Tawag sa akin ni Megan
"Bakit Megan?" Tanong ko sa kaniya
"Ah ehh kasi parang may malalim kang iniisip diyan? Ano ba yun?" Wika nito sabay tanong
BINABASA MO ANG
Royal Academy Book 1: The Long Lost Legendary Royal Princess (Completed)
FantasyIsang araw nagising akong umiiyak na hindi ko naman alam ang dahilan pero nakakapagtaka kasi pagkagising ko nagiiba ang kulay ng aking mga mata at hindi lang yun pati buhok ko nagiiba iba ang kulay parang rainbow pero hinayaan ko na lng kasi alam ko...