Chapter 14: First Move
[Kate POV]
Nagising ako sa liwanag ng araw na nakadampi sa aking mukha at sa aking mga mata, hindi ko na alintana na nasa loob na pala ako ng academia kaya bigla akong napabangon kaya lang bigla naman akong sumigaw sa sakit na aking nadama sa buo kong katawan, Nakalimutan ko na marami pala akong saksak na natamo..
Sa aking sigaw na nagawa biglang may pumasok at nagulat ako dahil siya pa ang nakita ko sa lahat bakit sya pa??"Ayos ka lang anong masakit sabihin mo?"Nag-aalalang tanong nito sa akin
"Ayos lang po ako kuya Zae!!" Tama kayo si Zae ang pumasok!!
"Akala ko naman kung ano, Kamusta pakiramdam mo?" Tanong uli nito
"Ito po masakit parin pero kaya ko na hindi yung kagaya noong una" Sagot ko sa kanya
"Ganu ba?? Ano ba ang nangyari?? At bakit ka napunta dito?" Takang tanong nya
Ngayon, kailangan ko ng magsinungaling wika ko sa aking isip,
"Kasi kuya may pumuntang mga tao na naka hawk na damit at naka itim sila at bigla nila akong kinuha hindi ko alam kung bakit pero!!"
"Pero ano?? Sabihin mo??"
"P-pero sina Mom at Dad hindi ko alam kung anong nangyari?? Kuya gusto ko silang puntahan please gusto ko silang makita?"Wika ko sa kanya habang umiiyak
"Osige pa papuntahin ko sila Marx dun para tingnan sila." Sabi nito sakin upang kumalma
"T-talaga po kuya?"
"Oo pero pwede mo bang ikwento kung san ka nila dinala ng nakuha ka na nila?"Tanong nito ulit sakin
"Nang nagising ako, Nakita ko na lang ang aking sarili sa loob ng malaking capsule hindi ko alam kung anong tawag dun basta maraming naka connect dun na mga wire at" putol kong sabi
"At?"
"At ng tumingin ako sa baba nakita ko yung isang babae na nakahiga sa mesa at kamukha ko sya hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko ginaya nya ako! May pumasok na mga taong naka hospital suit ngunit ibang iba sila sa mga tao na nakita ko, May pinindot silang isang Button kaya ako'y napasigaw sa sakit dinilat ko ang aking mga mata para makita kung ano ang ginagawa nila at sakto nakita ko dumadaloy ang isang inerhiya sa katawan ng babae na nasa mesa" kwento ko sa kanya
"Kung ganun tama nga ang sabi ni Kate," wika nito
"S-sinong Kate?" takang tanong ko, para mapaniwala talaga
"Yung umataki dito sa academy, na muntikan na akong maniwala na ikaw yun." wika nito
"S-siya siya yung anak ng Dark Queen?"
"Oo bakit?"
"Sila ang may gawa nito sa akin!!" sagot ko
"Kung ganun pano ka nakatakas sa kanila bunso??" tanong nito ulit kita ko sa kaniyang mga mata na hindi pa siya naniniwala sa mga sinasabi ko
"Hindi ko rin po alam kuya pero nagsalita lang ako na sana ma open ko yung Capsule, at bigla ngang bumukas nakakapagtaka nga ehh pero hindi na ako nagpa ligoy ligoy pa kaya tumakas na ako habang walang tao doon sa loob ang kaso ng makalabas ako hindi ko alam kung saan ang daanan palabas sa mansyon na yun, pinuntahan ko lahat ng pinto at nagba-ba-kasakali na matagpuan ko ito pero huli ko nang nahanap iyon ng makita ako ng mga tauhan ng Queen na yun hinabol nila ako hanggang sa makalabas ako at kahit dun sa kagubatan hinabol parin nila ako hindi ko alam kung bakit gusto nila akong makuha ulit pero ng tumatakbo ako hindi ko namalayan na marami na pala akong pasa at saksak hindi ko alam kung san yun galing." Kwento ko ulit sa kanya
"Kung ganon nasa panganib ka!!" wika nito
"Po??Kuya anong ibig mong sabihin??"
"Hahanapin ka ulit nila hangga't hindi pa nila nakukuha ang gusto nila sayo!"Wika nito
"Kuya natatakot po ako."wika ko
"Wag kang mag-alala nandito lang kaming royalties para protektahan ka."Sabi nito
"Royalties?”Takang tanong ko syempre acting lang na wala akong alam
"Oo royalties, Ang mga ate at kuya mo kami ang mga royalties kaya wag kang mag-alala."
"Okay po. Ahh ang sakit" wika ko
"Wag ka muna kasing gumalaw hindi pa yan magaling." paalala nitong sabi
"Okay po kuya sige po pahinga muna po ako."
"Mabuti pa nga, d-dalhan na lang kita ng prutas pagbalik ko." wika nito
"Okay po sige po tulog muna ako."
"Sige"
-------------------
Third Person POV
Sa kabilang dako nag-uusap ang ibang royalties ng biglang nakarinig silang pagsabog sa likuran ng academy kaya dali dali silang pumunta sa nasabing lugar.
"Nakakainis naman oh umatake nanaman sila" Galit na sani ni Kevin
"Oo nga pre ehh hindi pa nga tayo tapos mag-usap-usap tapos bigla silang umatake" sabi nama ni Drake
"Nakakainis naman oh bigla bigla silang dumadating." Nakabusangot na sabi ni Ellixandra
"Oo nga ehh!! Nakakabadtrip!!"Wika naman ni Xylia
"Oh nasan si kuya Zae?" Tanong ni Errielle sa kanila
"Iwan ko nga ehh kanina pa yun wala." Sagot naman ni Blythe
"Royalties ano pa ang ginagawa nyo jan? Makipag laban na kayo sa mga Knightian." Utos samin ni HM
"Opo HM."Sagot naming lahat
Pagkarating nila sa likuran ng academia nagulat sila dahil nandun lahat ang mga Knightian.
"What the hell? Bakit ang daming Knightians?" Takang tanong ni Ellixandra
"Oo nga ,parang war na to ahh!!"Sabi ni Xylia
"Tumigil nga kayo jan!! Talunin niyo sila kong ayaw niyung makuha ulit nila si Axx!!" Sigaw ni Prince Zae sa kanila
"Ibig sabihin si Axx ang pakay nila dito?" Tanong ni Marx
"Oo kaya patayin sila hangga't sa kaya niyo!!" sagot naman ni Prince Zae
"Okay!!"Sabi nilang lahat
Nangyari na nga ang labanan kaya lang ang Axx na nasa hospital ay gumawa ng isang clone para makalaban nila..
"Hi Royalties, namiss niyo ba ako?" wika sa kanila ng isang boses
"At bakit ka naman namin mamiss aber" mataray na sabi ni Errielle
"Ouch sakit naman, ako ito ang bunso ninyo" wika naman nito
"Bunso? Yakkk ang layo mo sa bunso namin, actually nasaamin na ang tunay na bunso kaya wag ka ng magpanggap pa Kate" Wika naman ni Ellixandra
"Hahahaha, pwes humanda kayo dahil nandito kami upang kunin ang Axx niyo" Wika nito
"Sa tingin niyo ba hahayaan namin ulit iyon, pwes magkakamatayan na hinding hindi namin ibibigay sainyo si Axx" Sigaw na sabi ni Prince Zae kay Kate
"Ahh ganon ba, osige humanda kayo dahil papasabugin ko na ang buong academy ninyo, hahahaha" Tawa nitonf sabi
"Hindi ko hahayaang gawin mo iyan" sagot naman ni Prince Zae
"Humanda kayo!!" biglang naglaho si Kate ng parang bula kaya nagtaka ang mga royalties
-----------------
Kate POv
Sige mag laban kayo jan! Hahahaha nagawa ko na ang aking plano kaya papatigilin ko na sila.
"Mom, Dad ipatigil niyo na ang mga kawal at bumalik na jan,"sabi ko sa kanila sa isip
"Oo anak masusunod."
Parang makukuha ko ng mabilis ang tiwala ni kuya Zae kaya wala ng problema. Hahahaha
💕💕END OF CHAPTER 14💕💕
Sorry for typographical and grammatical errors.
BINABASA MO ANG
Royal Academy Book 1: The Long Lost Legendary Royal Princess (Completed)
FantasyIsang araw nagising akong umiiyak na hindi ko naman alam ang dahilan pero nakakapagtaka kasi pagkagising ko nagiiba ang kulay ng aking mga mata at hindi lang yun pati buhok ko nagiiba iba ang kulay parang rainbow pero hinayaan ko na lng kasi alam ko...