SIX

13 3 0
                                    

TASHA'S POV
Mula noong sinabi ni mochi sa akin na feeling niya ako yung crush ni Lloyd di na ko mapakali ikot ako ng ikot. Tila parang nagfa-flashback lahat ng mga kabutihang nagawa niya sa akin. Mula noong elementary hanggang ngayong middle school. I can't stop my mind asking "matagal na kaya?" "Crush ba ako ng mokong na yun?" "Nag-a-assume lang ba ako?". Hindi ko naman siya pinakitunguhan na parang kaaway talaga eh. Parang kaibigan na pagtingin ko sa kaniya pero mukhang siya mortal enemy parin tingin niya sa akin kaya yun sinasabayan ko trip niya.
Pero bakit ko ito na fi-feel? Bakit feeling ko na-gi-guilty ako sa pagtrato ko sa kaniya kahit sinasabayan ko lang trip niya?
I can't sleep! So I keep on turning around.
Tapos dahil ang init inalis ko yung kumot ko, nakita ko si Cassy nakaupo di pa tulog. Parang ang lalim ng iniisip niya pero mukhang nakangiti naman siya, gumagawa na naman kaya siya ng  theory niya tungkol sa amin ni Lloyd? Teka teka! Bakit ang feeling ko! Hmmm...sana naman mali iniisip ko.
"Hindi ka ba matutulog?" tanong ko sa kaniya
"Ikaw nga di pa tulog, tch!" parang nanunukso niyang sagot sa akin sabay higa habang nakangisi

Ano kaya iniisip nito? Teka ako ba? Si Lloyd ba? Shhhhh, tama na nga utak kung ano-anong iniisip mo hmp. Kaya sinagot ko na lang siya ng
"Good night mochi!"

Alam ko naman kasing pag tinanong ko siya iba na naman pagkakaintindi niya baka akalain niyang gusto ko rin si Lloyd or baka naman isipin niyang yun ang dahilan kung bakit di ako makatulog. Di ko mapigilan bunganga ko.

"Mochi, gising ka pa ba?" malumanay kong tanong
"Oo naman" dali dali niyang sagot
"Uhm. Kanina ko pa kasi napapansin na parang ang lalim ng iniisip mo tapos nakangiti ka? Ano ba iniisip mo?" nag-a-alangang tanong ko
"Ah yun ba hahaha" patawa niyang sagot habang bumabangon sa pagkakahiga niya
"Alam mo ba lahat nung nagyari noong elementary at pati ngayong high school sa inyo ni Lloyd naalala ko..."
Sabi ko na nga ba eh ayon gunagawa na naman ng theory niya hayst!
"At sa pagkakaalam ko lahat ng mga 'yon pagpaparamdam niya na gusto ka niya.." mala Kim Seokjin na galit ang pagkakasabi niya in short mabilis at parang mas kinikilig pa sa akin.
Ano na, ano na kayang gagawin ko...pakiramdam ko naiihi na ako.
"Ah. Mochi naman kung ano-anong iniisip mo eh kaaway ako nun eh." insert niyo na lang yung peke kong ngiti at tawa
"Mabuti pa mochi nood na lang tayo ng BTS funny moments para makatulog tayo ng mahimbing" dagdag ko
"Sige sige nood na lang tayo baka makatulong yan sa paggawa ko ng theory sa inyo ni Lloyd yieeee hahahaha" parang nakarinig ako ng mala-windshield laugh noong sinabi niya yun.

★at nanood nga kami★
At noong nasa kalagitnaan palang kami ng panonood may naramdaman akong nagtutubig sa balikat ko at parang meron ding eroplano sa malapit sa tainga ko. At yun na nga nakatulog si Cassy sa balikat ko habang naglalaway at humihilik. Di ko na tinapos ang pinapanood ko dahil baka sa katatawa ko ay magising pa siya kaya natulog na ako nang 11:49.

*Alarm rings*

Nagising kami ni Cassy at nauna akong pumunta sa banyo upang maghilamos at magbrush at naligo na din ako agad. Ganon din ang ginawa ni mochi noong natapos ako.
Paglabas namin ni Cassy sa kwarto nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sina Lloyd, Ches at Cy sa sofa habang kausap sina Mama at Rachelle. Napalunok ako sa kaba habang si Cassy naman panay ang pagsiko sa akin. Ano ba ang dapat kong maramdaman? Di ako mapakali nang biglang nagsalita si Lloyd "Oy. Tasha, Cassy" sabi niya habang nakangiti
"Oh! Lloyd andyan pala kayo" sagot naman ni Cassy habang tuloy tuloy pa rin ang paniniko niya sa akin.
"Nandito kami para sana tanungin ka kung okay lang bang ngayong Linggo na tayo magpractice ng role play natin bilang ikaw naman yung leader namin!" kalmadong pagkakasabi niya sa akin
"Kung okay lang naman sa'yo" dagdag pa niya.
"Oo nga mochi para matapos na natin habang maaga." mapilit na pagsagot ni Cassy "Oo sige ngayon na lang  kunin ko lang yung script ko" sagot ko naman habang pumapasok sa kwarto.
"Tawagan ko lang sina Angela at Rein" sabi ni Chester
"Ah ako din tawagan ko si Jack" sabi naman ni Cyrus

Pano na kaya to? Hayst!
AIGOO!



Thank you so much for reading °•d^_^b•°

CLUELESS IN LOVE (ON GOING)Where stories live. Discover now