LLOYD'S POV
Kinagabihan nang Sabado nagchat si Chester sa aking pinapasabi daw ni Mam Leila na sa week after next week na ang presentation namin sa mga role play namin. And sobra akong naexcite dahil kagroup ko si Tasha.
Di ko alam pero feeling ko mas ginaganahan na akong mag-aral dahil sa kaniya.
Kaya chinat ko si Cyrus at Chester upang sabihing pupunta kami kinabukasan sa bahay nina Tasha upang ipagpaalam kung pwede na kaming magsimula sa practice, at nag-thumbs up naman silang dalawa.6:00 pa lang ay naghahanda na akong magbihis upang mapaaga kami sa pagpunta sa bahay nila. I played the music "your love"
And nagsimula na naman ako sa pagngiti di ko ba alam kung bakit ako nagkakaganito.Nagmotor ako papunta sa bahay ni Chester at nagsabay kami, nakamotor din siya . At sinundo din namin si Cyrus dinala naman niya ang kotse ng papa niya na nag-out of town para sa isang business trip. Magkakasunod kaming nakarating sa bahay nina Tasha. Bumusina ako sa harap ng bahay nila at agad naman kaming pinagbuksan ni mama este ng mama niya. Pinatuloy kami sa kanilang bahay. It was a nice house. Two-storey house siya at may magagandang uri ng furnitures, malinis din ito na halos wala kang makitang dumi. At ang kanilang sahig ay halos mahiya ka pang tapakan dahil sa kintab ng tiles. Halatang-halata na alagang-alaga ang buong bahay nila. Habang naghihintay ay nagmumunimuni ako nakita ko ang mga lumang litrato ni Tasha at di ko maitatangging sobrang cute niya. Nang biglang lumapit si Mrs. Villafuerte sa amin.
Umiinom kami noon ng lemonade.
"Sino sa inyo ang boyfriemd ng anak ko?" pabirong tanong niya na kinagulat namin.
Nabulunan ako at nanlaki ang aking mata.
"Wala naman po siyang boyfriend tita" sabi ni Chester
"Oo nga po" pasang-ayong sambit ni Cyrus
"Hmmm..ganon ba" parang di kumbinsidong sagot niya.
"Ehem. Ikaw ba si Lloyd?" tanong ng isang cute na babae sa akin sabay turo sa akin
"Uh. Oo ako nga" nakangiti kong sagot
"Ang gwapo mo ah. Bagay kayo ni ate" pangiti niyang sabi
"Ano ka ba Rachelle kung ano-anong sinasabi mo nakakahiya" sabi ni Mrs. Villafuerte
"Naku. Hindi po tita okay lang po." sabi ko naman
Nang biglang bumaba si Tasha at Cassy sa hagdan.
Napatitig ako kay Tasha ang cool niyang tingnan sa outfit niya.
Parang tumigil ang aking mundo, naantala ang pag-ikot nito sa araw, ang tubig sa dagat ay pansamantalang natuyo at ang mga bulaklak ay namukadkad. At ang bituin ay nasa aking harapan.
Tapos bigla akong bumalik sa sarili ko at nagsalita ng kalmado habang nakangiti.
"Oy. Tasha, Cassy"
Sumagot naman si Cassy at mukhang nagulat dahil nandon kami.
"Oh! Lloyd andyan pala kayo" sabi niya.
"Nandito kami para sana tanungin ka kung okay lang bang ngayong Linggo na tayo magpractice ng role play natin bilang ikaw naman yung leader namin!" kalmadong pagakakasabi ko.
"Kung okay lang naman sa'yo" dagdag ko pa.
"Oo nga mochi para matapos na natin habang maaga" mapilit na pagkakasabi ni Cassy
"Oo sige ngayon na lang kunin ko lang yung script ko sa kwarto" sagot naman ni Tasha habang pumapasok sa kwarto niya halatang naiilang siya sa akin kaya nagtaka ako pero siguro nagulat lang siya kasi nandoon na kami pagbaba niya ng kwarto niya haha.Bumaba na si Tasha daladala ang script niya ako na lang ang naiwan sa loob dahil sina Chester, Cyrus at Cassy ay nasa labas na naghihintay.
"Halika na naghihintay na sila sa labas" masaya kong sambit
"Sige tara na" pangiti niyang sabi
Ngunit paglabas namin ay wala na ang aming mga kasama. Nanlaki ang mga mata ko, ganoon din siya.
"A-asan na sila?" patanong niyang sabi
"Ewan ko nga rin eh, pero baka nauna na sila sa park kung saan tayo magpapractice." sagot ko naman
"Ganon ba!?" sagot niya habang namumula
"Hmm..mabuti pa tara na baka hinihintay na nila tayo." sabi ko naman
"Ah sige maghihintay ako ng tricycle" sagot niya habang umiiwas ng tingin sa akin
"Ha? Wag na hindi naman kita pwedeng iwan na lang dito at hayaan kitang maghintay ng tricycle dito. Halika na." sabi ko naman sa kaniya habang nakangiti at nakatingin ng diretso sa kaniyang mga mata
"H-hindi maghihintay na lang talaga ako" pagpupumilit naman niya
"Sige bahala ka uso pa naman ngayon yung snatching, riding in tandem at budol-budol, sige sige mauuna na ako ha" biro kong sabi habang sumasakay sa motor
"Ate di ka pa ba aalis? Nagmamagandang loob na nga si Kuya Lloyd ayaw mo pang tanggapin. Tsaka uso snatching ngayon ate bahala ka" pagbabantang biro ni Rachelle kay Tasha habang aki naman ay inistart ko na ang motor ko. Nang biglang magsalita si Tasha "W-wait Lloyd mu-mukhang wa-wala nang dadaang tricycle ngayon tsaka baka hinihintay na nila tayo" sabi niya habang nauutal at nagkakamot sa leeg niya.
"So what are you waiting for?" sabi ko sa kaniya habang pinipigilan ang aking pagtawa. Sumakay na nga siya
"Kumapit ka, baka mahulog ka sa akin" sabi ko habang di ko mapigilan ang pagngiti
"Anong sabi mo?" sagot naman niya habang nakakunot noo kitang-kitang ko iyon sa side mirror ng aking sasakyan.
"Sabi ko kumapit ka baka mahulog ka" inulit ko yun at humarap sa kaniya at pinaandar na ang motor
"Ang bilis mo namang magpatakbo ng motor Lloyd pakibagalan nga." sabi niya habang ang tono ng boses niya ay kinakabahan
"Wag kang magalala hindi ko naman hahayaang mahulog ka sa iba lalo pag di ako ang sasalo sa'yo" sagot ko habang nakangiti.
Binagalan ko ang pagtakbo ng motor.
"Pano Lloyd kung nahulog na ako?" sagot niya naman na kinagulat ko.
"K-kanino?" nauutal kong sagot
"Oh andito na pala tayo Lloyd sige bababa na ako" sabi niya habang nakangiti sa akin
"Thank you Lloyd" dagdag pa niya
Hindi ko maintindihan ang aking nadarama isang ngiti lang niya ay nakikiliti na niya ang aking puso at ngiti sa aking labi ang hatid nito.
Hininto ko ang aking motor at ipinarada nga ito. Ngunit iisang tanong lang ang naiwan sa aking isipan" Kanino ba siya nahulog?"
Thank you for reading °•d^_^b•°
YOU ARE READING
CLUELESS IN LOVE (ON GOING)
Teen Fiction"When I was a kid I imagined myself marrying a prince in a majestic palace but as I grew up I noticed that all of what I imagined were just results of my creative mind. Then eventually I fell for the man that I thought will be the reason for me to b...