December 20
"Stacey anak, dalian mong gumalaw kanina pa kami naghihintay dito" sigaw ni dad habang nasa salas ng bahay.
"Waiiit dad lalabas na po" magalang ko namang sambit at lumabas na hawak-hawak ang maraming regalo.
"Dapat sinabi mo naman anak na magdodonate ka sa bahay ampunan at tinulungan ka naming magbuhat" tawa ni papa habang sinasalubong ako at kinuha ang iba kong dala."So yan ang motif ngayon ng Christmas party niyo" ani mama habang nakangiti sa akin at kay Rachelle. Naka female santa costume kami with matching santa hat pa. Suot ko ang kulay pink na above the knee at kumukutikutitap pa uwuuuu. Samantalang si Chelle naman ay nakasuot ng green na hanggang tuhod rin na santa dress at may mga lining na red. Sinuot rin namin ang sapatos na inorder pa ni mama sa Korea.
Light lang ang make up namin para litaw pa rin ang natural beauty ganems haha.
Hinatid kami ni dad at siya na rin ang nagdala ng mga regalo naming isang bulto haha.
Pagdating ko sa section namin nadatnan kong nagiindakan na ang mga kaklase ko sa saliw ng mga aiting pangpasko ang iba naman ay nag g-group picture na at meron ring mga lip tint is layp pa rin.
Ang mga babae kong kaklase ay nakasuot ng tulad sa suot ko pero nagkakaiba lang kami sa designs at kulay habang ang mga lalaki naman ay nakasuot naman ng santa costume yung iba fitted yung iba naman pinasdyang loose at naglagay pa ng mga balbas na puti.
Agad akong sinalubong ng yakap ni Cassy at tinulungan naman ako ng iba kong kaklase sa mga dala kong regalo hanggang sa pinto ng room na lang kasi ako nahatid ni dad kasi tumawag ang organizer sa pagbubukas ng bago naming branch sa kabilang bayan.
"Woah! Magdodonate ka ba sa orphanage?" Mapang-asar na sabi ni Cassy sabay palo sa braso ko.
"Sira! Para yan sa inyo" sagot ko naman sabay tawa.
"Yieee ang sweet naman" biglang lumambing ang boses niya at niyakap ulit ako hayst!
Napatigil at napakalas siya sa yakap ng dumating ang mga siraulo naming mga barkada.
Natawa kami sa mga itsura nila dahil pinangatawanan nila ang pagsusuot ng loose na santa costume wahahaha buti na lang hindi gaano mainit at salamat na rin sa aircon na nagsusupply ng lamig dito haha.
"What the heck! Indeed kamukha niyo si Santa" bungad na sabi ni Cassy sabay hagikhik.
"Correction poging mga santa" sabat naman ni Chester na mas lalong ikinawindang namin at nagpahalakhak sa buong 10-Einstein.
Pumunta na kami sa mga upuan namin, magkakatabi kaming lima at nasa harap naman namin sina Rein, Wynzel, Angela at Frida mukha na naman silang mga tukmol na umiirap sa likod namin lalo na sa akin aba sapakin ko kaya tong mga to aaarrgh!
Dumating na si Mam Leila at sinimulan na namin ang party. Naglaro kami ng paper dance, message relay, trip to Jerusalem at marami pang iba. Kumain na rin kami pagkatapos.
Nagbigayan kami ng mga regalo syenpre unang una kong binigyan si Regine na nabunot ko,niregaluhan ko siya ng isang set ng make up dahil talaga namang bet na bet niya. At ganon rin ang ginawa ng mga kaklase ko. Nagulat ako ng bigla akong lapitan ni Bryan at ilahad ang isang regalo na nakabalot sa black and white na wrapper may kalakihan regalo niya.
"Thank you Bry" sambit ko at kinuha ang regalo niya
"Open it" magiliw niyang saad na may ngiti sa labi.
Tumambad sa akin ang isang sketch na kuhang kuha ang mukha ko nakalagay na rin ito sa frame. Speechless ako at napa-'o' pa ang bunganga ko. Hindi ko mapigilang mapahanga dahil kuhang kuha niya ang detalye ng mukha ko whews! Di ko namalayang tumayo pala ako at niyakap siya natauhan na lang ako nang marinig ko ang ayieeee ng mga bwiset naming mga kaklase. Kinilig ako ng konti HAHAHA. Di ko maipagkakailang si Lloyd talaga ang pinakamagaling sa pagi-sketch sa klase namin masaya ako dahil pinaghirapan niya ang niregalo niya sa akin at sobrang naapreciate ko. Ang right hand ko ay nakalagay sa pisngi ko at nakatingin sa kaliwa stolen kuno haha yan ang itsura ko sa sketch.
YOU ARE READING
CLUELESS IN LOVE (ON GOING)
Teen Fiction"When I was a kid I imagined myself marrying a prince in a majestic palace but as I grew up I noticed that all of what I imagined were just results of my creative mind. Then eventually I fell for the man that I thought will be the reason for me to b...