EIGHT

15 2 0
                                    

CHESTER'S POV
Nasa bahay kami nila Tasha at kanina ko pa napapansing ngiti nang ngiti si Lloyd habang pinagmamasdan ang mga lumang litrato ni Tasha. At tandang tanda ko pa ang pagkaexcite niya kagabi nang malaman niyang pwede nang magsimula sa pagpra-practice. Dahil sa mga napansin ko nagkaroon ako ng plano upang sa ganon ay masuportahan ko naman ang aking kaibigan.
Medyo natagalan si Tasha sa paghahanap ng script niya at habang si Lloyd naman ay nakigamit ng CR nila. Tinawag ko si Cassy na nasa bandang hagdanan at si Cyrus naman sa kabilang sofa.
"Cy, Cassy halikayo dito" mahinang tawag ko sa kanila at agad naman silang lumapit sa akin.
"Bakit?" sabay nilang tanong
"May plano kasi ako" nakangiti kong sambit
"Hmm..ano yun?" tanong ni Cassy
"Tanda ko kasi sa tuwing pagdating sa usapan na laging nababanggit si Tasha, kung hindi napapangiti si Lloyd parang nae-excite siya." sabi ko
"Ano nga ang gagawin natin?" tanong nila
"Ipagpalaalam natin sa kanila na maghihintay tayo sa labas pero ang totoo ay mauuna na tayo sa practice area." paglilinaw kong sabi
"Gusto ko yan" sabi ni Cy habang nakatawa
"Game din ako" nakangiting sagot naman ni Cassy. At nagpaalam nga kami kay Mrs. Villafuerte. At paglabas namin sa gate ay agad na kaming nagtungo sa park.

At makalipas ang ilang mga minuto ay nagtagumpay kami sa plano dumating sila sa park nang magkasama.
"SUCCESS!" sabay sabay naming sabi

TASHA'S POV
Pagdating namin sa park ay nakita namin doon sina Cassy, Chester, Cyrus at nandoon na din sina Rein, Angela at Jack.
Lumapit ako sa kinaroroonan nina Cassy at kasunod ko naman si Lloyd.
"Cassy, Chester, Cyrus?" patawag kong sambit sa kanila
"Andyan na pala kayo Tasha" sabi ni Chester
"Oh Tasha, Lloyd" sabi naman ni Cyrus
Habang si Cassy ay ngumiti lang sa akin.
"Bakit niyo kami iniwan?" tanong ko
"A-ah kasi bumili kami ng tubig para di tayo ma-dehydrate" sagot ni Ches
"Oo nga mochi tsaka andito na kasi sina Rein, Angela, at Jack."
"Hmm... Can we start now!!" pabulyaw na sabi ni Rein.
"Okay. We'll start." sabi ko naman

Bumuo na kami ng blockings namin at pati mga lines ay nasaulo na namin.
"Kanino ko na nga binigay yung script for the role of Romeo?" tanong ko
At tinaas ni Jackson Wright ang kaniyang kamay.
"You gave it to me Stacey" sabi niya
"Okay you will be my partner" sagot ko
"It should be me Tasha!" pagalit na bulyaw ni Rein.
"Rein lahat ng leader na inappoint ni mam sila ang magiging lead character which is Juliet" paglilinaw ko naman
"Ikaw? Di naman bagay sa'yo yung role eh!" pangiinsulto niyang sabi
"Ikaw din di mo bagay oops sorry sinasadya ko!!" palaban kong sagot
"Huh! How dare you?" nang akmang sasampalin niya ako hinawakan ko ang kamay niya at isinampal ko sa mukha niya.
"Oh my G sana hindi na lang kita naging kagrupo!" sigaw niya
"Sana nga, kasi kung ako ang masusunod ayaw rin kitang kagrupo.." savage kong sagot
"Tama na yan" pasabat na sabi nila sa amin
"You know Rein, insecurity is a disease so you must consult a physician now!" nakangiting sabi ko
"Okay guys let's start" dagdag ko pa
"So ako si Capulet? Magiging tatay mo ako sa play?" tanong ni Lloyd
"Yes. Bakit?" pabalik kong tanong sa kaniya
"Wala" sagot niya na parang ayaw na niya sa role niya nang malaman niyang ako si Juliet
Ilang oras palang kaning nagpa-practice ay memorize na namin ang lahat pati ang blockings. Maging si Rein kahit pilit lang ang pakikisama niya sa akin.

*11:30 am*

"Guys let's take a break" sabi ko
"Tasha sama lang ako sa kanila" pagpapaalam ni Cassy habang tinuturo si Ches at Cy.
"Tara Tasha sabay na tayong kumain" sabi ni Jack sa akin.

Siya nga pala si Jack ang isa sa pinakamatalinong kaklase ko Math Wizard kung tawagin, gwapo rin siya mestizo at may mga singkit na mata, matangos rin ang kaniyang ilong at may kissable lips, matangkad rin siya at magaling sa basketball.

"Sige tara" sagot ko kay Jack
Hinihintay niya ako habang inaayos ko ang aking mga gamit.
Nang akmang tatayo na ako may nag-aabot sa akin ng milk tea at burger at si Lloyd nga ito. Habang nasa tabi siya ni Jack.
"Tasha, sasama ka pa ba?" mahinahong tanong ni Jack sa akin
"Oo naman Jack tara na" sagot ko naman
"Tasha para sa'yo to" sabi ni Lloyd
"Thank you Lloyd" sabi ko naman habang inaabot niya ang pagkain sa akin.
"Pwede ba akong sumama sa inyo?" tanong ni Lloyd habang nakatingin kay Jack
"Sige" sabi ko naman

Pagdating namin sa restaurant umorder na kami.
At habang kumakain ay pinaguusapan namin ni Jack ang mga gagawin namin sa stage play.

Nang maubos ni Lloyd ang kinakain niya nakatingin na lang siya amin at mukhang nagseselos siya, ay hindi hindi mukhang galit na naman pala siya sa akin.

"Tapos na din ba kayong kumain?" tanong niya
"Oo" sabi naman ni Jack
"Tara na" sagot ko naman

Umalis kami sa restaurant at hindi kumikibo si Lloyd.

Naglalaro sa utak ko kung bakit di siya nagsasalita at parang nakasimangot pa.
Nang makabalik kami sa park malayo ang distansya niya sa akin.

-to be continued-

THANK YOU FOR READING LUVIES!💜😘
Please vote and comment💜
Sorry for the typo errors😂

CLUELESS IN LOVE (ON GOING)Where stories live. Discover now