NINE

15 2 0
                                    

TASHA'S POV 2.0
Hindi ko mapigilan ang mag-isip kung bakit pilit siyang dumidistansya sa akin.
Parang pilit niya akong nilalayuan, di ko matukoy kung bakit. Paulit-ulit sa isip ko'y naglalaro "gusto niya ba ako?"

Ngunit sa aking palagay isang daang porsyento ay di malinaw. Sumusulyap sulyap ng palihim. Pero di naman ako kayang kibuin. Parang may gusto siyang sabihin ngunit pilit inililihim.

Di ko napigilan ang aking sarili ako na mismo ang lumapit sa kaniya.
"Lloyd?" kabadong pagkakasabi ko
"Bakit may kailangan ka? Baka si Jack kaya niyang sagutin. Busy ako" malungot niyang sambit habang di makatingin ng diretso sa akin
"Huh? Ano bang problema mo Lloyd?"
"Di pa ba obvious!?" halos paanas niyang sagot
"H-huh anong sabi mo?" nagulat kong tanong
"Wala sabi ko magpractice na kayo ni Jack. Para makabisado niyo na." sagot niya habang tumatayo sa kinauupuan niya. Nang akmang tatalikod na siya hinawakan ko ang kaniyang kamay. Unti-unti siyang lumingon sa akin at tiningnan niya ako nang diretso sa mata.
"Lloyd bakit di mo ako pinapansin? May problema ka ba sa akin? Sorry na" sambit ko habang nakasimangot.
Hinawakan niya ang aking pisngi at pinisil.
"Baliw. Wala yun minememorize ko lang itong script ko" sinabi niya habang nakangiti at nakatitig sa akin.
"Ehem. Kung tsokolate lang si Tasha kanina pa natunaw yan"
Boses iyon ni Cyrus habang nakangisi sa amin
Natawa na lang ako at tumayo.
At nakita ko si Jack na nakatingin sa amin at mukhang nalulungkot siya. Nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya agad siyang umiwas ng tingin.

Nang walang ano-ano'y dumating si Rein at Angela.

"Hey, what's going on?" maarteng sabi ni Rein
"Yeah. And it seems you are all happy" dagdag naman ni Angela
"Well it's none of your business" sagot ni Cassy habang nakangiti at mukhang nangiinsulto.
"Can we now resume to our practice?" tanong ni Jack habang nakakunot noo.
"Sige practice na tayo guys" masaya namang sagot ni Chester

Sa practice halatang wala sa mood si Jack. Lagi siyang nauutal, at di makatingin ng diretso sa akin. Ilang ulit na kaming nagprapractice sa part na di niya makuha ngunit wala pa ring nagbabago.

"Take 25" halatang nawawalan ng pasensyang sabi ni Cyrus
"Juliet i-ikaw lang ang aking ma-ma-mahal kahit ang mundo'y tumalikod sa akin"
"Cut" pabulyaw na sabi ni Cyrus
"Hindi yun yung nasa script Jack. Ang nakalagay doon Juliet ikaw ang aking mahal kahit mundo'y talikuran na tayo" dagdag pa  ni Cy
"Wait Cy can we take a break?" pasagot ko namang tanong
"Okay sige 15-minute break" sabi niya naman
"Jack, anong problema? Di ba memorize mo na kanina?" mahinahon kong tanong
"Wala nalilito lang ako " sagot niya
"Sige saan ba? Tutulungan kita" tanong ko sa kaniya
"Tasha the problem is you!" sabi niya habang nakatingin sa akin at halatang naiiyak siya.
"Bakit ako?" nagulat kong tanong
"Because since we are in the seventh grade I can't deny that I like you!" sabi niya habang diretso ang pagtingin sa akin
Di ako nakapagsalita, kasi maging si Cassy di niya alam na naging crush ko din si Jack noong Grade 7.
"Really?" tanong ko
"Yes. But I know you like somebody else, so I won't meddle." sagot niya habang nakangiti
"Sino?" tanong ko
"It's obvious you like Lloyd! At kahit siya gusto ka niya" he replied with a grin
"S-s-sorry, Jack" sagot ko naman
"Di mo kailangang magsorry sa akin Tasha. Kung saan ka naman sasaya doon din ako magiging masaya para sa'yo." halatang naiiyak na siya pero pinipigilan niya. At dahil doon naiyak din ako. Pinunasan niya ang luha ko at sinabing " You will always own a space here in my heart, my first love"
Di ko na napigilan ang aking mga luha at hinayaan ko na itong lumabas.
Niyakap ko siya at nagpasalamat
"Thank you, Jack pero promise walang magbabago you will forever remain as my close friend"

Buti na lang noong nag-usap kami ay wala ang mga group mates namin. Ngunit habang umiiyak kami at magkayakap ay may biglang nagflash. Ngunit di ko ito pinansin at inalis ko na ang aking kamay sa pagkakayakap kay Jack.

-to be continued-

Thank you for reading💜
Please vote😊
God bless us all❤

CLUELESS IN LOVE (ON GOING)Where stories live. Discover now