"Good evening po Tita and Tito" saad niya at nakipagkamay siya kay Dad at nagbeso naman sila ni mama.
"Hi Rach" dagdag niya pa at nag fist bump pa sila.
Samantalang tiningnan lang niya ako at nginitian ng bahagya. Nauna na si mama, dad at chelle sa table namin. Akmang tatalikuran ko na siya kasi di niya din naman ako kinibo hinawakan niya ang wrist ko na naging dahilan upang gapangan ako ng kaba at bahagyang asar."Hey hey hey" sabi niya habang sumilay na ang nakakaloko niyang ngiti hayst! Napaiwas ako ng tingin at kunwaring pinakunot ang kilay.
"Are you mad? I'm sorry, I'm just speechless 'coz you're absolutely stunning tonight" sambit niya sabay may papikitpikit pa nubayan! Keleeg enebe!?
Naramdaman ko ang kakaibang pagpintig ng puso ko at pag-init ng pisngi ko habang nagpapacute siya. Nagkunwari akong galit at di pa rin siya sumukong mapasilay ang ngiti ko. Kaya sa huli talo ako taksil kasing pisngi to namula na haysst!
"Ayan haha namumula ka na haha" banat niya pa at humagalpak sa tawa na mas lalong ikalinakunot ng noo ko at napa-pout pa ako. Kinurot niya naman ang pisngi ko.
"You're cuter when you are jealous and mad" saad niya pa at napakindat pa sa akin. Aba! Saan ka natuto niyan?
"Okay okay sige na nga, bati na tayo" diretso kong sagot habang nakangiti na. whews!
"So let's go!?" Sabi niya pa at ikinagitla ko ang paglahad niya ng braso niya sa akin upang kapitan ko sa paglalakad. Kaloka!
Di ko namalayan ay kumapit na pala ako sa bisig niya. Sobrang lapit namin ngayon sa isa't isa at amoy na amoy ko ang pabango niya hindi matapang ang amoy ng perfume niya sa halip ay nakakaakit talaga omgee!
Naghuhuramentado na naman ang puso ko waah! Konti na lang tatakas na to.Sa isang minutong nasa bisig niya ako di ko naramdaman ang ilang o hiya sa totoo lang pakiramdam ko safe na safe ako.
Siya na rin ang humila ng upuan ko ng marating namin ang table namin. Pahaba ang table at good for six ito walang kabisera ang table kumbaga ay lahat may kaharap. Nagulat nga ako kasi nagtatawanan sila kanina. Kaya agad akong nagtanong.
"Ma, Dad? Magkakilala ho kayo?" Taka kong tanong.
"Ano ka ba anak si Mishell ay high school friend ko" saad ni mama
"Oo Tasha kaya nang malaman kong ikaw ang nililigawan ng anak ko di ako nag-alinlangan dahil alam kong napakabuti ng iyong ina at isang huwarang kaibigan" dagdag pa ni Tita Mishell.
"Seems like this is a family dinner haha" biro pa ni papa na dahilan ng pagkabigla ko at gad gapangan ng kaba. Nagtawanan silang lahat ganon na rin si Chelle nakikitawa rin ang echeosera! Napainom ako ng tubig.
"Pwede na akong tawagin ni Tasha na Mommy" sabat ni Tita Mishell na mas lalong kinagulat ko at nasamid ako sa iniinom ko.
"Hinay-hinay lang Sean, o-okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Bryan dahil nasa tabi ko siya ngayon. Argh!
"Oh hija wag ka mag-alala biro lang iyon hihintayin natin ang tamang panahon para riyan" saad pa ni Tita at nagtawanan muli sila. Si Tita Mishell ay 39 years old na at kaedad lang niya si Mama at Dad. Hanggang ngayon di ko pa rin kilala ang Daddy ni Bryan kaya di ko muna tinatanong dahil baka may malalim na dahilan.
Kumain na kami nang sabay-sabay at bago pa kami magsimula ay nanalangin muna kami.
Laking tuwa ko na nakikitang lumaki rin palang sa relihiyosong pamilya si Bryan kahit pa sila'y may maalwang buhay.Mas nakaka-inlove talaga ang mga lalaking may communication kay God kaysa sa mga lalaking puro porma lang. Sana mas dumami pa ang lalaking may takot sa Diyos kes sa mga lalaking suwail na anak.
Naging masaya ang buong gabi sa 'Restaurante de la Felicidad'. Nang matapos na kaming kumain sabay-sabay na kaming bumaba patungo sa parking lot. Ang food pala ay pinaghatiang bayaran ni Dad at Tita Mishell kanina ay gusto ni Tita na siya na ang magbayad tutal daw kasi ay kaarawan niya ngunit di pumayag si Dad kaya ayon naghati na lang sila.
Nasa unahan pababa ng hagdan si Tita Mishell at mama halatang namiss nila ang isa'isa at nakakapit naman sa bisig ni Dad si Chelle habang kami ngayon ni Lloyd ang huli.
"Wait Sean ito pala yung regalo ko" ani Lloyd sabay lahad sa akin ng black and white cute size gift wrap.
"Open it" sabi niya sabay ngiti na kita ang ngipin.
Binuksan ko ito at namangha ako sa regalo niya isang purselas na gawa sa 24 karats gold at nakita ko na may disenyo(pendant) itong susi na nakakamangha.
"T-thank you Bry but I think I don't deserve this" may pagtanggi sa boses ko dahil batid ko namang hindi dapat nireregaluhan ang isang binibini nang isang magarbong regalo.
"No Sean that is really for you, just yours. Dapat last birthday mo pa yan natanggap kaso natorpe ako, wala akong lakas ng loob na harapin ka at sabihing mahal kita pero ngayon I feel a lot more comfortable with you, I love you with all my heart" kalmado niyang tugon habang diretso lang ang titig sa akin na para bang sinasabi niyang totoo ang nararamdaman niya.
"Thank you so much Bryan, you have no idea how you made me feel so special now." Sagot ko naman dahil ramdam kong may mga likido na tatakas sa aking mga mata ugh!
"Hayaan mong isuot ko sayo Sean" sambit niya at sinuot niya sa akin ang bracelet na regalo niya.
"Ang bracelet mo at bracelet ko ay konektado. Tanging ang susing iyan ang makapag-a-unlock ng purselas ko" masaya niyang saad habang pinapakita ang purselas niyang silver na may pendant na padlock magkapareho ang bracelet namin pero nagkakaiba lang sila sa kulay nito.
Di ko alam pero isa ito sa pinakamagandang regalong natanggap ko sa buong buhay ko aside sa presents ni dad at mama sa akin.
Ngayon nasa second floor kami malapit sa century old na hagdan habang diretso ang aming tingin sa isa't isa ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko at ang malakas na paghuhuramentado nito.
"Ikaw
ang pag-ibig na hinintay
puso ay nalumbay nang kay tagal....""Tasha, Lloyd tara na baka matunaw kayong pareho" nagitla kami ng sabihin ito ni Mama sa amin at nagtawanan silang tatlo habang si Rachelle naman binigyan kami nang echeoserang ngiti. Omgee dumarami na shippers namin hahaha!
Pag-uwi sa bahay nagpalit agad ako at nagshower at isinuot ko ang paborito kong pantulog pink ang kulay nito at may lining sa kuwelyo at manggas na black ganon rin ang aking pajama. #blackpink
Humiga na ako sa kama ko at kapapalit ko lang ng beddings ko. Pastel white at black ang kulay nito. Inspired ng panda items ang kwarto ko. Habang nakahiga ako ay di ko maalis ang titig ko sa purselas na regalo sa akin ni Bryan. Parang kailan lang away bati kami or should ay say away away lang haha pero ngayon di ko alam na matagal na pala niya akong gusto like OMG ngayon malinaw na sa akin ang lahat.
Inaaway niya ako dahil gusto niyang pansinin ako pero dahil parehas kaming tukmol at hambog ibinabalik ko rin ang pang-aaway.
Posible pala sa mundo na maaring ang nakatadhana sayo ay yung taong hindi mo inaasahan. Yung taong ang cold cold sayo na parang nyebe pero pag nagmahal ay lubos-lubos at sing aliwalas ng tagsibol.
At pinanghahawakan ko ngayon ang pangakong binitawan niya. Tatlong taong paghihintay.
A/N
Omgee guys thank you for giving a chance to read my book. Sorry for typo errors this book is not edited.
•P l e a s e •v o t e •l u v i e s•
Clueless writer~
💕
YOU ARE READING
CLUELESS IN LOVE (ON GOING)
Teen Fiction"When I was a kid I imagined myself marrying a prince in a majestic palace but as I grew up I noticed that all of what I imagined were just results of my creative mind. Then eventually I fell for the man that I thought will be the reason for me to b...