Nakaupo ako ngayon sa harap ng bintana dito sa kwarto ko. Medyo makulimlim ang kalangitan at nagbabadya na ang ulan. Alas tres pa lang ng hapon at ika-30 na ngayon ng Oktubre, two days pa lang ang nakakalipas mula ng bulyawbulyawan ako ni Cassy at Huwebes pa lang ngayon pero tapos naman na ang two-day exam namin kaya umabsent na ako kasi kagabi pa mabigat ang pakiramdam ko. Nagulat ako ng bahagya ng magvibrate ang phone ko na nasa bulsa ko.
Sean bakit ka absent? Nag-aalala na ako sayo
-Bryan LloydMay sakit ka ba? Bibisita ako dyan later
-Bryan LloydTake good care of yourself. I miss you
-Bryan LloydSunod sunod ang mga text sa akin ni Bryan at grabe naman siya makapag-alala hayssst!
Pero nakakakilig whews hahaha!
Di ko na namalayan na alas kwatro na pala kaya uwian na. Kasi tulala lang ako habang nakaharap sa bintana habang di clear ang feelings ko ngayon , di ko talaga alam pero ang bigat bigat ng pakirdam ko hayst! Stress siguro to.
Biglang bumukas ang kwarto ko at tumambad sa mukha ko si Rachelle na maaliwalas lang ang ngiti at first time ha may dala siyang mirienda para sa akin. Di ko na namalayan na umaambon na pala. Kaya ang miriendang dala niya ay champurado at chocolate drink.
"Ate oh mirienda ka na tsaka ito inom ka ng gamot para gumaan na ang pakiramdam mo" saad niya habang binababa ang pagkain sa table na nasa right side ng pastel green and white kong higaan. Di ko namalayan ay napabahing na pala ako ng tatlong beses na magkakasunod. Hachuuu!
"Salamat Chelle!"tipid kong sabi habang nakangiti ng bahagya.
Naupo naman si Rachelle sa tabi ko at nakaharap na din siya sa bintana sa kwarto ko.
"Ate okay ka lang ba? Ang tamlay mo" may pag-aalala at sinseridad sa boses niya habang nakaangat siya ng tingin sa akin. Sabay hipo sa noo ko.
"Okay lang a---" di ko pa natatapos ang sasabihin ko ay nagpakawala na naman ako ng dalawang magkasunod na bahing.
Malulutong na tawa naman ang isinukli ni Rachelle sa akin. At natawa rin ako ng bahagya. Haha!
Maya-maya pa ay may tumigil na motor sa bahay namin . Di ko naman iyon napansin dahil mukhang lalagnatin na talaga ako kaya ibinaling ko na lamang ang aking oras sa pag kain ng mirienda.
Naka limang subo pa lamang ako at inaalalayan naman ako ni Rachelle dahil nanginginig ako at nanlalamig dahilan upang ipulupot ko ang aking makapal na kumot.
Napatigil ako sa pag kain ng biglang may kumatok. Ramdam ko naman na si Lloyd iyon kaya inutusan ko si Rachelle upang buksan ang pinto. Dali dali namang tumakbo si Rachelle at pinagbuksan ng pinto si Lloyd."Ate maiwan ko po muna kayo, tutulungan ko lang si mama sa pagluluto ng hapunan." Paalam ni Rachelle habang nililisan ang silid.
Naiwan naman kaming dalawa sa kwarto. At kitang kita naman sa mukha ni Lloyd ang pag-aalala sa akin. Kyaaaah~
"Sean! Okay ka lang ba?" Sambit niya at niyakap ako. Nagdulot naman ng konting ginahawa ang yakap niya sa mabigat ko damdamin.
"Bakit di mo ako sinasagot sa text ko?" Malumanay niyang sambit habang batid na batid ko ang pag aalala niya sa akin.
"Naubusan kasi ako ng load at tsaka nilalagnat ako kanina pang umaga. Akala ko nung una ay talagang mabigat lang ang nararamdaman ko at di ko inaasahang lalagnatin ako" diretso kong sagot. At inalis na niya ang kaniyang kamay mula sa pagkakayakap sa akin at ibinaling niya ang kaniyang paningin sa mangkok ng champurado. Kinuha niya iyon at akmang susubuan niya ako napabahing ako mabuti na lang ay natakpan ko ang bunganga ko huhu.
YOU ARE READING
CLUELESS IN LOVE (ON GOING)
Teen Fiction"When I was a kid I imagined myself marrying a prince in a majestic palace but as I grew up I noticed that all of what I imagined were just results of my creative mind. Then eventually I fell for the man that I thought will be the reason for me to b...