TWENTY THREE

8 2 0
                                        

Lumipas ang mga araw at di ko namalayang sumapit na naman ang bagong taon. Bagong simula, bagong mga haharaping hamon at bagong mga kabanata ang maisusulat sa pahina ng aming tadhana. Kahit ayaw ko mang panghinaan ng loob ay di ko magawa dahil alam kong hindi biro ang karamdamang meron siya. Ngunit sa bawat pagngiti niya ay napapawi ang pag-aalala at pagaalinlangang nadarama ko. Kasalukuyan akong nakatitig sa kanyang mapupungay na mata habang magkahawak ang aming kamay. Masaya siyang nanonood ng mga fireworks display habang ako ay natindi ang pagtingin ko sa kaniya hanggang naramdaman ko na lang na namumuo na pala ang mga luha sa aking mga mata pinipigil ko ang paghikbi ko upang di maalis ang ngiti niya habang nakatingin siya sa kalangitang kumikislap dahil sa mga paputok. Sana ganito na lamang kami malayo sa pighati at pait. Malayang ngumiti at humalkhak pero hindi k .magawa dahil pinangungunahan ako ng takot dahil alam kong hindi namin hawak ang mundo at maraming maaaring mangyari.

"Look Sean!" Masayang saad ni Bryan habang tinuturo ang hugis pusong fireworks ngunit napalingon siya sa akin nang hindi ako sumasagot, agad kong pinunasan ang luha sa aking mata ngunit nahuli niya ako.

"H-hey bakit ka umiiyak?" Maamo niyang tanong habang pinupunasan na ang mga luha kong mistulang ilog na tuloy tuloy sa pag-agos.

"I-I'm afraid" diretso kong saad habang patuloy sa pagtangis.

Hindi siya nagsalita sa halip ay sinalubong niya ako ng mainit na yakap at hinalikan sa noo.

"Takot rin ako Sean, pero wala tayong magagawa kung di ang harapin ito" pag amin niya at ramdam ko ajg panginginig sa boses niya.

"Di mo naman ako iiwan di ba? You'll stay with me until my medication is done, right?" Mangiyak ngiyak siya habang sinasambit ang mga ito na para bang batang nagmamakaawang wag siyang iwanan ng ina. Sinubsob ko ang ulo ko sa chest niya at humagulgol.

"Of course, I will be right here for you babe" sagot ko sa kaniya at nag angat ng tingin upang magsalubong ang aming mga mata.

"B-babe? I like it" natatawa niyang sabi at muli akong niyakap.

"You know what, you are the most precious gift I've received, I thank God for giving me the cutest pig I have!" Pangungutya niyang saad. Pinalo ko amg braso niya at pinandilatan ng mata.

"I'm not that damn pig in that movie! Okay I won't call you babe anymore" pikon kong sabi at humalukipkip lumayo rin ako ng bahagya sa bench na kinauupuan namin dito sa park.

"Just kidding babe" sambit niya at yumakap sa akin.

"Fine" malamig kong sagot at pinisil ko ang matangos niyang ilong.

Umuwi na ang kami dahil bukas na nagsisimula ang gyera namin sa karamdaman niya. First day ng medication niya.

Kinaumagahan maaga akong nagbihis at wala naman akong naabutang tao sa bahay dahil last day na rin ng aming bakasyon kaya siguro lumabas muna si Rachelle kasama ang mga kaklase niya at sila mama at dad syempre nasa negosyo na naman ang atensyon. Tanging si Aling Rosing ang nasumpungan ko kaya sa kaniya na lang ako nagpaalam.

Nagcommute lang ako at dumiretso sa tahanan nila Tita Mishell.

Luckily naabutan ko sila dahil paalis na ang kotse nila. Agad bumaba si Bryan at sinalubong ako mg ngiti at yakap.

"Akala ko di ka na makakarating" matamlay niyang sabi habang nakayakap kami. Kumalas na siya at hinarap ako.

"Syempre di ko to papalagpasin, I promised kaya dapat lang na tuparin ko yun" sagot ko naman na ikinangiti niya.

May sasabihin pa sana si Bry kaso dumungaw na sa bintana si Tita kaya sumakay na kami agad.

"Good morning tita" bati ko sa kaniya
"Good morning hija, susunduhin ka na sana namin kaso nauna ka naman ng dumating" sabi ni tita habang nakatingin sa rear mirror ng kotse.

Nakaupo kami ni Bry sa backseat at si tita ang nagdadrive. Tahimik lang si Tita habang pinapakinggan ang halakhakan namin ni Bryan sa byahe. Papunta kami ngayon sa E.Mendiola Medical Hospital na pag-aari ni Dr. Eduard Mendiola na matalik na kaibigan din ni Tita Mishell.

Nagtungo na sila sa room kung saan gagawin ang dialysis niya at nagpaiwan na kami ni Tita sa labas.

"Anak" panimula ni tita at hinawakan niya ang kamay ko.

"P-po?" Tipid na sagot ko habang marahang tinitigan ang kamay niya at tumitig sa kaniya.

"I know you are both too young to face this but I hope you'll not leave him because all I can see is happiness when he is with you" nakangiti niyang sambit ngunit may bahid ng lungkot.

"I promise Tita" sagot ko naman at niyakap ko siya at niyakap naman niya ako pabalik.

Natapos ang dialysis niya at halatang nahirapan siya but he still managed to smile.
Pagkatapos nito ay tumungo kami sa isang restaurant at kumain halos lahat ng pagkaing nakahain ay vegetable no wonder mother knows best ika nga and to be exact she's a great doctor after all.

Nagkuwentuhan lang kami hanggang sa matapos kumain. Nagpaalam na rin akong umalis at nagoffer pa silang ihatid ako kaso tumanggi na ako dahil didetretso pa ako sa aming negosyo. Nagbeso kami ni tita at niyakap ko ng mahigpit si Bry hanggang sa umusad na ang kotse nila at umalis.

Tumungo nga ako kina mama at dad ngunit di ko rin sila nahagilap. Where are they?

Dahil amin naman ang convenience store na ito kumuha na ako ng cart at nagshop ng mga gagamitin ko para sa iluluto ko mamaya dahil bored ako. Argh!

Pagkauwi ko dala ang mga grinocery ko wala pa rin sila. Am I all alone?

Magtitipa sana ako ng mensahe kay Bryan kaso naaalala kong hindi nuna siya pinapayagan ni Tita na gumamit ng mga gadgets dahil baka pagtuunan niya ito ng pansin kaysa sa pagpapahinga.
Mahigpit kasing bilin ni Dr. Mendiola na bawal siyang maistress at mapagod, dapat rin na wag siyang kakain ng kahit anong makakapagpapalala sa kalagayan niya at dapat on time ang pag-inom ng mga maintenance niya.

Natigilan ako ng maalala ito kaya tinawag ko na lang si Aling Rosing para tulingan akong magluto ng iba't ibang putahe.

My kind of stress reliever is cooking.

Nasa kalagitnaan kami ng pagluluto ng dumating si Dad na nakakunot ang noo halatang stress rin siya. Hahalik sana ako sa pisngi niya kaso sinenyasan niya akong wag na at dumiretso na siya sa kwarto nila. Napakagat na lang ako sa oangibaba kong labi upang pigilan ang sari sari kong emosyon na sa tingin ko ay tuluyan nang sasabog.

Naramdaman kong pumatak ang mainit na likido sa aking mata ngunit agad ko itong pinunasan at kinausap na lang si Aling Rosing.

"Manang hindi pa po ba kayo kumain?" Tanong ko sa kaniya
"Hindi pa po mam" diretso niyang sagot habang nakatingin sa akin.
"Then join me later manang, total wala naman po akong kasalo sa hapag" pilit akong ngumiti at niyakap siya.
"M-mam?" Nagtataka niyang saad "S-sige po" dagdag rin niya at niyakap rin ako pabalik.

Natapos na kami sa pagluluto at hinanda na namin ang hapag.

"Mam ako na po trabaho ko po ito" sabi ni Manang na parang nahihiya
"Manang wag mo na po akong tawagin na mam besides mas matanda ka po sa akin kaya okay lang pobg tawagin mo akong Tasha o kaya bahala ka na po kung anong gusto mong itawag sa akin" tawa ko habang nakangiti naman si Manang sa akin.
"Mas maganda ka kapag nakangiti anak kaya lagi kang ngumiti at kung may problema nandito ako para makinig" saad niya at tinapik pa ang ulo ko ng makailang beses.

Kumain na kami habang nagkukwentuhan nalaman kong animnaput isa na pala siya at dati siyang tagapagsilbi sa bahay ampunan ngunit dahil sa katandaan ay inalis na siya kaya di siya noon nagdalawang isip na makipagsapalaran nang makita niya ang nakadikit sa gate na "wanted maid" .

Natapos na kaming kunain ng dumating si Rachelle na padabog na umakyat at sinundan siya ni Mama na nagbubunganga.

"Rachelle kailan ka pa natutong uminom?!"
"Mula nung busy ka, kayo!"

Nabitawan ko na lang ang hawak kong pinggan dahil sa di ako makapaniwala sa nangyayari sa pamilya namin. What the heck is happening! Seriously ngayon pa sila nagtatalo.

Agad akong inalalayan ni Manang at pinatahan sa bisig niya dahil tuluyan na pala akong umiyak.

What the heck is happening folks!?




CLUELESS IN LOVE (ON GOING)Where stories live. Discover now