FIVE

14 2 0
                                    

CASSY'S POV
It was Saturday and nagsleepover ako sa bahay nila Tasha. Para siyang inis na inis habang hawak ang phone niya. Gusto kong malaman kung bakit samantalang kanina eh parang kinikilig lang siya. I wonder why.
Tatanungin ko na sana siya kaso nagulat ako
"Nakakainis talaga yang Bryan Lloyd Monta Perez na yan!"pabulyaw niyang sabi
"Ha? Bakit!"gulat kong sagot.
"Pano ba naman kasi mochi nagwave siya sa akin tapos kinamusta ako!"
(Mochi is our endearment)
"Yun lang naman pala patingin nga ako."sagot ko
"Oh ayan" sabay abot sa cellphone niya.
"Mochi nagreply ka? tish! Ang sama talaga niya,...eh ang tanong mochi sino naman kaya yang crush niya. OMG wag mong sabihing..."
"Wag kong sabihing ano..?" pasabat niyang tanong
"Na ikaw yung crush niya! Di ba sabi niya he was supposed to send it to her crush but she sent it to the wrong person. Hmm something is fishy. Dapat kung napindot lang niya yung "WAVE" nagsorry na siya hindi yung mangangamusta pa. And you know what style yan ng mga torpe!" ani ko
"Oo nga I mean talaga ba?" nagba-blush niyang sagot.
"Tsk! Tsk! Tsk! STACEY SEAN ARE YOU IN LOVE? kasi kapag hindi bakit ka galit na may iba siyang crush bakit mo siya blinock?"
"You know Cassy I'm tired I wanna sleep" nanginginig niyang sagot
"Wait don't sleep yet! Tasha answer me! Is he your crush?" mapangtukso kong tanong sa kaniya habang hinihila ko yung kumot niya kasi binalot niya buong katawan niya eh 32° pa naman yung temperature. 
"Matutulog na mochi. Good night!" sagot niya

I knew it crush siya ni Lloyd mula pa noong grade 6. Basta cleaning time kung kasama sa cleaners si Tasha tumutulong siya sa paglilinis. Naaalala ko pa noon nung nakalimutan ni mochi yung baon niya binigay ni Lloyd yung spaghetti at orange juice niya. I find it cute arrgh! Hindi naman umarte si Tasha kinain niya naman while ako nakatitig lang sa kaniya habang ngumunguya. Tapos noong first PTA meeting noong high school tumulong kami ni best friend sa pagdedecorate ng stage dahil mas payat siya sa akin kaya siya ang pinaakyat sa ladder upang ilagay yung decors sa ceiling. Nasa 4th step palang siya na out balance na buti na lang sumunod pala si Lloyd para tumulong sana kaya ayun nahulog si Tasha buti na lang nandon si Lloyd kaya nasalo siya nito. Feel ko tumigil ang mundo nung dalawa walang umimik nang ilang segundo parang pati bahing ay pinigil. Tanging tunog na lang siguro ng puso nila ang maririnig "lub dub lub dub" okay na sana noon kaso nagalit si Tasha "ibaba mo nga ako!" sabi niya at binaba naman siya tapos umalis na 'tong si Mr. Cold Hearted! Ako naman na dakilang shipper nila since elementary nakangiti lang at di ko madefine kung anong reaction ni Tasha.

So ngayon ko lang na clear lahat ng theory ko ay totoo pala. Akala ko noon wala ng pag-asang mainlove si Cold heart kay Jolly heart.

Feel ko crush din ng best friend ko si Mr. Cold hearted dahil kanina pa siya galaw ng galaw at alam kong di siya makatulog! Feeling ko iniisip niya din yung chinat ni Lloyd or maybe nag fa-flashback din siya. Is this pag-ibig? 

Kung ako din naman nasa katayuan ni Lloyd maiinlove ako kay Tasha. Kasi sino ba naman di mahuhumaling sa matangos niyang ilong, kissable lips na ang natural color ay pink may magandang cheek bone na halos di kailangang i-contour, singkit at may brown na mga mata, at ang ganda ng pagkakakulot ng kaniyang mga buhok. Hindi naman siya sobrang tangkad pero kung magkasama sila ni Lloyd hanggang balikat lang siya nito. Matalino at mabait pa siya meron lang siyang loko-lokong side na di nakakainis lalo pag magkasama kami.

"Hindi ka ba matutulog?" tanong niya sa akin
"Matutulog na. Ikaw nga di pa tulog eh tch!" mapanukso kong sagot sabay tawa
"Good night mochi!" she added

Thank you for reading °•d^_^b•°

CLUELESS IN LOVE (ON GOING)Where stories live. Discover now