SIXTEEN

9 2 0
                                    









November 5, 2018

"Happy birthday to you
Happy birthday to you
Happy birthday happy birthday to our dear Tasha!"

Naalimpungatan ako sa pagtulog dahil sa pag-awit ni mama at Rachelle. Di ko namalayan ay napasarap na pala ang aking pagtulog at 7:38 na ngayon nang umaga. Napakusot pa ako sa aking mga mata bago ko ito inimulat. May dala dalang black forest cake si mama na binili niya sa Red Ribbon at si Chelle naman ay may dalang epic na mukha ko yung makakasira ng reputasyon ko haha. Nakanganga ako dun habang kumakain kainis!

Yez! It's my day:>

"Bangon na dyan ate" makulit na sabi ni Rachelle at may halong panunuya hayst! Buti na lang masaya ang gising ko.

12:00 midnight
Di pa ako nakatulog dahil gumagawa ako ng research paper at sinabayan ko ng sound trip

"Close the door now

When I'm with you

I'm in utopia" ~euphoria

Biglang tumunog ang cellphone ko. Nagitla ako dahil tumatawag si Bryan. Owemjii!

Napakurap kurap pa ako ng tatlong beses bago ako natauhang sagutin.

"Hey! Happy Birthday Sean" malambing niyang bati mula sa kabilang linya. Argh!

"Thank you so much Bry, pero bakit hinintay mo pang mag-12 natulog ka na sana" sambit ko.

"I'm still doing my research. Well, don't worry 'bout me haha" pabiro niyang sagot.

"Oh I see haha, thank you for the effort Bry I really appreciate it!"

"Syempre ah alangan namang iba ang unang mag-g-greet sayo haha" may panunuya sa sagot niya habang ako ay inatake na na naman ng mga paru-paro sa tyan. Haysst!

"O sige na itutuloy ko pa 'tong research ko. Bye  I love y--"nagulat ako ng mapagtanto kong muntik ko ng masabi ang three words accckkkk.

"So you love me?" Saad niya na mukhang natatawa na dahil ang tono ng boses niya ngayon ay may bahid na ng panuniya huhu.

"Ha? W-wala naman akong sinabi ah hehe" pagsisinungaling ko pa habang ang kamay ko'y nasa batok ko. Anong ginawa moooo!

CLUELESS IN LOVE (ON GOING)Where stories live. Discover now