TWENTY FOUR

15 0 0
                                        

Masakit isipin na ang pamilya ko ay mas nagiging komplikado na. Sigawan, basagan ng gamit at sakitan. Lagi kong naririnig ang pagtangis ni mama na dulot ni dad sa kaniya. Naaawa ako sa kanya dahil hindi niya deserve ang mapagbuhatan ng kamay at masabihan ng masasakit na mga salita.

Nalaman ko rin na hindi talaga uminom nang gabing yon si Rachelle dahil ang katotohanan ay nagtago lang siya dahil nakita niya sa bar si daddy na may kahalikan na iba, muntik na rin siyang nakita noon ni dad kaya kumuha siya ng alak sa waiter at kunwari ay ininom niya. Di naman niya namalayang sinundan siya ni mama kaya akala ni mama ay umiinom nga siya. Para ngang chain eh sinundan ni Chelle si Dad para kumpirmahin ang kutob niya tapos sinundan din si Chelle ni mama upang disiplinahin siya kaso mali ang pagkakaunawa niya.

Napahiya pa niya ang kapatid ko sa mga taong naroon at ginamit namang pagkakataon iyon ni Dad para makatakas at umuwi sa bahay.

Ngayon malinaw na ang lahat pero hanggang ngayon nasaksaktan pa rin ako. Labis akong naapektuhan sa ikinuwento sa akin ni Rachelle at sobrang hirap kasi akala ko perfect na ang family ko kasi may Daddy akong caring at may Mama akong loving pero ano? Akala lang pala lahat and it hurts!!

"Ate tahan na. Kaya natin to" marahang tinapik ni Chelle ang balikat ko at nakikita ko ang pagpupursige niya na mapagaan ang dinadala ko.

"Pa'no mo nasasabi yan eh kung tutuusin nga ikaw yung mas apektado dito." Mahinahon kong sabi habang nakalagay ang ulo ko sa balikat niya.

"A-ate kung di natin titibayan ang loob natin wala nang ibang gagawa. We must depend within ourselves and let's protect this family" madiin niyang saad habang tinatapik ang balikat ko.

"You are really a grown-up now, It must be me who will comfort you but it end up you are the one who's comforting me" hinarap ko siya at hinawi ang buhok na nakatakas sa tainga niya. At nginitian ko siya ng bahagya.

"Ate ikaw ang dapat lalong magpakatatag ngayon, dapat ikaw rin ang maging dahilan ng lakas ni kuya Lloyd, he needs you" nakangiti niyang sabi habang pinupunasan ang luha ko gamit ang hinlalaki niya.

Di ko na napigilan ang sarili ko at niyakap siya at saka kumawala ang nga luha kong kanina pa nagbabadya.

I am the luckiest sister 'coz I have you!

***
Matapos naming mag-usap ni Chelle ay isinama ko siya sa bahay nila Lloyd at tinawagan ko na rin sina Ches at Cy. Nagdala naman kami ng tig-iisang basket ng mga prutas.

Nadatnan naming nakangiti si Lloyd habang unti-unting pumapatak ang mga luha niya sa kaniyang pisngi.

"Hi Kuya Lloyd! How are you?" Masayang bati ni Chelle at umupo sa kamang kinahihigaan ni Lloyd.

"I-I'm fine" pilit na ngiting sagot niya at nagitla ako nang lingunin niya ako.

"Hindi mo man lang ba ako babatiin babe?" Anyaya niya sa akin at bumalatay ang natural niyang ngiti.

"B-babe n-nagdala nga pala kami ng prutas" sambit ko at inilagay ang dala ko sa side table.

"Hmmm...darating pala sina Chester at Cyrus mamaya babe bibisitahin ka raw nila" deretso kong sabi at naramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko.

"A-ahh good to know babe. How's school?" Pilit siyang naupo ng ayos at ngumiti sa akin at kay Chelle.

"Same old shit. Hahahaha" tawa ko at tumawa rin sila.

"I miss school, and I miss you" sabi pa niya

Hindi naman ako nakasagot dahil mabilis na pumasok sina Ches at Cy.

"Broooooo I missssss youuuuuu!!" Sigaw ni Ches at napaigtad naman si Lloyd.

"You startled me bro...nababading ka na ba? " biro ni Lloyd at natawa naman kaming lahat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CLUELESS IN LOVE (ON GOING)Where stories live. Discover now