TWENTY ONE

10 0 0
                                    

"Merry Christmas mama , Merry Christmas Daddy, Merry Christmas everyone"

Alas onse na nang gabi at buhay na buhay na ang buong paligid. Rinig na rinig ko ang awitan sa mga karaoke at ang mga matatamis na awitin ng mga paslit habang kumakatok sa mga tahanan.

Naalala ko tuloy sina Cassy at Jack laging kaming tatlo ang magkakasama sa pangangaroling at ang pinaka di ko makakalimutan ay nang kumatok kami ngunit mga aso ang tumambad sa amin, hindi naman kami dapat hahabulin ng tatlong asong iyon kung hindi lang tumakbo ng matulin si Cassy kaya imbes na mainis kami ni Jack ay nag-appear pa kami at humagalpak sa tawa dahil maluha luha si Cassy nang marating namin ang bahay para mag Noche Buena. Nakaugalian na din kasi naming sabay-sabay magpasko ngunit ngayon wala suna Jack at ang family niya. Nakakapanibago!

Pero kakaiba naman ang kislap ng ngiti ko at kakaiba rin ang pakiramdam ko.

Humilig ako sa pinto at dinama ang lamig ng gabi. Napapaindak sa loob ng bahay sina Mama at Daddy dahil sa mga pamaskong awitin.

"Feliz Navidad" awit ni Rachelle na ikinatawa ko dahil napaka trying hard niyang umawit .

Nanatili lang akong nakahilig sa pinto. Napapikit pa ako dahil hinihintay ko ang taong argh sobrang nagpapabilis ng pagpintig ng puso ko charot! Haha

Napaayos ako ng tindig ng may tugil na itim na SUV sa harap ng bahay namin. Nasumpungan ko agad si Tita Mishell na inaalalayan ng driver nila pababa sa sasakyan. Sumunod ko namang nakita si Lloyd na may maaliwalas na ngiti na nakapinta sa mukha. Automatic naman ang paa ko at agad pinagbuksan sila ng gate. Kahit naroon si Manang Rosing ay ako na ang nagbukas dahil ayoko na siyang mapagod pa. May katandaan na ang bago naming kasambahay at medyo mataba siya halatang pagod siya kaya minabuti kong ako na ang magbukas ng gate.

Masaya naman akong sinalubong ng beso ni Tita Mishell at pinatuloy ko na siya. Sinalubong naman siya ni Mama at ganon na rin sina Dad at Chelle.

Sinundan ko ng tingin si Tita hanggang sa makapasok sa bahay. Nagitla ako ng pagharap ko ay malapit na si Bryan Lloyd sa akin at nakatingin ng diretso sa mata ko.

"Anak ka ng pusa niyo!" Gulat kong sambit at bahagyang napaatras.

Tumawa lang siya at halatang may panunuya sa paghalakhak niya. Damn you Mr. Perez!

"Ang gwapo ko namang anak ng pusa namin" saad niya ng mahimasmasan sa pagtawa.

Arrghhh! Bumabanat ka na rin ha! Banatan kaya kita.

"Puro ka kalokohan, Psh" kunwaring inis kong sagot.

"Psh! Kinikilig ka ba?" Diretso niyang saad habang di matago sa tono ng pananalita niya ang pangaasar. Hayst!

"Bakit mo natanong?" Tanong ko habang pilit na tinaas ang kaliwang kilay.

"Kasi ako oo" diretso niyang wika habang nakatitig sa mata ko.

"Mmmm.. ang bangi naman nun mauuna na ako ah" pagputol niya sa usapan namin at nakangiting tumungo sa loob. Huwhat?

Ayie!

Natameme ako sa sinabi niya at halos mahimatay na ako sa kilig. Hayufff.

I need air omoo!

Sumunod rin ako sa loob pagkatapos magwala ng mga paru-paro sa tyan ko. At di pa rin naalis ang maaliwalas na ngiti ko shems!

Pagpasok ko ay naabutan kong nagkukwentuhan sina Mama, Dad, at Tita. Normal na lang sa akun yun dahil barkad naman talaga sila.

Pero ang di normal ay ang makita kong nagtatawanan sina Chelle at Lloyd habang nagsasalin ng mga pagkain sa mga babasaging pinggan na madalang na gamitin pag may bisita.

Curious talaga ako anong pinaguusapan nila huh! Di ko namalayang nagtungo na pala ako doon. Napatikhim ako at natigilan sila sa paglilipat ng pagkain.

Isang nakakalokong ngiti ang binigay sa akin ni Lloyd at isang plastik namang ngisi ang ipinamalas ng hinayupak kong kapatid.

Anong meron?

"What can I do for you Fiona?" Malokong sambit ni Lloyd na kinagulat ko. Napahalukipkip pa ako sa harap ni Rachelle.

Ngayon alam ko na damn you Rachelle Villafuerte ugh!!

Tiningnan ko ng matalim si Rachelle at agad kumaripas ng takbo papunta sa kwarto niya.

"Wo-woah baka mamatay sa titig mo ang kapatid mo" tawa pa ni Lloyd na seryosong nangaasar lang hmmmp.

"So you love Shrek?" Bulalas pa nito at napangiti.

"Yes! All people do" diretso kong sambit habang nakahalukipkip pa rin pero nakataas na ngayon ang kilay ko. Rawr!

"Yung kapatid mo daw ayaw niya. Weird daw taste mo" napa smirk pa siya.

"I said all people not that asshole sister of mine" I rolled my eyes and sigh. Ugh!

Wag nilang ginaganon si Shrek melabs ko.

Inirapan ko lang si Lloyd na tumatawa pa rin dahil sa palaban kong wika.

"Whut?" Nakahalukipkip kong tanong.

"Wala" saad niya at itinaas pa ang dalawang kamay na sign na nagsu-surrender na. Haha

"Gusto ko rin kasi yun eh" saad niya na nagpababa sa nakakunot kong kilay. At napilitan ng saya. Shemss!

"You are my Fiona and I am your Shrek" saad nito at nagpanginig ng sistema ko. Yie!

"Ehem the green and ugly couple" tawa pa ni Chelle na umiinom na pala ng tubig haha.

"At least mahal nila ang isa't isa. And love is not about how you look outside true love is felt inside" singhal ko na kinagulat ni Lloyd. Shemseuu! Narealize ko na lang na baka iba ang pagkakaintindi nila.

Lamunin mo na ako lupa.

"Ah oo nga pala tatawagan ko lang si Cassy" sambit ko.

"Ate sa CR ka tatawag?" Tawa ni Cassy na ikinatawa rin ni Lloyd. Shemay isip isip.

"B-bakit ba malakaa ang signal sa CR eh" saad ko at dumiretso na sa banyo. Ughhh!

Merry Christmas Self napakashunga mo. Damn.

Tinawagan ko na si Cass at tanungin naman niya agad. On the way na din daw sila.

A/N
Lol next chapter tomorrow!❤




CLUELESS IN LOVE (ON GOING)Where stories live. Discover now