Nagsimula na ang aming klase. Tapos na ang aming first and second subject. Medyo nahuli si Cassy ngayon at ito siya ngayon sa tabi ko mukhang windang. Recess na namin at di pa rin siya kumikibo, kaya minabuti kong basagin ang nakakabinging katahimikang bumabalot sa amin.
"Cass, tara na sa cafeteria, b-break naman na" mahinahin kong saad habang si Cassy naman ay tila may malaking problemang kinakaharap ngayon.
"C-cass" di ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong sigawan na naging dahilan ng pagkatuod ko at pagkagulat ni Bryan na naging sanhi ng paglapit niya sa amin.
"M-masaya ba na makipagharutan ka sa taong natitipuan ko!?, masaya bang makipagplastikan sa harapan ko habang patalikod mong nilalandi si Jack!! Ano di ka makapagsalaita dahil totoo di ba!!" Tuloy tuloy niyang tanong habang ang luha niya ay patuloy na umaagos sa kaniyang mukha.
Galit at hinanakit ang nakikita ko sa kaniyang mga mata ngayon. Habang ako di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sobrang kirot ng puso ko dahil sa mga di kanais nais na mga salitang kaniyang binitawan sa akin. Di ko namalayan na nanginhilid na ang mga luha sa aking mga mata habang ang aking puso ay tila baga ay napupunit. Naisin ko mang sumagot ngunit di ko magawa, parang napaurong ang aking dila dahil sa di ko alam na espesipikong dahilan ay tinataasan ako ng boses ng aking matalik na kaibigan. At parang binababa niya ang antas ng aking pagkatao dahil sa mga binitawan niyang salita.
"Ha ikaw na tinuring kong higit pa sa kapatid, pagtataksilan mo ako ng ganito!" nanggagalaiti siya sa galit na parang lulunukin niya ako dahil sa mga nanlilisik niyang titig sa akin.
"M-mochi ano bang sinasabi m-mo---" di kobpa natatapos ang aking sasabihin, tumayo na siya sa kaniyang kinauupuan at hinarap ako ng face to face. Habang nasa amin ang buong atensyon sa silid at si Lloyd ay diretso lang ang titig s aming dalawa na mukhang gulat rin siya dahilsa kinikilos ni Cassy.
"Wow!!" Pasigaw niyang sambit habang pumapalakpak pa. Di ko mawari pero nagmumukha soya ngayong adik na nakahithit ng baygon na katol.
"Mochi?? Huh! Wala akong kaibigan na tulad mo ahas na traydor sumasaksak patalikod!!" marahan niyang binigkas ang mga iyon at binibigyan niya ng diin ang bawat salitang kaniyang binibitawan. Gustong gusto ko siya ngayon sagot-sagutin ngayon ngunit di ko magawa pagkat ang aking mga luhang pinipigilan kanina ay tuluyan ng dumausdos sa aking pisngi. Ang sakit sa puso mas matindi pa sa heartbreak huhuhu!
Ngunit kung hindi ako magsasalita magmumukha akong makating higad sa harapan nila. Kaya nilakasan ko ang aking loob at sinagot ko siya.
"Ano ba ang problema mo Cassy! Wala naman akong ginawang mali! Di ko maintindihan bakit ganito mo na lang ako sabihan ng mga di kanais-nais!?" Diretso kong tanong habang tuloy tuloy lang ang mga luha kong dunadausdos sa aking pisngi.
"Heto!!" Pasigaw niyang sagot habang nakalahad ngayon ang kaniyang cellphone na may pinapakitang litrato
Larawan namin iyon ni Jack habang magkayakap, iyon ay noong pinapalaya niya ako. At may naaninag akong flash na dumampi sa aking mukha.
Napatahimik naman si Lloyd at parang blangko ang kaniyang ekspresyon at unigting ang kaniyang panga.
"Oh di ba gulat ka kasi hindi lang ikaw ang nakakaalam sa lihim mong kalandian! Isa kang makating higad!" sarcastic niyang tugon habang nakangiti, yun bang ngiting parang nangkukulam.
"Bakit ka agad nagpapaniwala sa mga nakikita mo ng hindi mo pa inaalam ang tunay na nangyari! Litrato lang ang nakikita mo ngunit hindi mo alam ang istorya sa likod niyan!" Pasigaw kong sambit habang ang aking mga palad at nais na siyang sampalin. Ngunit hinigpitan ko lang ang pagkakafold ng kamao ko dahil kahit labis na akong nasasaktan ayoko pa ring manakit, dahil maling pumatol sa mga may makikitid na pag-iisip!!
YOU ARE READING
CLUELESS IN LOVE (ON GOING)
Teen Fiction"When I was a kid I imagined myself marrying a prince in a majestic palace but as I grew up I noticed that all of what I imagined were just results of my creative mind. Then eventually I fell for the man that I thought will be the reason for me to b...
