NINETEEN

15 2 0
                                    

Kinagabihan, di ako nakatulog kasi malamig ang panahon pinatay ko na ang aircon sa kwarto dahil mukhang titigas na ako sa lamig hayst di rin ako makatulog ilang beses na akong bumaliktad, umikot at gumulong sa higaan pero wala pa ring epekto gising pa rin ako.

Nagitla ako nang tumunog ang cellphone ko na nasa table sa right side ng higaan ko.

Tumambad sa akin ang text ni Bryan.

Sean sleep tight good night:)

Agad naman akong nagtipa ng mensahe sa kaniya

How can I sleep tight if I can't sleep? How is this night a good one?

Natawa na lang ako nang mapagtanto kong naisend ko na pala sa kaniya huhu.

You need someone to talk with? Of course this night is a good one because I have you and you have me.

Napangiti ako nang bahagya at agad nagtipa ng sagot

Ang cheeky mo haha.

Magtitipa pa sana ako ng mensahe para sa kaniya kaso nakaramdam na ako ng antok kaya tinext ko siya

Good night Bry:)

Di naman na siya nagreply at feel ko nakatulog na rin siya.

December 10, 2018

"Anong isusuot mo sa Christmas Party?"
"Excited na ako yey!"
"Sana naman hindi mug o twalya matanggap ko haysss"

Pagpasok ko sa room ito agad ang mga usapang narinig ko.

Tama nga sila Christmas is fast approaching. Wala naman akong ganang makiusisa sa usapan nila dahil tamad na tamad ako at wala ako sa mood, di rin ako kumain kanina kaya ipinagbaon ako ni mama ng cupcake na siya mismo ang nagbake, nagulat ako nang tapikin ako ni Cassy.

"Hey are you alright?" Saad niya
"Yeah, I think, absolutely no" napakagulo kong sagot sa kaniya napakamot na lang ako sa ulo ko at sinubsob ko ang ulo ko sa bag na nasa desk ko.
Napakunot noo at natawa naman siya sa akin at hinampas pa niya ako sa balikat. Rawrrrr

Maya maya pa ay nahimasmasan si Cassy sa pagtawa dahil dumating sina Bryan, Chester, Cyrus at Jack. Dahil dakilang chismosa ako inangat ko ang ulo ko at nasumpungan sila sinubsob ko ulit ang ulo ko dahil tumingin sila sa direksyon ko at malagkit akong tinitigan ni Bryan at sinusuri naman ako ng tingin ng tatlong mokong. Nararamdaman ko na ang papalapit na presensya nila sa direksyon ko, pasimple ko namang tiningnan si Cassy na ngayon ay nakayuko na at di umiimik di ko pa gaanong nasuri ang emosyon niya dahil sa lintik na mga buhok na humaharang sa paningin ko hayst.

Napatikhim si Bryan saka nagsalita.

"Good morning" masaya niyang saad sabay bato ng nakakalokong ngiti.
Tumango lang naman si Cassy at nakayuko pa rin ito.

Napagtanto ko na nakabaling na pala ang tingin nila sa akin at naalala ko pa na nakatingin na rin ako sa kanila at mukha na akong gurang na nilalang dahil sa magulo kong buhok huhu.

Nagitla naman ako nang lumapit pa sila at mukhang balak pa nilang pagtawanan ako lalo na sina Chester at Cyrus habang sina Jack at Bryan ay tulala lang sa direksyon ko.

Napaayos naman ako ng upo ko at hinawi ko agad ang bwiset na buhok kong humaharang sa maganda kong mukha char haha.

Para akong batong tumigas nang maramdaman ko ang pagdampi ng kamay ni Bryan sa buhok ko at hinawi ang nakatakas na hibla ng buhok  ko sa tenga ko. Nakita ko naman ang pamumula ng  tenga nina Ches at Cy at mukhang mga tukmol na sasabog na sa tawa jusko po!

CLUELESS IN LOVE (ON GOING)Where stories live. Discover now