Chapter 5

449 15 1
                                    

"Kuys, kumusta ka na?" tanong ni Billy kay Vhong habang kumakain sila. Napagpasyahan kasi ng magkaibigan na kumain muna bago sila umuwi. 

"Ayos naman, ganon parin" sagot ni Vhong sa kaibigan habang abala sa paghahalo ng sisig na inorder nila. 

"Pagaaral mo kumusta?" tila parang tatay na nagtatanong si Billy, napangiti naman si Vhong at nagbuntong hininga. 

Madalas man magkausap sa video call at chat sila Billy at Vhong, may mga bagay parin na hindi masabi ni Vhong sa bestfriend niya. Hindi niya sinasabi kay Billy na bukod sa pagiging illustrator at barista ay may iba pa siyang tinatanggap na trabaho dahil siguradong pagnalaman iyon ni Billy ay magpupumilit itong magpadala ng tulong sakanya, bagay na iniiwasan ni Vhong dahil nahihiya na siya sa kaibigan. 

"A..ayos naman, kuys. Oy nga pala.. ako dito ha?" hindi sana papayag si Billy pero nakita niya sa kaibigan ang saya sa tuwing ililibre siya nito. 

"Mabuti naman di ko na ipapaalala sayo yan! sasabihin ko palang sana eh" natawa naman si Vhong. Actually, matagal na niyang pinaghandaan ang pagkikita nilang magkaibigan kaya kampante siya na meron siyang mabubunot sa pagkakataong ito. 

"Sus, gusto mo mag kabayo pa tayo after nito e" mayabang na saad ni Vhong na ikinatuwa naman ni Billy, ganyan silang dalawa simula pa man noon.. 

"ahhm.. inclusive ba pulutan dyan sa pa welcome back package mo?" 

"Oo naman kuys! ayon lang pala eh, pinaghandaan ko kaya to. Ako pa!" sa buong oras na magkasama sila sa restaurant ay pasimpleng tinitignan ni Billy ang kaibigan, medyo mas payat ito ngayon kesa sa huling kita niya 3 years ago. Medyo may cuts na sa braso at nagiba rin ang porma ng mga balikat nito. 

"Nababakla ka nanaman, kuys" biglang naibuga ni Billy ang kinakain niya at binato ng tissue si Vhong. 

"Sira ulo, napansin ko lang.. pumayat ka nanaman pero nagbubuhat ka ba?" hindi na binanggit ni Vhong kay Billy na paminsan ay umeextra siya sa sound system rentals business nila Paul dahil pag nalaman yun ni Billy ay paniguradong papagalitan siya non. 

"Minsan kasi umeextra ako dun sa rentahan ng sound system nung kaklase ko" 

"Bakit di mo ata nabanggit sa akin yan, kuys? tuwing kelan ka don?" tanong ni Billy

"Di naman parati, minsan isang beses lang sa isang linggo" 

"Kinakapos ka ba? kuys, diba may ano ka sa likod dati? sana naghanap ka nalang ng iba, o kaya sana sinabi mo nalang sakin." punong puno ng pagaalala ang boses ng kaibigan, pero na anticipate na iyon ni Vhong bago niya pa sabihin. 

"Kuys, eto.. may inaalok na bagong project si Dad sa akin, sa advert.. gusto niya ako mag handle nun, actually.. sabi niya sakin, isama daw kita at ayun din ang rason kung bakit ako bumalik. Pag naplansta na ang lahat, sasabihin ko sayo." 

"Anong project?" sabay tungga ni Vhong ng beer na hawak niya. 

"Advertising, para sa isang make up line ng sikat na clothing company" 

"Ahh talaga? mukhang malaki yan ha" 

Cont. 

Vhong's POV

"Hello?" nagising ako sa tunog ng lintek kong telepono, napatingin ako sa orasan, alas kwatro palang ng madaling araw

"Nasan ka na kuys?" sabi nung lalaki sa kabilang linya, si Billy.. 

"Ha?" ow shit! oo nga pala! ngayon nga pala yung meeting naming dalawa dun sa cliente para dun sa photoshoot

"So-sorry, kuys.. eto na magbibihis na ako" nagmamadali akong bumangon sa kama, well 6am pa naman yung meeting namin, ewan ok ba.. ang aga aga gusto nung cliente na mag meeting kami

Will it be the same? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon