Cont. 3rd Person's POV
"Sige na, matulog na ka ulit" walang emosyong saad ni Anne at tska bumalik na sa may kusina para dalhin ang pinampamunas niya kay Vhong. Pagkatapos niyang labhan yung bimpo ay sinunod naman niyang linisin ang kusina.
"Mahal, matagal ka pa ba dyan?" Sigaw ni Vhong ngunit hindi na lamang siya pinansin ni Anne, nagpatuloy nalang ito sa pagis-is ng tiles sa may lababo sa kusina.
Pagpunta niya sa may sala ay nakita niyang nakahiga na si Vhong, ngunit hindi sa kama niya kungdi sa foam na inilatag nito. Nagtuloy-tuloy lang si Anne sa may sofa at nagsimulang kalikutin ang kanyang telepono. Hanggang sa katahimikan na ang namayani sa buong paligid.
"Hindi mo ba ako tatabihan?" Sambit ni Vhong, napatingin lang si Anne sa kanya tapos ay itinuon ulit nito ang atensyon niya sa kanyang telepono.
"Pasensya ka na mahal ah.. alam ko galit ka.." panimula ni Vhong, nakahiga lang ito ng diretcho habang nagsasalita.
"Alam mo.. natatakot na kasi akong magkamali ulit.. di na pwede.. kasi.. nung una.. nung nagkamali ako sa 'yo... sa buhay.. buo pa ako non eh.. kaya ngayon.. natatakot na ako kasi.. baka sa susunod na magkamali ulit ako.. baka di ko na kayanin.. kasi mahal ngayon.. wasak na wasak na ko eh.. ang dami ko nang sugat wala nang lugar para sa panibago pang mga sugat.. baka pag naulit yon.. baka di ko na maibangon yung sarili ko.. kaya ngayon.. lahat ng ginagawa ko hanggat maari ibibigay ko yung best ko.. yung best na best.. pasensya ka na a.. kung ganito ako katindi kumapit sa pangarap na to.. minsan di ko na rin maintindihan kung ano ba talaga yung pinaglalaban ko.. kung yung pangarap ko ba talaga o yung kagustuhan ko lang na makabawi at maging tama naman sa paningin nilang lahat.. alam mo yun.. kahit isang beses lang."
Habang nakikinig si Anne sa sinasabi ni Vhong, di niya maiwasang masaktan ulit dahil naisip niya, oo galit siya pero everyday, she can see how badly Vhong has been damaged by all of the things that happened before. Isa lang ang napagtanto niya..
Masakit magmahal ng taong wasak pero mas masakit palang makita yung taong mahal mo na pilit lumalaban kahit gaano pa siya ka-wasak and yet, kahit ubos na ubos na siya.. pilit niya pa ring ibinibigay sayo yung pagmamahal na deserve mo, sa tingin mo man ay nagkukulang siya.. na sa tingin mo man ay kakarampot lang pero sa isang banda.. paano ka nga ba magbibigay ng pagmamahal sa iba kung sa sarili mo ay wala nang natitira.
Masakit kay Anne na makita na ganon nalang pabayaan ni Vhong ang sarili niya, na halos magpakamatay na ito sa kakatrabaho at pag-aaral para lang mapanindigan nito yung ipinaglalaban niya. For the last 5 years, Vhong has been hard on himself, nagpapakamatay siya sa mga ginagawa niya.. para lang mabuhay. How ironic, isn't?
"Akin na yung likod mo, baka basa na. Lumipat ka don sa kama mo, mainit dito sa lapag" malumanay na sambit ni Anne habang pinupunasan niya yung likod ni Vhong pero nagulat n lamang siya nang may makitang kakaiba sa likod ni Vhong, inangat niya ulit ang tshirt nito para makita ang nakita niya kanina. Isang malaking pasa sa medyo gitnang bahagi ng likod ni Vhong, malapit sa ibaba balikat niya.
"Anong nangyari dito?" mahinahon na sambit ni Anne.
"Namali kasi ako ng buhat dun sa isang box sa trabaho"
"Sa café ba?" Tanong niya
"Hindi, dun sa pinagmamaneho ko.. may binili kasi siya.."
Walang kaabog-abog ay niyakap nalang ni Anne si Vhong habang mahina siyang umiiyak. Walang lumalabas na ni isang salita sa kanyang bibig. Di niya alam kung bakit siya nasasaktan..
"Sorry kung lahat ng ito yung kapalit dahil minahal mo ko. Pasensya ka na kung wala akong ibang maibigay sa sa iyo simula't sapul kungdi puro pasakit" sambit ni Vhong habang nakahilig ang ulo nito sa balikat ni Annieka
"Mahal na mahal kita, Annieka.. sorry kung makasarili ako ngayon para hilingin ko sa iyo na wag ka munang bumitaw ha? Wag mo muna akong iiwan ha? Tatandaan mo na lahat ng ginagawa ko ngayon para sa iyo yon. Kaligayahan ko na makita kitang masaya na walang alinlangan. Basta para sa 'yo lahat to, bibigay ko sayo yung buhay na deserve mo kaya mahal, konting tiis lang ha?"
Minsan, may mga pagkakataon na tanging yakap at pakikinig lang ang maibibigay mo, minsan naman.. tanging yakap lang rin ang kailangan mo para magpatuloy pa. Hindi mga salitang nakakakilig o ano mang salita o puring mapaglalo.. sometimes, all you need is just the feeling of security.. na kahit ano't ano pa man, gaano man katindi ang pinagdadaanan mo pero sa huli.. alam mong may kasama ka at di ka magisa ay sapat na.
A/N
Short UD pero ouchie, sisihin niyo yung tweet na nakita ko haha!
Don't forget to hit that star button and comment your thoughts down below.
P.S
Remember Vhong's lines here. Para di kayo magulat sa dulo haha! Charot!
Thank you!
BINABASA MO ANG
Will it be the same? (COMPLETED)
FanficCan love lead your heart back to the first one who broke it?