Chapter 80

619 21 12
                                    

Cont Annieka's POV


Hindi ako kaagad nakareact, natulala ako. Natauhan lang ako nang biglang tumunog yung machine na nakakabit kay Vhong. Nagpasukan yung tatlong nurse at maging sila ay medyo natulala nang makita nilang nakadilat na si Vhong.


"Anak? Can you hear mama?" Naiiyak na tanong ni Mama kay Vhong habang hinahaplos ang noo niya. Lahat kami nandito sa loob pati yung mga pamangkin ni Vhong na mga nandito din.





Medyo natataranta si Mama, kita namin yung panginginig ng kamay niya habang ginagamitan niya ng stethoscope si Vhong.






"Dindin can you see me? Nakikita mo si Mama?" Tinapatan ng pen light ni Mama yung dalawang mata ni Vhong, tumango siya pero sobrang minimal lang.





"Anak.. eto? Naamoy mo?" May tinapat si Mama na bulak sa may ilong ni Vhong, di siya tumango pero medyo lumayo siya, meaning naamoy niya nga.





"Anak? Eto?" Kumuha si Mama ng maliit na karayom at marahan niyang tinutusok si Dindin sa ibat-ibang bahagi ng katawan niya, everytime na ginagawa ni Mama yun ay nagrereact siya, meaning nararamdaman niya.





"Jusko!! Thank you, thank you!!" We are all crying, tears of joy pero si Vhong, nakatulala lang siya.





"Baby? I'm so happy that you're awake!! Sabi ko na eh!! I love you! I love you!" I was kissing him, buong mukha sa sobrang tuwa ko pero walang reaction si Vhong. Sabi ni Mama, hayaan na muna siya dahil baka nashock pa at kagigising lang niya. Ang dami kong gustong sabihin sakanya, including about our twins pero wag na muna siguro dahil nga tulala pa si Vhong.





Pinatulog muna siya ulit para alisin yung ventilator niya at palitan nalang ng oxygen. Dapat ititira yung NGT niya but kanina nung nagising siya ulit, tinuturo ni Vhong iyon kaya inalis nalang. He can start na with normal food, paunti-unti. Yung isang kamay nalang din niya yung may IV line, mabuti naman at mapapahinga na yung isa.


"Babe? what do you want?" nilapitan ko siya, nagising ulit si Vhong pero nakatulala pa rin siya. I kissed his forehead pero wala naman siyang reaksyon. I asked Mama about it, hayaan na muna lang daw si Vhong na ganon kasi baka nabibigla pa siya sa mga nangyayari sakanya. Kanina nung nagising siya, I saw him looking at his body, yung kamay niya nakita kong tinitignan niya ang mga iyon. Syempre sino ba naman ang hindi mabibigla kapag gising mo puro ka na tubo sa katawan.


Time na para kumain si Vhong at dahil wala na siyang NGT, mag start na kami ng liquids muna. Sabi ni Mama, hot milk muna daw para di rin siya mabigla. Ako na yung nagprepare nung gatas niya pero di ko alam kung paano ko lalapitan si Vhong.


"Baby.. ano.. kain ka na ha?" I fixed his hair, hinihipan ko yung spoon nilapit ko yun sa bibig niya. He stare at me tapos ay dahan-dahan niyang binuka yung bibig niya.





Nakakailang subo palang siya pero umayaw na siya, wala pa kami sa kalahati.


"Baby, please? Finish mo to. Sige na?" I calmly said with my softest and sweetest voice.


Pinapaubos ko sakanya yung gatas pero bigla siyang naduwal tapos nun ay nagsuka siya, mabuti nalang at nasalo ko ng towel kaya hindi gaanong nabasa si Vhong.


"No.. it's okay.. it's okay, mahal.." Vhong is crying, kahit di siya nagsasalita ay ramdam na ramdam ko na nahihirapan siya sa sitwasyon niya. Ang hirap din pala kasi yung halos 40 minutes namin just to finish the whole mug of hot milk ay wala din, nailabas niya din.


Will it be the same? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon