Chapter 11

496 21 7
                                    

"Ma'am saan po tayo?"

"Huh?" natigilan ako dahil don, kanina pa pala ako tinatanong ni Roger, my driver.

Since last night, I've been thinking about the text Billy sent me. Di ko alam kung anong dahilan niya sa akin para ibigay ang address na yon, di niya rin sinabi kung sino at ano ang nandoon.

"Drive to this address" inabot ko kay Roger ang cellphone ko para ipakita ang screenshot ng address.

"Aano po tayo dito, Ma'am?" tanong niya.

Actually, kanina ko parin iniisip kung pupunta ba ako o hindi but what's keeping me confuse ay yung sinabi ni Billy kagabi, na kahit anong gawin at sabihin niya ay di parin naman ako maniniwala.

I was scared, scared as hell but I am curious as well. Just to be sure, minabuti kong isama ni King, isa sa mga bodyguards ko. Hell no I'll be going there by my self.

After almost an hour ay nakarating na kami sa lugar na sinasabi ng address. Sinabi ko nalang sa driver ko na iparada nalang ang sasakyan sa tabi, eto na ba yon?

"Ma'am ano? May kikitain po ba tayo dito?" Tanong ni King. King is my most trusted bodyguard dahil teenager palang ako ay siya na ang bantay ko.

"Tara" I breathe deeply before I went out of my car. Paglabas ko, isang compound ang bumungad sa akin.

Isang compound na may dalawang building na magkatapat, sa gitna non ay isang maliit na basketball court. Pagpasok mo sa parang eskinita ay may isang cariderya at tindahan sa gilid. Tingin ko ay 3-storey each ang building. Malinis naman pero may kasikipan ang daan, medyo maingay dahil sa mga naglalaro na mga bata at typical na scenario na rin ang mga nagiinuman na tambay.

"Miss, anong kailangan mo?" Isang matandang babae ang nagtanong sa akin at lumabas siya galing dun sa loob ng sari-sari store.

"Magandang umaga po, may hinahanap lang po kami" kinuha niya yung walis tingting sa gilid at tska tinignan ako na parang nangingilatis.

"May kakausapin lang po sa 14b" nagaalangan akong magsalita dahil nakatingin silang lahat sa akin.

"Ay sino bagang nasa 14b?" tanong niya dun sa mga tambay

"Si ano.. yung pogi!! Ano ngang pangalan nun nay?!" Yung nagsalita ay parang lasing na dahil sa tono ng pananalita niya.

"Ugok! Si Vhong! Laging dumadaan yun dito di mo parin kilala"

"Ayy oo si utoy, oo nga siya nga pala ang nandodoon." nginitian ako nung matanda tapos ay may tinawag siya.

Will it be the same? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon