"Ganito kaya?" lagpas bente minutos nang nakatayo si Vhong sa harap ng salamin at kanina pa siya di magkanda ugaga sa ayos ng buhok na gusto niya.
"Ayos na kaya to?" sambit ni Vhong habang kinukumpara ang ayos ng buhok niya sa litratong nasa telepono niya.
Pagkatapos niyang ayusin ang buhok ay sinuot niya ang bagong linis niyang salamin at nag wisik ng pabangong kinatipid-tipid niya. Pabangong para lamang sa mga mahahalagang lakad at okasyon.
Malapit nang mag alas-sais kaya medyo pinapaspasan na niya ang kilos. Pagkatapos niyang magayos ng buhok ay muli niyang tinignan ang suot na polo sa harap ng salamin kung maayos ba ito. Kinuha niya yung paper bag na nasa ibabaw ng study table niya at muling tinignan ang laman nito. Isang pabangong medyo may kamahalan at isang sign pen na di rin biro ang presyo. Napangiti si Vhong nang makita ang mga gamit na iyon, bunga ng halos dalawang buwan niyang pagiipon. Di alintana ni Vhong ang presyo ng mga iyon dahil sa importante naman ang mga taong makakatanggap non.
"Kuya, dyan lang po" bumaba si Vhong sa may gate ng isang mamahaling exclusive subdivision. Dun nalang siya nagpababa dahil alam niyang tatanungin pa sila ng mga gwardya sa pakay nila sa loob.
"Boss.." papasok na sana si Vhong nang tawagin siya ng isang gwardya, paglingon niya ay halatang nagulat ang gwardya sa nakita niya.
"Si..sir?" mautal-utal na sambit ng gwardya nang mapagtanto niya kung sino yung kausap niya, hindi nalag nagsalita si Vhong, nginitian nalang niya ito at naghintay na lamang siya kung papapasukin ba siya
"Papasukin mo, taga dyan yan" Kahit na lagpas limang taon na siyang di nakakapunta roon ay nakilala pa rin siya ng gwardya. Ang gwardya rin na iyon ang tumulong sakanyang pumara ng taxi nung gabing palayasin siya sa kanila kaya alam ni Vhong na papapasukin siya nito.
Naglakad siya papunta sa street kung nasaan ang pakay niyang puntahan, malayo palang ay rinig na ang ingay, halatang may pagtitipon sa bahay na iyon. Habang papalapit si Vhong ay siya ring pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Maraming sasakyan ang nakaparada sa labas ng gate, mukhang maraming inimbitahang mga bisita.
Huminga ng malalim si Vhong at tska hinigpitan ang hawak sa paper bag na dala-dala niya. Tuloy-tuloy parin ang pagpasok ng mga bisita sa loob pero si Vhong ay nanatili lang sa labas ng gate, pinapanuod ang mga dumadaan sa kanyang harapan. Magagara ang mga suot, mukhang mga mamahalin, alam mong pupunta talaga sa isang sosyalang pagtitipon.
"Sir, anong atin?" nilapitan siya ng isang security guard na nakatayo sa labas ng gate, mukhang bago lang iyon dahil di siya nakikilala ni Vhong at di rin kilala ng security guard ang kausap niya.
"Ah.. di..dito po yung party nila Dra. Navarro diba?" kabadong tanong niya sa guard, tinignan lang siya nuon at sabay kunot ng noo.
"Oo, sir.. may imbitasyon po ba kayo?" napakamot nalang ng ulo si Vhong ng bahagya, nakalimutan niyang mahigpit pala ang security sa tuwing may party dito, at kahit na walang okasyon ay may sariling mga guard ang bahay.
"Ahh.. ano kasi.. naiwan ko.." palusot niya, tinignan niya ulit ang guard, medyo may kalakihan ang katawan nito at gupit sundalo ang buhok, napalunok siya.. mukhang malabong makapasok siya sa bahay.
"Sige boss.. di bale na nalang" habang may kausap ang gwardya ay unti-unting umalis si Vhong, di na siya napansin nito dahil sa dami ng mga bisitang pumapasok na kailangan niyang tanungin at tignan sa guest list.
BINABASA MO ANG
Will it be the same? (COMPLETED)
FanfictionCan love lead your heart back to the first one who broke it?