Cont. 3rd person's POV
Nagising si Anne sa isang mahinang ingay na nagmumula sa kusina, kalatog ng kubyertos ang naririnig niya, kasabay non ang pagsipol-sipol ng taong nasa kusina.
"Vhong?" bumangon si Anne at nagtungo kung nasaan ang tunog, well sa liit lamang ng lugar ay hindi naman talaga malayong di niya marinig ang tunog na iyon.
"Oy mahal, gising ka na pala! good morning!" masiglang sambit ni Vhong at tska nilapitan ang kasintahan para halikan ito sa pisngi.
"Upo ka na, maluluto na tong fried rice" hinawakan ni Vhong ang kamay ni Anne at tska pinaupo na ito.
"Ayan.. ang bango!" Nilapag ni Vhong ang plato ng fried rice sa harap ni Anne, habang si Anne naman ay inililigid ang tingin niya sa mga nasa lamesa. May bacon, egg, cereal, gatas at fruit platter ang naka handa.
"Anong gusto mo mahal? Kape o milo? Or gatas? Wala tayong juice e di ako nakabili." Pinaglalagay ni Vhong si Anne sa plato.
"Maupo ka" sambit ni Anne, pagupo ni Vhong ay inilapat niya ang palad niya sa noo nito.
"Wala na, mahal.. Okay na ko" nginitian ni Vhong si Anne at nagsimula na maglagay ng pagkain sa sarili niyang plato.
"Ay mahal yung egg mo pala di ko nilagyan ng salt kasi diba gusto mo ikaw naglalagay non tska ng paminta pati olive oil?"
Hindi nalang ulit nagsalita si Anne bagkus ay kumain nalang. Nao-awkwardan siya dahil si Vhong ay sumisipol sipol pa habang kumakain sila.
"Sana matamis itong nabili kong prutas, ang mahal pa naman nito dun sa supermarket!" Sambit ni Vhong at isinubo ang hiniwa niyang orange wedge.
"Yun! kainin mo to ah.. pati tong apple at strawberry" sambit ulit ni Vhong pero hindi pa rin nagsasalita si Anne. Habang kumakain siya ay nagtetelopono lang siya at hinahayaan niyang magsalita si Vhong nang magsalita.
"Anong oras ka bumili?" Cold na tanong ni Anne kay Vhong
"Ahhmm.. kanina mga... 6? Ay hindi.. 5:30 pala iyon, mahal" kanina pa pinakikiramdan ni Anne ang mga ikinikilos ni Vhong.. nagtataka siya dahil ngayon lang niya ule nakita si Vhong na ganon, kumakain ng prutas sa umaga, uminom ng vitamins at tubig nang hindi niya nireremind.
"Mahal, after mo dyan.. ligo ka na a, papainitan na kita ng tubig.. magbabayad lang ako kay Aling Delia ng renta, saglit lang ito." Nagpatuloy nalang si Anne sa pagkain, sa totoo lang ay hindi niya alam kung anong ikikilos niya o iaakto sa oras na iyon.
Parang nung isang araw at kagabi lang ay hindi niya mawari kung anong nangyayari kay Vhong hanggang sa nagkasagutan sila at nasaktan niya ito sa pagsampal ng dalawang beses.
"Ay mahal.. ano pala.. yung hiniram ko sayo nung nakaraan yung pambayad dun sa additional class.. ano.. kalahati na muna ha? Kasi.. next week pa yung bayad sakin dun sa isang painting na ginawa ko eh.. di pa kasi nagbayad ng buo kaya half muna tong maibibigay ko sayo" sambit ni Vhong, nang dahil don ay parang kinurot ang puso ni Anne. Although sinabi naman niya may Vhong na wag munang intindihin ang bagay na iyon pero ngayon ay alam niyang pinilit ni Vhong na maibalik yon sakanya. Di na sana niya tatanggapin pero naisip niyang baka maoffend nanaman si Vhong at alam ni Anne na pinaghirapan din yon itabi nito para maibalik sakanya.
BINABASA MO ANG
Will it be the same? (COMPLETED)
FanfictionCan love lead your heart back to the first one who broke it?