Chapter 71

590 22 19
                                    

Vhong's POV


"Vhong.. iinumin mo lang to pag kailangang-kailangan ha? Naiintindihan mo ba? Lalaban mo hanggat maari ha?"


Alas kwatro ng umaga, wala pang araw. Madilim at malamig pa ang paligid, parehas na parehas sa nararamdaman ko ngayon.

"Magisa ka nalang ba ulit, Dindin?" Sabi ng boses sa utak ko habang hawak ko ang dalawang maliit na tableta sa kanang kamay ko.

Huminga ako ng malalim, ayokong gawin to pero hindi ko na kasi kaya. Sa pagkakataong ito, kailangan ko ng tulong.. tulong mula sa tabletang alam kong makakapagpa-kalma sa pagkatao ko.

Mahigpit na bilin ni doc, wag na wag kong iinumin ito ng basta-basta, hindi pwedeng padalos-dalos dahil sabi niya, ayaw niyang dumepende ako sa gamot.

Higit sa isang taon na mula nung huling nakita ko ang bagay na to, higit sa isang taon na simula nung naramdaman ko ang kapayapaan na hinahanap ko sa kaloob-looban ko nang hindi ko dinedepende ito sa gamot na iniinom ko.

Sa araw na to, kailangan ko to dahil ang araw na ito ang pinakamahalaga para sa buong pagaaral ko. Dito nakadepende kung magkakaroon ba ng saysay ang lahat ng sakripisyo at paghihirap ko para igapang ang pagaaral ko.

Hindi ako pwedeng pumalpak. Hindi pwede.

Ngunit...

Paano?

Durog na durog ako?


Bago ako pumikit kagabi, ipinagpasa-Diyos ko na lamang ang lahat, naniwala na kahit papaano ay hindi naman niya ako papabayaan.

Patawarin mo ako, mahal.

Dahan-dahan kong inilapit ang palad ko sa bibig ko at tska marahang ininom ang mga iyon. Pumikit ako at huminga ng malalim. Isa.. dalawa.. tatlo.. hinga.

Inilapat ko ang palad ko sa kaliwang dibdib ko dun ko naramdaman ang paratiang nagpapaalala sa akin kung bakit ko pa pinipilit mabuhay, ang anak ko. Araw-araw tumitibok pa ang pusong ito, marahil ay sugatan ngunit tumitibok pa, maaring wasak, ngunit gumagana pa.. bugbog, ngunit malakas at lumalaban pa.

Ang anak ko, di niya naranasan ito nang matagal.. kaya't hindi ako dapat umarte na akala mo'y katapusan na ng mundo. Ang dami-dami nang nangyari, ang lawak lawak na ng pinsala, ngayon pa ba ako susuko?

Masama ang pakiramdam ko at nasasaktan ako pero hindi ang mga bagay na ito ang dapat kong unahaing intindihin. Hindi ngayon, Vhong.

All these years, I have been in countless silent battles with the monsters inside this head. I've been in constant wars where I can't depend on no one except myself.

Bago ako umalis ay humarap ako sa salamin. Inayos ko ng kaunti ang buhok ko, konting pagpag sa balikat.


"Kaya mo to, Dindin"


Bago ako umalis ng bahay, tinext ko muna si Anne. Kahit hindi siya magreply ay alam kong mababasa naman niya ito.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Will it be the same? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon