Chapter 36

660 25 8
                                    

Anne's POV


"Pwe..pwede ba akong manligaw.. ulit?" nagulat ako sa tanong ni Vhong na yon, I was surprised at first pero natawa nalang din ako. Eto talagang si Vhong kung ano ano ang sinasabi.


"Mataas ba uli ang lagnat mo?" biro ko sakanya at nilapat ko yung palad ko sa noo niya.


"Annieka naman e! seryoso kasi ako!" kumalas siya sa pagkakayakap sa akin then he sat down. Ang cute niya parang naiinis na kasi naka-pout tapos salubong yung kilay.


"Luh! bat ka ganyan? gagalet Dindin?" nagbaby talk ako para mas lalo siya mainis. Maya maya nakita ko, umover na yung pagpout haha!


"Eh love naman kasi kita eh.. ayaw mo ba sakin? bakit ayaw mo maniwala?" di ko alam kung matatawa ako o maaawa sa itchura ni Vhong.. pero gusto ko pa mang-asar eh, bat ba?


"Hmm... pano kung ayaw ko?"


"Ayaw mo kasi di ako pogi? ayaw mo kasi underweight ako?" pinipigilan ko lang matawa haha ang cute cute niya, para siyang bata! ang kulit ng itchura eh!


"Marunong naman ako magluto eh, tapos kaya ko maglaba at mag plansta.. marunong din naman ako mag drive.. ano pa po ba ang qualifications mo?"


"What if.. gusto ko yung may car?" pagkasabi ko nun, nakarinig ako ng mahinang hikbi.. pagtingin ko kay Vhong, nagpapahid na ng mata sa tshirt niya! haha!


"Wala akong car eh.. pero kung yun gusto mo.. magrerent ulit ako.." suddenly bigla akong naawa, si Vhong talaga kapag masama ang pakiramdam, napaka-emo! iyakin e! magsasalita na sana ako pero bigla siyang yumakap sa akin habang nakaupo kami. He buried his face sa may leeg ko


"Eto naman.. jino-joke ko lang naman ikaw eh!" I kept brushing his hair na pawis na pawis, I feel so guilty naman, nagpaiyak ako ng bata! haha

"Vhong.. look at me.." kinalas ko siya sa yakap niya sakin, I held both his cheeks tapos ay hinolding hands ko siya.


"Hindi mo naman kailangan gawin pa yun eh.. You don't have to ask for it.. alam mo na yun."


"Annieka.." humiga si Vhong at hinatak niya ako sabay pinaunan sa dibdib niya. I can feel his heartbeat. I can feel his chest moving up and down, ramdam na ramdam ko ang bawat paghinga niya. Biglang sumeryoso ang paligid.


"Ayoko kasi na.. sasagutin mo ulit ako nang ganon lang kadali pagkatapos ng lahat ng nagawa ko sayo. Minsan alam mo.. naiisip ko kung paano mo nagagawa ang lahat ng ito, paano mo nagagawang ngumiti sa akin despite sa lahat lahat ng sakit na naibigay ko sayo.. Alam ko, kahit di mo man sabihin.. deep inside, may alinlangan ka pa.. kahit ako rin naman nung una.. Pero Annieka.. gusto ko patunayan sayo na.. na handa akong panagutan ka, handa akong panindigan lahat ng bagay na kaakibat ng nararamdaman natin para sa isa't isa" Di ako nagsasalita, I just remained quiet, pinapakinggan ko lang lahat ng sinasabi ni Vhong but my tears kept flowing and I can't control it.

"Alam mo.. natutunan ko na.. di sa lahat ng pagkakataon kailangan mong lumaban, di sa lahat ng pagkakataon.. kailangan mo silang labanan.. kasi.. natutunan ko na.. minsan.. ang kailangan mo lang gawin ay ipaintindi sakanila ang lahat. Gusto ko kapag sinagot mo ko.. that's when the time na di ka na natatakot.. kasi magkasama na tayo.. magkasama na tayo hindi para labanan sila, pero magkasama na tayong ipapaintindi sakanila kung gaano natin kamahal ang isa't isa." I looked upon his eyes, I wanna drown in his beautiful brown eyes.. They're tired.. but I found sincerity in his glares.

Will it be the same? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon