Chapter 35

596 18 9
                                    

Wala pang araw ay abalang-abala na si Nanay Bing sa mga gawaing bahay. Kakauwi niya lang galing sa pamamalengke kasama si King at Lori.

Pagkadating niya sa kusina ay agad niyang iniayos ang pinamili at nagsimula nang magluto. Sa araw na ito, dalawa ang alaga niya. Parehas pang natutulog, yung isa ay puyat at yung isa naman ay may sakit.

Inayos ni Nanay Bing ang tray na may sopas at mainit na gatas bago siya pumanik. Naghanda rin siya ng palangganang pamunas at ipinasunod nalang ito kay Lori sa guest room.

Pagpasok niya ay naabutan niyang payapang natutulog pa rin si Vhong. Inilapag niya ang bitbit na tray sa lamesa sa tabi ng kama at tsaka naupo siya sa tabi ni Vhong. Napailing nalang ang matanda nang mailapat niya ang kamay niya sa noo ni Vhong, hanggang ngayon kasi ay nilalagnat pa rin ito.

"Vhong..." marahan niyang hinaplos ang pisngi ni Vhong para gisingin

Sa sandaling iyon, napatitig siya sa mukha ni Vhong at may naalalang ilang mga bagay na bahagyang nakapagpangiti sakanya. Halos nakita niya kasing nagbinta si Vhong dahil grade six sila ni Annieka nung nakilala niya ito. Siya rin ang kasa-kasama ng dalawang bata sa tuwing lumalabas sila. Chaperone siya kaya alam niya kung paano umusbong ang pagtingin nila Vhong at Anne sa isa't isa.

Matandang dalaga si Nanay Bing, although nagkaroon rin naman siya ng mga karelasyon pero mas pinili niya nalang niyang maging ganito sa kadahilanang kuntento na siya sa pamilya ng kanyang alaga. Di rin naman kasi iba ang turing ng pamilya ni Anne kay Nanay Bing dahil na rin sa tagal niya sakanila.

"Ang batang to" muling hinaplos ni Nanay Bing ang buhok ni Vhong, tulog na tulog pa rin ito hanggang ngayon. Single si Nanay Bing pero simula nung nakilala niya si Vhong ay palagian siyang nakakatanggap ng bulaklak tuwing Valentines day, di niya alam kung nagpapalakas lang ito sakanya dahil sa alaga niya pero noon pa man ay sweet at thoughtful na si Vhong kaya di rin naging imposible na mapalagay ang loob niya rito.

Makulit, pilyo pero magalang na bata ang pagkakakilala ni Nanay Bing kay Vhong, sumusunod ito sakanya at napapagsabihan niya rin ito kaya ganon nalang rin siya nasaktan nang malaman kung ano ang ginawa ng alaga niyang si Annieka at ni Vhong. Isa siya sa sumpal kay Vhong nang malaman niyang nabuntis nito ang alaga niya at isa rin siya sa galit na galit sa binata nung nagloko ito na naging dahilan kung bakit napaaga ang panganganak ni Anne. Ilang sampal at talak rin ang inabot ni Vhong sakanya.

"Nanay?" Pagdilat ni Vhong ay mukha agad ni Nanay Bing ang nakita niya, dahil don ay bigla siyang umayos ng upo.

"Ferdinand" isa si Nanay Bing sa tumatawag ng pangalan na iyon kay Vhong, madalas kapag pinapagalitan niya ito o kaya kapag pinapangaralan.

"Ano bang ginawa mo sa sarili mo?" tanong ni Nanay Bing kay Vhong, ngayon lang kasi niya napagmasdan ng husto ang binata.

"Nanay.. so...sorry po" mahinang bulong ni Vhong, sa matagal na panahon ay ngayon lang siya makakahingi ng tawad sa yaya ni Anne.

"Totoo ba yung mga naririnig-rinig ko tungkol sa iyo?" yumuko na lamang si Vhong at marahang tumango.

"Hindi ka na ba nakabalik sa inyo?"

"Di na po.. li..limang taon na po" sa pagkakataong iyon ay di maintindihan ni Nanay Bing kung bakit parang kinurot ang puso niya. Alam na alam niya kasi kung gaano karangya ang dating buhay ni Vhong, sunod sa lahat ng luho at sanay siyang may gumagawa ng mga bagay-bagay para sakanya.

Will it be the same? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon