3rd Person's POV
Araw ng Biyernes ngayon, dapat ay alas sais ng hapon hanggang alas diyes ng gabi ang kanyang pasok sa eskwelahan para sa kanilang Research Subject ngunit may meeting ang kanilang professor kaya maaga itong nagdismiss. 30 minutes lang ang itinagal ng klase tapos ay pinauwi na silang lahat.
"Manong, para po!" kinaltok ni Vhong ang kisame ng jeep tapos ay dali-dali nang bumaba. Medyo hirap siya gawa ng mga bitbit niyang mga gamit na naiinis siya kung bakit dinala niya pa samanatalang wala naman pala silang klase.
"Ate, magkano po dito sa tulips?" tanong ni Vhong habang inuusisa ang mga bulaklak sa kanyang harapan.
"60 pesos ang isa" sagot sakanya nung tindera. Agad nagcompute si Vhong sa kanyang utak kung magkano ba ang magagastos niya.
"Pero may boquet kami, pitong bulaklak ang kasama.. walong daan." offer sakanya, napaisip si Vhong dahil medyo may kamahalan iyon.
"Kahit anong bulaklak po ate pwede?"
"Oo pwede.. basta pitong piraso, yung mga dahon at iba pa.. kami na ang bahala.."
"Sige po ate.. kuha po ako non, ano po bang itchura?" binigay kay Vhong nung tindera yung clearbook na naglalaman ng pictures ng flower arrangements ngunit parang wala siyang nagustuhan dun sa halagang sinasabi nung babae.
"Ate, ito ho magkano?" turo ni Vhong dun sa isang flower arrangement
"Ay iho, 1500 iyan" muli nanamang napaisip si Vhong. Actually, 1000 lang talaga ang budget niya para sa bulaklak pero nagandahan siya dito kaya mukhang okay na rin naman, konti nalang naman ang idadagdag niya.
"Sige po ate, ito nalang po ang kukunin ko. Pakigandahan po ha!"
Matiyagang naghintay si Vhong at parang giliw na giliw pa ito sa panunuod dun sa gumagawa ng boquet. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil alam niyang espesyal ang taong pagbibigyan niya nito. Habang naghihintay ay kinuha niya ang isang box ng ferrero na binili niya nung nakaraang araw. Binakbak niya ang tagprice nito at inayos ang ribbon sa ibabaw.
Ilang minuto lang ay natapos na ang pinagawa niyang bulaklak, natuwa naman siya sa kinalabasan nito dahil sa maganda ito at hindi halatang sa Dangwa lang niya pinagawa.
"Ate.. wala ba kayong student discount?" bulong ni Vhong dun sa kahera, mukhang iyon ang may-ari ng flowershop. Tinaasan lamang siya ng kilay nito kaya bahagyang natawa si Vhong sa tanong niya.
"Pwede po bang 1400 nalang? hehe mother's day naman po eh" muling sambit ni Vhong at ngintian ng pagkatamis-tamis ang babae, pinakitaan niya ito ng kanyang dimples 😂
BINABASA MO ANG
Will it be the same? (COMPLETED)
FanfictionCan love lead your heart back to the first one who broke it?