Chapter 68

504 21 9
                                    

Cont. Anne's POV

Maaga ako natulog, actually hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Simula nung iniwan ko si Vhong sa unit niya, hinihintay ko pa rin yung text niya baka kasi nagpapalamig lang yon pero wala akong natatanggap ni-isang text mula sakanya. Ayoko siyang tawagan dahil baka lalo lang lumala yung away namin. I'm giving him all the space he need pero it hurts me so much kapag naiisip kong natitiis niya ako ng ganito. I know he was hurt by what Ian have told him pero hindi niya ako hinayaan magexplain.

Umaga na pero wala pa rin paramdam si Dindi ko 😭 sana okay lang siya. Nagaalala ako dahil kilala ko si Vhong, kapag galit siya di niya iniintindi yung sarili niya, wala siyang pakialam.

I read my messages again, hoping that he'll reply pero ilang minuto na yung nakaraan pero wala pa rin. Pinipigilan ko lang yung sarili ko talagang tawagan si Vhong.

I ate breakfast muna, wala din akong ganang pumunta sa office today. Hay! Dindin!!😭 Di na ako naiiyak dahil tuyong-tuyo na yung luha ko kagabi palang. Paikot ikot lang ako sa kwarto ko, I tried to divert my attention by watching K-Dramas pero si Vhong talaga yung naiisip ko. I can't help it. Ang hirap! Isang araw palang na di niya ako pinapansin, namimiss ko na agad.

I blocked Ian sa social media, even yung number na ginagamit niyang pangtawag at text sa akin, nakablock na sa phone ko. I don't wanna hear anything from him again. Aminado naman ako na mali ako, dapat pinaalis ko nalang siya agad at hindi ko na siya kinausap baka sakaling di ganito yung nangyari.

Damn it! Di ko na talaga kaya! I dialled Vhong's number. Ilang ring lang, sinagot na niya!

"He..hello.. baby?"


"Bakit?"


"How are you?" I tried to calm my voice pero naiiyak ako.

"Nasa school ako"

"Ahh ganon ba? Kumain ka na?"

"Di pa. Pauwi ako sa tenement, magpapalit ako ng damit natapunan ng paint yung polo ko"

"Te.teka.. Dindin! Ako nalang kukuha ng uniform mo sa tenement then I'll bring it there, dyan ka nalang ha? I'll get it tapos I'll bring you lunch"

"Wag na, ako nalang"


"Please, baby? Umuulan eh.. ako nalang kukuha, wait for me. Mabilis lang to"

"Bahala ka"

I immediately dropped the phone at dali-dali akong nagbihis para pumunta sa unit ni Dindin. Napangiti ako, atleast he talked to me. Akala ko di niya sasagutin yung tawag ko eh. This is the perfect time para makabawi ako sa kasalanan ko.

May copy ako ng schedule ni Vhong for this sem, sakto sa lunch break niya. Nagdrive thru muna ako pagkakuha ko ng uniform niya before I headed to his school. Buti nalang mabilis yung service at wala gaanong traffic kaya mabilis lang ako nakabiyahe.

"Baby, I'm here na. Where are you?" I texted him. Wala pang isang minuto ay nagreply na siya. Sabi niya hintayin ko nalang siya sa school garden.

"Annieka" paglingon ko, Si Dindin ko yun! He's polo is covered with paint. Di ko maintindihan kung anong kulay, basta madumi! Nakasukbit sakanya yung backpack niya ay dala dala niya din yung tube case at T-square niya. Mukhang pauwi na nga talaga.

"Baby.. ahm.. eto.. eto na yung polo mo" inabot ko sakanya yung polo, nakahanger kasi yon dahil ayaw na ayaw ni Dindin na nalulukot yung uniform niya.

Will it be the same? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon