Lagpas isang linggo na simula nung launching at lagpas isang linggo na ring sinusubsob ni Vhong ang sarili sa pagtatrabaho at sa pag-aaral. Maaga siyang umaalis sa tenement at halos madaling araw na kung umuwi. Sa library na ng eskwelahan nila siya nagpapalipas ng oras, nagaadvance reading o kaya naman ay nagrereview siya hanggang sa oras na para pumasok siya sa café, may mga araw na nagdo-double shift pa siya sa café at uuwi ng tenement para maligo at matulog ng saglit tapos ay papasok nanaman siya. Sa eskwelahan ay tumatanggap parin siya ng ilang trabaho mula sa mga estudyante sa lower year tapos ay gingawa niya iyon sa library o kaya naman sa café kapag wala masyadong customers.
"Vhong, eto na yung sweldo mo.. nakalista na rin dyan yung nga overtime at holiday pays mo ha." Iniabot ni Sir Rex kay Vhong ang sweldo niya para sa buwan na to.
"Salamat po, Sir" napatitig bigla si Sir Rex kay Vhong, tila may gustong sabihin na di niya masabi.
"Maupo ka nga muna" sambit ng propesor, agad naman itong sinunod ni Vhong at naupo habang naghihintay ng sasabihin sakanya.
"Pagaaral mo, kumusta na?" Ngayon nalang ulit nakumusta ni Sir Rex si Vhong ng personal dahil na rin sa parehas silang maraming ginagawa.
"A..ayos lang po, Sir" napakunot ang noo ni Sir Rex sa tono ng boses ni Vhong, paos kasi ang boses nito.
"Kumakain ka pa ba ha?" Tanong niya habang nagaayos ng mga papeles sa kanyang desk. Palihim niyang tinatapunan ng tingin ang estudyante, napansin niya kasing parang pumayat ito although payat naman talaga ang built ng katawan ni Vhong.
"Opo sir, syempre naman" tawa ni Vhong pero bigla siyang naubo ng bahagya.
"Ilang araw ko nang naririnig ang pangalan mo sa faculty ng CFA, si Sir Lagdameo.. halos araw-araw kang mukhang bibig. Palagi mo raw nape-perfect ang mga quizes niya, pati mga pinapasagutan sa board.. halos ikaw na raw ang sumasagot lahat" Si Vhong naman, habang salita ng salita si Sir Rex ay nanatili lang nakatahimik.
"Mukhang nagbabago na ang isip mo ha, mukhang gusto mo na atang humabol ng Laude, Vhong?" Matagal nang sinasabi ni Sir Rex kay Vhong na pagbutihin niya pa lalo ang pagaaral para makahabol siya kahit cum laude man lang dahil alam niya na kayang kaya naman iyon ni Vhong o mas mataas pa ang makuha nitong latin honor pero kilala niya rin ang estudyante , ayaw na ayaw nitong napepressure siya sa pagaaral. Bagay na sinasangayunan naman ng propesor, ayaw niya rin ipressure si Vhong kahit na nakikitaan niya ito ng potensyal.
"Bumabawi lang po ako sir, sayang po kasi yung scholarship kung di ko nanaman po makukuha next sem, mas marami pong gastos dahil magsisimula na po ang thesis period." Paliwang ni Vhong, medyo nahihiya pa siyang i-open up ang scholarship dahil si Sir Rex ang dahilan kung bakit di niya ito nakuha ngayon sem.
"Sinabi ko naman kasi sayo eh, magpapasa ka lang sa tamang oras, ayusin mo mga plates mo.. wala tayong magiging problema, naiintindihan ko.. working student ka and you have to juggle three works at a time just to sustain yourself, pero noon naman nagagawa mong ibalance lahat hindi ba?" Napatigil si Sir Rex sa pagbabasa at saglit na tinignan si Vhong na kasalukuyan lang na nakayuko at walang imik.
"Opo sir.. kaya nga po bumabawi ako" ayan nalang ang naging sagot ni Vhong.
"Sige.. basta.. malaki ka na, alam mo na kung paano mo mamanduhin ang buhay mo, Mr. Navarro. Have a good day" hudyat na yon para kay Vhong na umalis na sa opisina ni Sir Rex.
Pagkagaling ni Vhong sa shop ay agad siyang dumiretcho sa tenement. Sa loob ng halos dalawang linggo niyang pagtatrabaho ng mabuti ay unti-unti na niyang nararamdaman ang pagod.
BINABASA MO ANG
Will it be the same? (COMPLETED)
FanfictionCan love lead your heart back to the first one who broke it?