Vhong's POV
"Pare, salamat talaga ha.. basta iingatan ko tong kotse mo, tetext nalang kita kapag pauwi na ko. Thank you talaga!" Nagrent ako ng kotse dun sa isang ka-close ko sa tenement, tinatanong ko yung rate niya for the whole day pero ang sabi niya sakin ay libre nalang daw pero di ako pumayag kaya sabi nalang niya na 500 nalang daw ang ibayad ko.
Nagrent ako kasi ang dyahe naman kung wala akong pansundo at panghatid kay Anne diba? Panget naman rin kung sasakyan niya ang gagamitin namin. Natext ko na si Anne, usapan namin na 10am ko siya susunduin sa bahay niya. Muntik ko pang makalimutan yung merchandise, for sure matutuwa si Anne pag nakita niya yon.. mahilig kasi siyang magtabi ng mga kung ano anong bagay na remembrance sa mga napupuntahan niyang lugar o event.
"Dito na ko" bumaba ako ng sasakyan at sumandal sa may pinto habang tinetext ko si Anne. Saglit, yung buhok ko baka nagulo! Naglean ako sa may side mirror at bahagyang inayos yung buhok ko. Nag-spray rin ako ng pabango, syempre.. kailangan fresh!
"Hi!" Alam niyo ba yung parang sa mga teleserye? yung biglang paglingon mo, humangin yung buhok niya at nasinagan siya ng araw habang ang ganda-ganda ng ngiti niya at naging slowmo ang lahat? Ganon! ganon ang naramdaman ko! haha joke lang!
"Wow, gwapo ha!" ano ba, Anne! di kaya ako kinikilig! ano baaaaa!
"Shall we?" pinagbuksan ko siya ng pinto at inalalayan papasok ng sasakyan, syempre dapat gentleman tayo! haha!
"Ayy, Anne.. eto pala oh! merchandise galing sa fair.. pwede gamitin mamaya sa concert" inabot ko sakanya yung paperbag habang nagdadrive ako.
"OH MY GOD!!! these are so cute, Vhong!! and..look.. may light bracelet pa!!! omg!!! I'm so wearin' this shirt!!! thank youuu!!!" para siyang batang excited dahil binigyan ng laruan, sabi sainyo eh! 1 point, Vhong Navarro! haha!
"Vhong, san tayo magla-lunch?" tanong niya, as usual.. pagkain nanaman
"Ahh.. doon, maraming booth don ng food"
"Yehey!! I love fair food! sana may mga games din no?" hay! medyo traffic papasok ng school grounds dahil sa dami ng sasakyan pero ayos lang, masaya naman ako haha joke!
"Super cute naman nitong merchandise niyo!! ang simple pero cool ng designs." kanina niya pa tinitignan yung binigay ko.
"Ayy Vhong, where's our tickets pala?" oo nga pala! nasan yung ticket?
"Nako! naiwan ko!" biro ko sakanya, sinimangutan niya ako haha! ang kulit!
"Joke lang, eto o! syempre.. makakalimutan ko ba to?!"
"Tara?" ngitian niya ako at sabay kaming pumasok sa school
"Wow, Vhong! ang saya naman dito!" kung kanina ay excited na siya, parang mas lalo siyang na-excite sa mga nakikita niya.
"Punta muna tayo sa booth" Inaya ko na siya dahil 12pm na, ako na ang nakatokang magbabantay at kikilos ngayon sa booth. Sana wala pa masyadong tao para makakain pa kami ni Anne.
"Ui Pre! Ayy.. Ms. Anne, good afternoon po!" bati sa amin ni Paul. May mangilan-ilan na siyang shirt na ginagawa at yung iba naman ay nakasampay na.
"Meron na may-ari nito?" tanong ko
"Oo tol, mga taga accountancy may-ari niyan" nakakatuwa naman dahil mukhang marami kaming mabebenta ngayon ha.
"Anne, upo ka muna" pinaghila ko siya ng monoblock, tutulungan ko muna si Paul sa pag silk-screen ng tshirts.
"Si Yuri tska si Yvan, nasaan?" sila yung dalawa naming kagrupo sa entrep ni Paul, kahit kailan talaga yung dalawang yon.. pabigat! haha
BINABASA MO ANG
Will it be the same? (COMPLETED)
FanficCan love lead your heart back to the first one who broke it?